Chapter 67 A few hours earlier… Kinailangan ni Rage na pumunta sa Luna Dormitory upang kumuha ng mga importante na gamit ng dalagang si Summer. Nasa klase pa si Gianna kaya hindi niya ito puwedeng utusan. Hinintay niya muna na matapos i-monitor ng doktor ang dalaga bago siya nagpaalam na aalis. Hindi pa rin bumabalik si Silvanus. Hindi niya ito masamahan dahil ibinilin ng binata sa kanya ang dalagang si Summer upang bantayan ito. Bumuntong hininga siya. Ilang araw na siyang puyat. Wala naman iyon sa kanya ngunit napapagod na siyang bantayan ang dalaga. Ang tagal kasi nitong magising. Ilang minuto lang ang tinahak niyang daan bago niya narating ang dormitory ng mga babae. Diretso siyang pumasok at walang lingunan na naglakad sa mahabang hallway. He sensed something unfamiliar. A

