Chapter 53 She stopped on her track to catch her breath. Kailangan niyang magpahinga at mukhang malayo pa ang kanyang lalakarin. There were trails on it kaya madali lang sa kanya ang maglakad ngunit nangangawit na ang kanyang mga binti at paa. She needs water. Hindi siya nakapagdala. Hindi siya handa. Nagpalinga-linga siya at pakiramdam niya ay may paparating. Dali-dali siyang naglakad papalapit sa isang malaking puno at doon nagtago sa likod nito. Hinihingal siyang sumandal at tinakpan ang kanyang bibig. Hindi kalayuan ay nakarinig siya ng mga boses. Tumatawa at nag-uusap. Habang papalapit ang mga ito sa gawi niya ay hindi mahinto sa pagkabog ang kanyang puso. Kulang na lang ay lumundag ito palabas ng kanyang katawan. Pigil ang kanyang hininga upang hindi siya makagawa ng ingay. Nanga

