Chapter 65 Ilang minuto nang paulit-ulit na tinitingnan ni Cecilia ang kanyang relos. Malapit nang magsimula ang klase ngunit wala pa rin ang dalawang dalaga na hinihintay niya. Kaagad niyang nilingon ang mga kaibigan ng mga ito. “Hey,” untag niya sa dalawa na nag-uusap. Mabilis na lumingon sa kanya si Yanna. “Yes?” tanong nito. “Bakit wala pa sila Summer?” usisa ni Cecilia. Nagkibit-balikat ang dalaga. “Hindi ko alam. Hindi kasi kami nagkasabay papunta rito,” sagot ni Yanna. Tumango-tango si Cecilia. “Eh, bakit ka ba nagtatanong?” untag na tanong sa kanya ni Marie. Natigilan siya. “Ah, eh, wala lang. Baka kasi ma-late sila sa klase,” pagsisinungaling niyang sagot. Mabuti na lamang at tinanggap ng dalawa ang kanyang sagot. Isang minuto na lang at oras na ngunit kaagad na dum

