Chapter 36 Lumipas ang ilang mga araw at patuloy na lumalago ang pagmamahalan nina Gianna at Silvanus. She was love and well taken care of. Wala na siyang hihilingin pa dahil masyado na siyang ini-spoil ng binata. Kapag may gusto siya ay kaagad nitong ibinibigay. Kapag may hindi siya nagugustuhan ay ginagawan nito ng paraan. Binigyan ulit siya ng pagkakataong mabisita ang kanyang Lola Nena na ilang buwan na niyang hindi nakikita. “Lola!” tawag ni Gianna sa ginang nang makapasok siya sa kanilang mansion. Kaagad siyang sinalubong ng ginang nang malaman nitong parating siya. Nag-abala pa itong maghanda ng mga paborito niyang pagkain. “Gianna, apo ko!” Naghumiyaw dahil sa tuwa ang ginang at kaagad na sinalubong nang mahigpit na yakap ang apo. “Lola! I miss you so much!” naiiyak na sambit

