Chapter 54 Kaagad na pumasok sa kuwarto si Rage pagkatapos niyang marinig ang boses ni Silvanus. Namamaos iyon kaya medyo nagulat siya. Magsasalita na sana siya nang makita niya ang isang babaeng nakahiga sa kama ni Silvanus. Nagugulat niyang binalingan ng tingin ang kaibigan. Ininguso ni Rage ang dalaga. Pinandilatan niya si Sil. “Who is that?” kunot-noo niyang tanong. Halata sa mukha ng lalaki ang pagkataranta. Maging si Rage ay hindi naiwasang maging balisa. Sa pagkakaalam niya, bawal ang mga motal sa Nervana Club. Nang maaninag niya ang mukha ng babae ay lalo lang siyang nagulat. “Is that Gianna?” bulalas niyang tanong. Kaagad niyang natakpan ang sariling bibig. Dahil sa gulat ay hindi niya inaasahang mapalakas ang kanyang boses. “Sssh!” saway sa kanya ni Silvanus. “Huwag kang

