Chapter 55 “Now eat.” Inilapag ng binata ang pagkain sa harap ni Gianna. Hanggang ngayon ay hindi mapakali si Gianna. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. “S-Salamat,” sensiro niyang pasasalamat sa binata. Tumango lang ito. “Lalabas muna ako. I will come back later. Just get ready dahil ihahatid kita,” anunsyo ng binata. Tahimik na tumango si Gianna at nagsimula ng kumain. Mabilis niyang naubos ang pagkaing inihanda sa kanya ng binata. Kaagad niyang tinakpan ang bibig nang mapadighay siya dahil sa pagkabusog. Niligpit niya ang kanyang pinagkainan at inayos ang higaan. Inamoy niya ang kanyang hininga at napangiwi siya dahil mabaho iyon. “Amoy gatas, hmp!” usal niya sa sarili. Hinanap niya ang kanyang pantali sa kanyang buhok. Ilang minuto lang ay bumalik ang binata at may dal

