Chapter 49 Hindi pa rin nakakabawi mula sa pagkagulat ang sistema ng dalagang si Gianna. Simula nang pag-uusap nila ni Summer ay hindi pa siya ulit nagsalita. Suot ang kanyang faded blue sweater and black leggings at pinaresan niya ito ng dark brown boots. Naisipan ni Gianna na lumabas upang mainitan ang kanyang katawan. Kailangan niyang magmuni-muni. Hindi niya alam kung paano kakausapin ang binata kapag magtagpo ulit ang kanilang landas. Lumabas siya upang huminga ngunit mali yata ang kanyang desisyon. Nahagip ng kanyang paningin ang dalawang pigura na nakaupo sa lilim ng punong acacia. Nag-uusap ang dalawa habang ang babae ay hindi mapakali ang mga kamay at ang lalaki naman ay balewala lamang dito ang ginagawa ng babaeng kasama. Nag-init ang kanyang mukha. Hindi dahil sa kilig kun

