Chapter 31 Nakangising mga mukha ang bumungad kay Gianna pagkapasok niya sa silid. Naroon na sina Yanna at Marie habang si Summer ay naiwan kanina. “Taray, ah!” nakangising komento ni Yanna. “Ang sweet ninyong tingnan!” kinikilig pa nitong dagdag. Gianna, being the a cocky b*tch, flip her hair. Nakatanggap tuloy siya nang mahinang hampas sa kanyang balikat. Natatawa siyang naupo sa kanyang upuan. “Ano ba ang nakakainggit sa ’min? Akala ko ba ay may mga nobyo na kayo?” nakataas ang isang kilay na tanong ni Gianna sa dalawa. “Yeah,” malungkot na sabat ni Marie. Bumaling sa dalaga si Gianna. “Pero nass ibang lugar kasi sila. Hindi namin sila nakakasama nang madalas lalo na at nag-aaral kami,” malungkot na dadag na wika ni Marie. Bigla namang nakaramdam ng lungkot si Gianna. Naalala niy

