Chapter 46 Masama pa rin ang loob ni Summer kay Gianna kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi sa kanilang dorm. Nasa labas lang siya, nakatambay. Nilalamok na siya at malamig ang simoy ng hangin. Ayaw niyang harapin ang dalaga. Naiinis pa rin siya rito at napapagod na siyang pakisamahan ito. Mauubusan lang siya ng pasensya kapag nasa malapit ang dalaga kaya naman pinili na lamang niyang magpahinga muna. Kailangan niyang ikalma ang sarili at ayaw niya ng gulo. She wanted to whack her ngunit hindi naman siya ganoong kaibigan. Ramdam niya ring hindi madali ang pinagdadaanan ni Gianna kaya naman minabuti na lamang niyang hayaan itong makamit ang gusto nito, nang mag-isa. Mukhang may makakaaway na naman ang dalaga lalo na at may bago silang kaklase. Hindi niya lang maintindihan k

