Chapter 4

1397 Words
Chapter 4 Tutop ng dalagang si Gianna ang kanyang hininga. Pinigilan niyang gumalaw at tingnan ang mga nakamata sa kanyang mga estudyante. Kinabahan siya lalo na at titig na titig sa kanya ang lalaking si Silvanus. Hindi niya maintindihan ang kabang nararamdaman dahil parang mangangain ito ng tao. Bigla siyang nanghina dahil pakiramdam niya ay hinihigop ng binata ang kanyang lakas. Seryoso ang reaksyon nito na para bang sinusuri nito ang kanyang pagkatao. Gustuhin niyang lamunin ng lupa dahil sa lakas ng dating nito sa kanya. She's mesmerized by his glowing skin. Ang hot nitong tingnan sa suot and the way he walked towards her is definitely deadly. “Oh my God! He’s looking at you!” bulalas pang komento ng kanyang katabi. “Hala! Baka gusto ka niya, girl!” hindi makapaniwalang sambit ng isa pa. Hindi niya maintindihan ang sarili Bigla siyang umasa dahil sa mga naririnig. Umiling siya bilang pagkontra sa sinabi ng kasama. “Hindi iyan totoo,” usal niya. Lahat ay tahimik na nakamasid sa gagawin ng binata. Akmang lalapit na ito sa kanya nang biglang may tumawag dito. Nag-iwas ng tingin ang binata at binalingan nito ang tumawag. Babae. Biglang nainis si Gianna. It was her spotlight at inagaw ito ng babaeng maharot sa paningin niya. Matalim niyang tinitigan ang dalagang tumawag sa binata habang may matamis itong ngiti sa labi. Tumingin pa muna sa kanya ang binata bago ito naglakad palayo na parang nanghihinayang pa ito. Narinig niya pa ang marahas na buntonghininga ng kanyang nga kasama. Para bang nainis din ang mga ito sa binata. “Psh! Bakit hindi man lang siya lumapit sa ’tin?” iritableng tanong ng isang dalaga na kasama nila sa table. Umirap ang katabi nito. “Duh! He's not here for you. He was looking right at Gianna,” komento ng isa. “Ngayon lang siya nagka-interes sa grupo natin dahil nandito si Gianna,” dagdag pa nito. It was flattering to hear. Bumuntonghininga siya. Nagulat siya nang sikuhin siya ni Summer. “Umasa ka naman?” pang-iinis nitong tanong sa kanya dahilan upang matawa siya nang mahina. Sabay na bumungisngis ang mga kasama nila. “Medyo,” napapahiya niyang pag-amin. “But he’s going to be with me one of these days,” usal niya sa harap ng mga ito. Sabay na tumawa ang kanyang mga kasama. Pati ang dalagang si Summer ay nakitawa na rin. “Taray! Ang tapang mo naman?” “Umaasa ’yan!” anang Marie. “Sabi mo ’yan, ha!” sagot naman ni Yanna. “Bakit?” naiilang niyang tanong sa mga ito. “Pinagtatawanan ninyo ako! I am a serious, b*tches!” matapang pa niyang sagot. “Weeh?” nakangiwing tanong ni Marie sa kanya. “Sige lang! Libre naman ang mangarap!” kantiyaw pa ng mga ito sa kanya. “Isang tawag nga lang noong babaeng ’yon, na estapwera ka na!” Inis niyang binatukan si Summer. Pinaalala pa kasi nito ang nangyari kanina. Ayaw na nga niya itong maalala dahil labis siyang napahiya. “Stop it!” angal niya sa mga ito. Tinigilan naman siya ng mga kasama ngunit nakangisi pa rin naman ito sa kanya. Tinapos nila ang pagkain na lahat ay nakatuon sa kanya ang paningin. Medyo naiilang siya ngunit sanay naman na siya sa ganitong senaryo. Lapitin lang talaga siya ng gulo kaya mukhang aasahan na niyang may manggugulo sa kanya. “Are you okay? Mukha kang ewan diyan,” nakangiwing komento ng kasama niya. Kalalabas lang nila ng dining hall. “I'm fine.” Inilibot niya ang paningin. “Nasaan ba sina Marie at Yanna?” takang tanong niya dahil kasabay lang naman nila itong lumabas ngunit nawala ito kaagad sa paningin niya. “Nauna na sila,” kampanteng sagot ni Summer sa kanya. “Anyway, bigla-bigla na lang iyan silang nawawala at bigla ring susulpot kaya masanay ka na,” pagbibigay-alam nito sa kanya. Tumango si Gianna. Sabay silang bumalik sa kani-kanilang silid. Nag-aayos na siya sa pagtulog dahil hindi pa niya alam kung ano ang dapat na gawin. Nagulat pa siya nang biglang lumitaw sa kanyang harapan ang kaibigang si Summer. Nakabihis na ito ng pantulog. “Whoa!” nagugulat niyang sambit. “B-Bakit?” nahihintakutan niyang tanong dito. “Are you going to sleep now?” tanong nito sa kanya. Nakakunot pa ang noo ng dalaga na animo ay hindi ito makapaniwalang matutulog na siya. “Yeah?” patanong niyang sagot. “Why are you asking? Hindi ka pa ba matutulog?” tanong niya rin sa dalaga. Usually kasi ay gumagala pa siya sa gabi. Ngayon lang yata nangyaring maaga siyang naghanda sa pagtulog. She got a little confused nang ngumiti sa kanya ang dalaga. “You can go outside at night,” anunsyo nito. Nakuha nito ang kanyang buong atensyon. Para bang nagkaroon ng pakpak ang kanyang nga tainga. Parang nagkaroon ng sigla ang kanyang katawan. “Really?” Napatayo pa siya nang mabilis nang tumango ang dalaga. “May puwede akong puntahan sa loob mismo Crescent University?” mangha niyang tanong dito. “Hmm. But I won't be going there with you,” anito na ikinalungkot niya. Gusto niyang may kasama. Hindi naman siya takot. Gusto lang niyang may kasamang mag-enjoy na gumala sa gabi. “Why?” usisa ni Gianna. “Hmm. Ilang beses na akong lumabas. Baka mapagalitan na ako,” sagot ng dalaga. “It’s forbidden to go outside at night.” “Ha?” kunot-noo niyang tanong sa kaharap. Umayos ito ng upo at ganoon din siya. Tumikhim pa ito sa kanya at pinalaki nito ang sariling mga mata. Napaatras siya dahil nagulat siya sa ginawa nito. Para kasing nahipnotismo siya. Sumeryoso ang dalaga bago nagsalita sa nakakatakot na boses. “Maraming bampira dito,” usal nito na ikinagulat ni Gianna. Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. “Pinagsasabi mo? What the? Anong taon na ba tayo? Duh! Nagpapaniwala ka pa sa mga ganiyan?” aniya ngunit hindi man lang ito natinag. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kanya na para bang baliw siya sa paningin nito. Doon siya napaisip na baka totoo ang sinabi ng kasama. Napangiwi siya sa reaksyon nito dahil mukhang totoo ang sinasabi nito sa kanya. Nagulat siya nang bigla itong malakas na tumawa. “Just kidding!” bawi nito sa sinabi. “What?” singhal ni Gianna. “I almost had a heart attack! My God, Summer! Tinatakot mo ako!” paasik na sigaw ni Gianna. Tumawa lang nang tumawa ang kaharap. “Sorry! Nakakatawa lang kasi ang hitsura mo,” nawiwili pang komento nito. Uubo-ubo nitong unayos ng upo. “Ayan! Nasobrahan ka sa katatawa sa ’kin! Karma is a b*tch!” nakangiting usal ni Gianna na sinabayan pa nang mahinang tawa. “Shoo!” pagtataboy ng dalaga sa kanya. “Anyway, matutulog ako ngayon. I don’t want to go with you. Kung gusto mo talagang lumabas, feel free to go. Marami namang lumalabas kapag gabi kaso nga lang mga bampira nga,” pananakot pa nito sa kanya. Nakangiwi niya itong binalingan habang naghahanap ng isusuot. “As if thy are true,” aniya. “Hindi ’yan totoo,” dagdag pa niya. “What if they are true?” Nahinto siya sa ginagawa dahil sa tanong ng kaibigan. Seryoso itong nakatingin sa kanya nang balingan niya ito. “Ano ang gagawin mo?” tanong ulit ng dalaga sa kanya. Napaisip sa Gianna. “Hmm. Ano nga ba?” tanong niya rin sa sarili. “I don't know?” hindi sigurado niyang sagot. “Maybe, makipagkaibigan sa kanila? I don't know. Baka kagatin pa ako sa leeg, haha!” naiilang pa niyang sagot. “Mmm. Good luck,” sagot ng dalaga. Hindi man ito tumingin sa kanya. Bigla iting nagtalukbong ng kumot at wala pang ilang segundo ay narinig na niya ang marahan nitong paghinga. “What the h*ck? She’s asleep already?” tila ba hindi makapaniwalang tanong ni Gianna sa sarili. Kaagad siyang nagbihis ng itim na damit at leggings na itim din. Para mas mahirap siyang makota sa dilim kung sakali mang may magra-rounds na mga security. Naisip niya ang lalaking si Rage, ang head security ng Crescent University. Lihim siyang napangiti nang maalala kung gaano ito kaguwapo. Nangangarap siyang sana makita niya ito ngunit mas umasa siyang makita niya ang lalaking si Silvanus. Gusto niya itong makausap at sisiguraduhin niyang makikipaglapit siya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD