Chapter 37 Emosyonal na pumasok sa kuwarto si Gianna pagkatapos nilang mag-usap nang masinsinan ng kanyang Lola Nena. Hidni siya makapaniwala na sinisisi nito ang sarili dahil imbis na ang kanyang mga magulang ang dapat na nasa kanyang tabi ay ito ang nas akanyang piling. Hindi naman siya nagsisisi ngunit sadyang ilang taon na rin niyang hindi nakikita ang kanyang mommy at daddy. Gustuhin man niyang sumunod sa mga ito ngunit wala pa siyang sapat na pera para lumipad patungo sa ibang bansa. Ayaw naman niyang galawin ang bigay na pera sa kanya ng kanyang lola. “Hay! I feel down today,” nakanguso niyang wika. “Ang lola kasi, madrama!” reklamo niya. Nang sumagi sa kanyang isipan ang hinala niya kanina ay kaagad siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa kanyang kama at patingkayad na naglakad

