Chapter 56 KINAUMAGAHAN ay maagang nagising si Gianna. Nakahanda na ang dalagang si Summer at siya naman ay papasok pa lamang sa banyo upang maligo. Maaga silang papasok dahil may test sila. Kinuskos niya nang kinuskos ang kanyang katawan. Nagsabon siya at naglagay ng shampoo at pagkatapos ay kaagad siyang nagbanlaw. Malamig ang tubig at nanginig siya. “Gianna! Bilisan mo na riyan!” tawag sa kanya ng dalagang si Summer. “Ang bagal mo talagang kumilos! Ang haba pa ng tulog mo ngayon, ayan at late ka na naman ng gising,” sermon pa sa kanya ng dalaga. Lihim siyang napasimangot. Kaagad siyang tagtapis ng tuwalya sa kanyang katawan saka lumabas ng banyo. Nakaupo sa vanity mirror ang dalagang si Summer at kasalukuyan itong naglalagay ng pulbo sa mukha. Nakaayos rin ang kilay nito at may l

