Chapter 30 Isang araw lang ang lumipas at mabilis na kumalat ang balitang magkasintahan sina Silvanus at Gianna. Halos pumutok sa selos ang mga ugat sa katawan ni Drucilla. Hindi lubusang matanggap ng dalaga ang nangyari. Sinugod niya ang binatang si Silvanus habang galit na galit sa pribadong silid nito. Padarag niyang binuksan ang pinto ng hiding place ng binata. Gulat na napalingon sa pinto si Silvanus. Wala siyang inaasahang bisita at inutusan niya si Rage na lumabas kaya hindi niya inaasahang may papasok sa kanyang maliit na opisina. “Drucilla!” gulat niyang tawag sa pangalan ng dalaga. “What are you doing?” usyuso niyang tanong. Pansin niya ang hindi mahitsurang reaksyon ng dalaga. Masama ang mukha ng dalaga at mukhang handa itong atakihin siya. Padabog itong naglakad papalapit

