Chapter 64 Kanina pa hindi mapakali si Gianna. May bumabagabag sa kanyang isipan. Nagiging balisa siya. Panay ang pagkuskos niya sa kanyang mga palad dahil wala siyang magawa. She’s anxious. Hindi mawala sa kanyang isipan ang kaibigang si Summer na iniwan niya sa kanilang kuwarto. Gusto niyang tawagan ito ngunit wala siyang load. Sana lang ay kumain ito. Nagbabakasali siya na dinala ni Rage ang dalaga sa clinic para mapatingnan ito sa doktor. Ang masaklap pa ay may quiz sila ngayon kaya hindi siya puwede lumiban sa klase para bisitahin ang kaibigan. Pikit-mata siyang nagsagot hanggang sa matapos ang kanilang klase. “Nakasagot ka ba?” Nilingon niya ang dalagang si Cecilia nang magsalita ito. Tipid siyang ngumiti bago tumango. “Hmm.” “Good,” usal nito. Hindi niya maintindihan kung b

