Chapter 63 “Good morning!” masayang bati ni Gianna sa kaibigan pagkagising niya kinaumagahan. Kaagad siyang humikab at nag-inat ng katawan. “Ang laki naman ng bunganga mo,” nakangiwing komento ng kasama niya sa kuwarto. Napapailing niya itong nilingon. “Ikaw na nga itong binati, ikaw pa ang nagagalit. Ang aga-aga nambabara ka,” nakasimangot na sagot ni Gianna. “Tss. Wala namang good sa morning ko ngayon. Buong gabi akong hindi nakatulog nang maayos. Ang sakit kasi ng tiyan ko,” nakangiwi nitong pagbibigay-alam sa kanya. A series of concern flashed in her eyes. Kaagad siyang bumangon. “Bakit? May nakain ka ba na hindi maganda?” nag-alala na tanong ni Gianna sa kaibigan. Umiling ito. “Hindi ko alam. Maybe someone was trying to p*ison me,” nagbibiro nitong saad. “Tsk. Matakaw ka ka

