Chapter 6

1052 Words
Chapter 6 Branches creaking. Feet shuffling through detritus. Squirrels chattering, leaves rustling. Winds whistling around disturbing the leaves, birds singing, insects churring, rustle of animals rooting in underbrush and the scrabbling of lizards on tree bark. Gianna lifted her head to the thickness of the forest. It’s dense and the humidity suffocates her. It feels familiar. Umikot siya upang suriin ang kanyang kinalalagyan. Napasinghap siya. Iiling-iling siyang nagtaka habang inaalala kung nasaan siya. “Bakit nandito ulit ako?” nagtataka niyang tanong sa kanyang sarili. She was back at the black forest. Hindi niya alam kung paano siyang nakapunta roon basta nagising na lang siyang nakatayo na siya sa gitna ng gubat. It was dark. Para bang sumasayaw ang mga puno sa kanyang paligid. “Hala! Bakit napunta ako rito? Kahihiga ko lang, ah?” takot niyang tanong sa sarili. Nayakap niya ang sariling katawan nang umihip ang malamig na hangin. It seems like something strange hit her causing her shivers. “Hala!” Nagpaikot-ikot si Gianna upang hanapin ang labasan ngunit hindi niya matandaan kung saan siya dumaan. Nagsimula siyang maglakad at ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang mapansing parang nakasunod sa kanya ang mga puno. Para itong mga masasamang elemento na nakabantay sa bawat galaw ng kanyang katawan. “Hala! Bakit sumusunod sila sa ’kin?” nahihintakutan niyang tanong sa sarili. Nagsimula siyang tumakbo upang maiwasan ang mga punong sumusunod sa kanya ngunit lalo siyang nagimbal nang mas bumilis ang paggalaw ng mga ito. Lalo siyang nakaramdam ng takot dahil dahan-dahan ay nagkakaroon ito ng mukha. Hanggang sa nagmumukha na itong mga taong matatalas ang ngipin at pulang-pula ang mga mata. Lakad-takbo ang kanyang ginawa ngunit pakiramdam niya ay nakalutang sa hangin ang mga nakasunod sa kanya. Yumuko siya upang tingnan ang kanyang mga paa ngunit nanatili siyang nakapako sa kanyang kinatatayuan. Pilit niyang inihakbang ang papa ngunit pabalik-balik lang siya sa kanyang puwesto. Halos napasigaw na siya sa takot nang may humarap sa kanyang pigura. Hindi niya makita ang mukha nito. Nakasuot ito nang itim na cloak. Mahaba iyon kaya hindi rin niya nakikita ang katawan ng pigura. Doon na siyang nagkakawag upang humingi ng tulong. Halos mapiyok at mawalan na rin siya ng boses kasisigaw. Nang ngumiti ito sa kanya habang nakalitaw ang ngipin nito ay doon na nagwala si Gianna. A loud thud woke her senses up. Mabilis ding nakalabas ng banyo ang kanyang kasama dahil sa narinig nitong kalabog. “Oh my goodness! Pangalawa na 'to, Gianna,” rinig niyang sermon ni Summer sa kanya. Paano ba naman kasi ay nahulog siya sa kanyang kinahihigaang kama. Tumama ang kanyang likuran at nagpapasalamat siyang hindi nasaktan ang kanyang ulo. “Sorry,” daing niya pang wika dahil sa sakit. “What happened to you? Nagulat ako sa 'yo, ah!” paasik pa nitong sambit habang nakahawak ang dalaga sa dibdib nito. Pansin niya rin ang mabilis nitong paghinga. “Sorry na nga,” napapahiyang usal ni Gianna. “It was just a nightmare,” pag-amin ni Gianna habang napapakamot siya sa kanyang ulo. Masakit kasi ang likod niya. “I was pooping!” bulalas pa nito kaya nanlaki ang kanyang mga mata. Tiningnan niya ang hitsura ng dalaga at muntik na siyang matawa. Wala itong suot na pang-ibaba ngunit mahaba naman ang suot nitong t-shirt. “Bumalik yata sa loob ang poop ko dahil sa 'yo!” inis pa nitong sabi kaya naman hindi na napigilan ni Gianna ang pagbunghalit ng tawa. Pagulong-gulong siya sa sahig habang diring-diri namang naglakad pabalik ang dalaga sa banyo. “Aargh!” iritable pa nitong sigaw habang isinasara nito ang pinto. “Umayos ka, Gianna! Don't scare me like that again!” banta sa kanya ng kaibigan. “Oo na! I already said sorry!” Tumayo siya at tiningnan ang kanyang kama. Hindi mawala sa kanyang isipan ang nakita niyang imahe sa kanyang panaginip. Hindi niya alam kung saan niya ito unang nakita. Pakiramdam niya kasi ay pamilyar sa kanya ang pagura. “Who are you?” bulong niyang tanong sa sarili. “Sino ang kausap mo?” nandidilat na tanong sa kanya ng kasama. Nakalabas na pala ito ng banyo at nagpupunas ito ng kanay. “Ew! Did you wash your hands?” nandidiring tanong ni Gianna imbis na sagutin ang tanong ng kaibigan. Pinandilatan siya nito. “Of course! Duh! Ipadila ko pa ’to sa ’yo. Gusto mo?” hamon pa nito sa kanya. Napaatras siya saka mabilis niyang natakpan ang kanyang bibig. “Don't you dare!” maldita niyang banta rito. Inirapan lang siya nito saka lumapit ito sa sariling kama. Naghagilap ito nang isusuot. “Baka mamaya-maya lang ay darating na ang uniporme mo. Hintay ka lang,” anunsyo ng dalaga. Tumango si Gianna. “Maliligo na muna ako. Kapag dumating ikaw na ang tumanggap, ha?” utos niya rito. Nagpapa-cute pa siya para pumayag ang dalaga. “Sure,” sagot naman nito. “Pulutin mo sa basurahan pagkatapos mong maligo,” pananakot nito sa kanya kaya mabilis niya itong pinanlakihan ng mata. “What the? Nagbabardagulan ba tayo rito?” hindi makapaniwalang tanong ni Gianna. Hindi naman siya sanay ng ganito dahil wala naman siyang kaibigan sa labas ngunit mukhang pareho sila ng utak ng kasama. “That's a joke! Huwag masyadong seryoso at nakatatanda 'yan kaagad,” wika ni Summer. “Tingnan mo, Oh! May wrinkles ka na!” anunsyo pa ng dalaga na ikinagulat ni Gianna. “What?” Mabilis siyang tumakbo sa banyo at tiningnan ang kanyang mukha. Inilapit pa niya ang noo sa salamin. “Wala naman, ah!” Narinig niya ang bungisngis ng dalaga kaya naman nakahinga siya nang maluwag. “Hindi yata ako makakahinga nang maayos dahil sa ’yo, Summer!” singhal ni Gianna. Lumabas siya ng banyo. “What if makita ako ni Sil tapos pumangit ako? My God! Hindi ko matatanggap kapag iyon ang mangyayari!” komento ni Gianna. “Wow!” nandidilat na ani Summer. “First name basis na kaagad? Talaga lang, ah! Patunayan mong papatol 'yon sa ’yo,” panghahamon ng dalaga sa kanya. Natigilan si Gianna. “Yeah it's risky. Pero gagawin ko naman ang lahat. Tingnan mo, mangyayari ang sinasabi ko,” aniya. “I can't promise anything but it will happen for sure,” parang siguradong-sigurado niyang turan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD