Chapter 5
Gianna was amazed by the lights the star made. Wala namang buwan sa langit ngunit maliwanag ang paligid. Nakangiti niyang tinahak ang malawak at malapad na pathway. She was smiling ear to ear. Gusto niyang mag-explore. Gusto niyang makita ang mga bago sa kanyang paligid. She's enjoying the view and no one seems to know she's outside. No one seems to bother her anyway kaya inaliw niya lalo ang kanyang sarili. Wala siyang alam kung saan siya pupunta. Hindi niya rin alam ang daan pabalik ngunit ipinagwalang-bahala niya lang iyon.
Tatalikod na sana siya nang biglang umihip ang malakas at malamig na hangin. Nayakap niya nang mabilis ang sarili dahil nanginginig siya. Pakiramdam niya ay may dumaang yelo at bumangga sa katawan niya. Babalik na sana si Gianna ngunit may nahagip na interestante ang kanyang mga mata.
Restricted Area
Basa ni Gianna sa karatula. No. It was embedded in a big and black metal. Nakakatakot ang kulay nito. Red. It was dark and creepy for her. Well, unfortunately, she loves creepy things and she loves exploring haunted places. Ito siguro ang sinasabi ni Summer sa kanya. Kaya siguro hindi sumama ang dalaga dahil naduduwag ito. She let a small smile escape her lips. She's ready to conquer her fears. She followed the trail on the forest. Hindi niya alam kung paano niyang nakikita iyon samantalang wala namang mga ilaw sa paligid. She was amazed by how her eyes can see everything. Maliit lang na flashlight ang dala niya. Iyong katulad sa mga horror movies na nakikita niya na mismong iniilawan lang ang nakikita ng mga mata.
Napapagod na siya and her visions became blurry. Lumingon siya sa kanyang pinanggalingan ngunit wala na siyang makitang daan. It feels like she was lured into entering the forest. It was forbidden to enter pero dahil sa kuryusidad ay pumasok siya. Gustuhin man niyang umuwi ay hindi niya magawa. Paikot-ikot lang siya sa kanyang kinatatayuan hanggang sa tuluyan siyang manghina. Nagpahinga siya saglit. Kapag hindi pa siya makakabalik ay sigurado siyang malilintikan siya ng kanyang kaibigan. Mas lalo na kapag nalaman ng mga taga-pamahala na pumasok siya sa isang ipinagbabawal na lugar.
Nang bumalik ang kanyang lakas ay tumayo siya ulit at nagsimula nang maglakad. Hindi na niya alam kung saan siya patungo basta dumiretso lang siya. It was eeriely creepy as she walk past the tall trees. It feels like it was towering down on her na para bang kinokondina ng mga ito kung bakit naroon siya. Napahinto siya nang mapansin niya ang malaking butas sa dulo. Doon niya napagtantong may tunnel sa dulo ng gubat. Excitement slowly crept on her. She loves adventure.
As Gianna steps into the dark, unease slithered down her spine. A crunching behind her hit her ears. She slowly turned around only to be welcome by the dark. Huminga siya nang maluwag upang pakawalan ang tensyon sa kanyang dibdib. Baka atakehin na siya sa puso sa sobrang kaba.
Mabilis siyang nagpatuloy sa paglalakad ngunit napahinto siya ulit nang may marinig siyang ingay. A stomping of feet on the hard floor of the tunnel made her shiver. “Oh my God!” pabulong niyang bulalas. Mabilis niyang pinatay ang kanyang ilaw at tinakpan ang kanyang bibig gamit ang kanyang kamay. “Sh*t! Baka makita ako?” natataranta pa niyang tanong sa sarili.
Paano na? Wala akong mapagtataguan?
Hindi siya mapakali habang patuloy pa rin ang naririnig niyang paglalakad. Dahan-dahan siyang umatras hanggang sa lumapat ang kanyang likuran sa malamig na pader. Impit siyang huminga nang malalim upang pigilan ang sariling gumawa ng ingay. Kinakabahan siya sa posibleng mangyari sa kanya.
Pero bakit may tao sa lugar na ito? Ano pala ang lugar na ito?
Nagtataka niyang tanong sa kanyang isipan. Halos huminto ang kanyang paghinga nang tumapat sa kanya ang pigura. Hindi siya makagalaw. Nanginginig ang kanyang mga tuhod. Hindi man niya nakikita ang mukha nito ay sigurado naman siyang tao talaga ang kanyang nakita. Mas lalo siyang nataranta nang huminto ang pigura sa kanyang tapat. Bumaling ito sa kanan at tahimik siyang nagdasal na sana ay huwag itong lumingon sa gawi niya. She caught the figure sniffed the air as if something caught it's attention.
Halos malunok na niya ang kanyang dila sa pagpipigil sa sariling magsalita. Nauubusan na siya ng hininga at nabibingi siya dahil sa sobrang lakas ng t***k ng kanyang puso. Nakaramdam siya ng ginhawa nang maglakad papalayo ang pigurang hindi niya malaman kung sino ito at kung ano ang ginagawa nito sa lugar na iyon. Mabilis siyang tumalikod. Lakad-takbo ang kanyang ginawa upang makabalik sa kanyang pinanggalingan. She was scared na baka mapahamak siya.
She admits that she’s a brat pero may hangganan ang pagiging sakit niya sa ulo. Ayaw na niyang lumipat ulit ng eskuwelahan kaya naman sisiguraduhin miyang magiging maayos at walang problema ang pag-aaral niya sa lugar na ito. Nakahinga siya nang maluwag nang abot-tanaw na niya ang gate na pinasukan niya kanina. Napangiti siya kahit pa nanginginig siya sa kaba.
Hindi na siya makapaghintay na magkuwento kay Summer. Napalis ang kanyang ngiti nang tumambad sa kanya ang nakapan-dekuwatrong lalaki habang nakaupo ito sa blockbox. Nang makita siya nito ay kaagad itong tumayo. “Miss Gianna,” seryoso nitong tawag sa kanyang pangalan.
It was Rage, the Head Security. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano ang idadahilan niya sa lalaki. “A-Ah,” aniya ngunit mabilis niya ring natakpan ang sariling bibig. Baka may masabi pa siyang ikapapahamak niya.
“Didn’t you read the sign?” malamig nitong tanong sa kanya. Itinuro pa ng lalaki ang malaking sign board. “It says ‘Restricted Area’,” anito.
Hindi sumagot si Gianna. “Why did you enter?” intrigang tanong ni Rage dahilan upang lalong manigas sa kaba si Gianna.
Nang mahabol niyabang kanyang hininga ay saka siya sumagot. “I-I,” panimula niya gamit ang nanginginig na boses. Tumikhim siya upang mawala ang bara sa kanyang lalamunan. “I explored the area!” mabilis niyang sagot na ikinagulat ng lalaki. “I love adventures! So,” nakangiwi pa niyang dagdag.
“It is dangerous to be alone in the dark, Miss Gianna,” anunsyo ng binata kaya naman natigilan siya.
Bigla siyang napaisip. Tama ito. Silang dalawa lang din naman ng lalaki. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. “Hmm. I get what you're implying but,” putol niya sa sasabihin dito. “You're too old for me.”
Narinig niya itong umubo. Marahas iyon na animo ay inaatake ito ng asthma. “H-Hmm, you don’t get it,” usal ng lalaki. “I don't like you either,” sagot ni Rage sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.
“I know! Anyway, I am deeply sorry. Hindi na mauulit,” nangangakong aniya ngunit alam naman niya sa sariling hindi niya iyon matutupad.
“Follow me,” mariing utos nito sa kanya kaya naman kaagad siyang sumunod. Tahimik lang silang naglalakad. Inihatid siya nito sa dormitory nila ngunit sa labas lang ito ng gate dahil bawal itong pumasok doon. Nang maisarado ng lalaki ang gate ay nagtatakbo siya papasok. Kaagad din siyang tumigil nang maalalang malalim na ang gabi at halos lahat ay natutog na.
Gusto na niyang magkuwento ngunit hindi naman puwedeng gisingin niya ang kasama kaya naman maingat siyang pumasok sa kanilang kuwarto. To her surprise, gising ang dalaga. Nakaupo pa ito nang maayos habang nagbabasa ng libro. Lumingon ito sa kanya. “Nandito ka na?” nagtataka pa nitong tanong sa kanya.
Nakangiwi siyang tumango bago isinara ang pinto. “B-Bakit parang disappointed ka yata?” usyusong tanong ni Gianna.
Bumungisngis si Summer na ipinagtaka ni Gianna. “Don't tell me hinintay ka ni Rage sa b****a?” natatawa pa nitong tanong.
Tumango siya. “I-Inihatid niya ako rito,” inosenteng sagot ni Gianna. “Bakit kilala mo 'yon? Are you friends?” intrigang tanong ni Gianna sa kaibigan.
Pinandilatan siya nito. “No!” matigas nitong tanggi. “Siya rin ang nakahuli sa 'kin nang pumasok ako sa gubat. Hindi ka ba pinagalitan?” nag-alalang tanong nito sa kanya.
Umiling si Gianna. “Sinabi niya lang na hindi na mauulit,” tipid niyang sagot.
Tumango ito. Itiniklop ng dalaga ang binabasa nitong libro bago tuluyang humarap sa kanya. Naupo siya sa kanyang kama. Hindi naman marumi ang kanyang suot kaya ayos lang. “So? What happened? Did you see something interesting?” intrigang tanong ni Summer sa kanya kaya napangisi si Gianna.
Mabilis siyang tumango. “Nakahanap ako ng tunnel!” pabulong at excited pa niyang sabi. “Nasa dulo ng gubat! Ang laki at ang dilim! My God! Kinilabutan pa ako!” nahihintakutan pa niyang kuwento sa kaibigan. Narinig niya lang itong tumawa.
“Silly. Hindi naman nakakatakot doon,” komento ng dalaga.
“I know!” pagsang-ayon ni Gianna. “It's just our imagination that plays with our emotions kaya tayo natatakot,” dagdag niya pang wika.
“Bumalik ka ulit doon bukas,” suhestiyon ng isa na ikinagulat ni Gianna.
“Duh! Huwag muna! Baka magbantay na naman doon si Rage,” aniya.
“True! Kaya nga hindi muna ako sumama sa ’yo,” komento ni Summer.
“Matulog na muna tayo at maaga pa tayong gigising bukas,” anunsyo ni Gianna. Kaagad namang tumalima ang kasama. Paglapat ng kanyang likuran sa kanyang kama ay kaagad siyang dinalaw ng antok hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog dahil sa pagod.