Chapter 73 Pagkababa ni Gianna sa bus station ay kaagad siyang pumara ng tricycle. Hindi siya nagpaalam sa kanyang lola na uuwi siya. Sigurado siyang magugulat ito kapag nakita siya. She puffs a hair shadowing her forehead. “Saan ka, iha?” tanong sa kanya ng driver. “Sa Villanueva residence po,” pagod na sagot ni Gianna. Kaagad itong bumaling sa kanya. Tinitigan ng driver ang mukha ni Gianna. “Aba! Ikaw na ba iyan, Gianna?” mangha nitong tanong sa kanya. Mabilis nitong nilingon ni Gianna. “Po?” nagugulat niyang tanong. “Si Mang Jon ito. Hindi mo na ba ako maalala?” sabik nitong tanong sa kanya. “Ako ang taga-hatid at sundo mo noon sa eskwela kapag may ginagawa ang lola mo,” magiliw pa nitong kuwento kay Gianna. Biglang natigilan si Gianna at inalala ang mga panahon na sinasabi n

