Chapter 47 Pabalibag na isinara ni Gianna ang pinto ng kanilang kuwarto ni Summer pagkapasok niya. Basang-basa ang kanyang katawan at malagkit ang kanyang pakiramdam. Masama ang kanyang loob at gustong-gusto niyang manuntok ngayon. “D*mn it!” malakas niyang singhal. Pabalikwas na bumangon ang kasama niya sa kuwarto. Gulat itong napabaling sa gawi niya. “What happened to you?” nagtataka nitong tanong. Hindi ito sinagot ni Gianna bagkus ay dire-diretso siyang pumasok sa banyo. Basa ang kanyang suot at may mantsa pa iyon. Inis niya itong hinubad at patapon na inilagay sa laundry basket. Masama ang timpla ng kanyang araw at dumagdag pa ang dalagang si Drucilla. Tiningnan niya ang kanyang repleksyon sa salamin. Naiiyak niyang hinawakan ang basang buhok. Nahinto ang kanyang paningin

