Chapter 50 “I saw them.” Gulat na nilingon ni Gianna ang kaibigang si Summer na kagagaling lang sa labas. Pawisan ang noo nito at kasalukuyan itong nagpapahatid ng puting panyo sa mukha. Hinihingal pa ang dalaga at namumula ang pisngi nito halatang nabilad sa araw. “Huh?” kunot-noo niyang tanong sa dalaga. “Sino?” dagdag na tanong ni Gianna sa nagtatakang kaibigan. “I saw them. Si Sil at ’yong nakabuntot sa kanyang si Drucilla,” kuwento ng dalaga. Nagkibit-balikat si Gianna. “So what?” takang tanong ni Gianna. Summer was taken aback by her response. “What do you mean,” nalilitong usal ng dalaga. “I saw them, too. Kanina,” pag-amin ni Gianna. Ngumiti pa siya sa kaibigan. “Wow! You are smiling!” bulalas na komento ni Summer. “I don't understand!” singhal niya pa. Hindi siya makapa

