Chapter 66 “Good afternoon, Rage. Kamusta na ang lagay ni Summer?” kaagad na tanong ni Gianna nang bumisita siya sa clinic. Tapos na ang kanyang klase at dito siya dumiretso. Gusto na niya itong magising upang makauwi na. “Hmm. Tiningnan siya ng doktor. Umaayos na ang kanyang kalagayan. Magigising din siya,” sagot ng binata sa kanya. Kaagad na nilapitan ni Gianna ang kaibigan. Ginagap niya ang kamay nito. “Hey, gumising ka na. Na-miss ko na ang pagiging bungangera mo,” natatawa niyang usal sa dalaga. “Mabuti naman at hindi ka natuluyan,” biro niya. “Mabuti naman at naagapan kaagad,” baling niyang wika sa binata na nagugulat sa kanyang pinagsasabi. Tumango ito sa kanya. “Pasensya na. Ganito lang talaga kami magbangayan,” hinging paumanhin niya sa binata. Ngumiti lang ito ng pilit.

