Chapter 42 GIANNA was still not in the mood. Wala pa rin siyang ganang magsalita. Nakamukmok lang siya sa gilid. Malungkot ang kanyang mga mata, mugto iyon dahil sa kaiiyak niya kagabi. Narinig niya ang pilit na pagtikhim ng kanyang kasama upang makuha nito ang kanyang atensyon. “Gianna,” usal nito. Nilingon ito ng dalaga. Ngumiti si Gianna sa kaibigan. “I’m fine, Summer. Don't worry,” aniya. “Talaga ba?” naninigurado nitong tanong sa kanya. Kaagad siyang tumango bago nag-iwas ng tingin. “Kakausapin ko siya pagkabalik niya,” usal ni Gianna. “Sigurado naman akong makakapagpaliwanag siya,” dagdag niya pang sabi. Tumango ang kaibigan. “Hmm. Sige. Maiwan na muna kita,” paalam nito sa kanya. Kaagad siyang sumang-ayon. “Saan ka pupunta?” tanong ni Gianna. “Lalabas muna ako. Magp

