Chapter 3:
Kaagad na napangiti si Gianna nang makilala ang mga kaibigan ni Summer. They were all ecstatic to know her. She was welcome within the group and it was a warm feeling. She felt she belong to the group kahit pa kakikilala niya pa lang sa mga ito.
“Thanks,” aniya.
Summer was her tour guide. Hindi ito pumasok sa klase upang samahan siyang libutin ang buong campus. Sa sobrang laki ay naabutan sila ng dilim.
“Gosh! My legs are hurting!” reklamo ni Gianna habang hinihilot ang kanyang mga binti.
“That’s fine,” natatawang komento ng kasama niya. “Masasanay ka rin,” dagdag pa nito.
“Anyway, bakit parang kakaibang tumingin ang mga tao kanina?” inosente niyang tanong.
Tumawa ang kasama niya. “Ganoon talaga sila lalo na at bago ka pa lang dito,” sagot nito. Tumango siya at mukhang totoo ang sinabi ng dalaga.
Mukhang lahat yata ay magkakilala na maliban sa kanya na kararating lang kanina. “Magpapahinga na muna ako. Sabay tayong kakain mamaya,” paalam ng dalaga sa kanya nang marating nila ang kanilang silid. Kaagad siyang nahiga sa kanyang kama dahil sa naramdamang pagod. Nananakit ang kanyang katawan kahit pa naglalakad lang naman sila kanina.
Pagkalingon niya ay nagulat pa siya nang makitang himbing na sa pagkakatulog si Summer. Nagtaka siya ngunit hindi niya na iyon pinansin. Siya man ay napagod din kaya naman ay kaagad siyang humilata.
She fall into a deep sleep after her back hit her bed. She knew she’s awake but her body isn’t moving. Nakita niya pa ang pagpasok ng isang maitim na pigura. Sa kanyang tantiya ay lalaki ito base sa pananamit ngunit hindi niya makita ang mukha nito. Lumapit ito sa kanya. The figure slightly touch her cheek. It’s was cold, like an iceberg that engulfed her.
She screamed for help. Walang lumalabas na boses sa kanyang bibig. Gusto niyang magising kaya naman nagsumikap siyang maigalaw ang kanyang katawan. She sprung into action and she made a loud thud as she fell on the floor. Napaiyak siya dahil sa sobrang sakit na idinulot nang kanyang pagkahulog.
Napabalikwas siya ng tayo nang maalala ang pigura ngunit wala na ito sa kanyang harapan.
“What happened to you?” Napaigtad siya sa gulat nang magsalita si Summer. Nakaupo na ito at hindi man lang nagulo ang buhok nito.
“A-Ayos lang ako. Nahulog ako,” napapahiyang sagot niya. Ayaw niyang sabihin dito ang kanyang nakita. Baka kasi ay masabihan na naman siyang baliw kagaya noon.
“Magbihis ka na at magdi-dinner na tayo,” anito.
“O-Okay,” wika niya bago tumalima. She choose a simple white dress na hanggang tuhod niya lang. She matches it with her gray boots bago inayos ang kanyang buhok.
“Wala ka pang uniform, right?”
“Yeah.”
“Ihahatid iyon bukas ng umaga,” pagbibigay-alam sa kanya ng dalaga. Napangiti si Gianna. Gaya nang nakasanayan ay kinalimutan niya ang nangyari. Ilang beses na rin kasi siyang nagkakaganoon. They were walking papuntang cafeteria. Panay ang paninigas ng kanyang tiyan dahil sumasakit iyon kapag may nakatingin sa kanya. Sanay naman siya noon pero iba ang dating nito ngayon sa kanya. Para bang nagbibigay iyon ng panganib sa kanya.
“You’re tensed, Gianna,” seryosong komento sa kanya ng kasama.
“I’m fine,” mayabang niyang sagot.
Kaagad silang naupo sa kanilang puwesto. Naroon na ang mga kaibigan ni Summer. Nagkakatuwaan sila habang kumakain. “Hindi ka ba kukuha ng food?” nagtatakang tanong ni Summer sa kanya kaya kaagad siyang napatayo.
“Sorry,” napapahiyang aniya. Naglakad sila patungo sa front. May nagse-serve ng pagkain doon. Kaagad silang pumila. Pinagmamasdan niya ang likuran ng kasama nang bigla na naman siyang makaramdam ng presensiya. She look around to find the strong presence she’s feeling. Pakiramdam niya ay nasa paligid lang iyon. Hindi niya malaman kung saan titingin.
“Hoy!” untag sa kanya ni Summer. Nagugulat pang lumingon si Gianna sa kasama.
“Bakit?”
“Tulala ka na riyan,” komento nito kaya naman ay kaagad siyang ngumiti.
“Sorry,” aniya bago humarap sa server. She suddenly feel uncomfortable because of the way he stares at her. Ang mga titig nito ay para bang tumutusok iyon sa kanyang buong pagkatao.
Kaagad siyang nag-iwas ng tingin nang maramdaman niya ang matatalim nitong tingin. Hindi naman siya natatakot. Hindi lang siya komportable.
Siniko ni Summer si Gianna kaya naman napaigtad sa gulat ang huli. “Bakit na naman?” nagtatakang tanong ni Gianna sa dalagang nakataas ang kilay sa kanya.
“Ano ba ang nangyayari sa ‘yo?” kunot-noong tanong nito sa kanya.
“W-Wala naman,” nauutal niyang sagot bago nagpaumunang naglakad pabalik sa table nila. They’re stares were a bit intense for Gianna. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa kanya dahilan upang makuha niya ang atensiyon ng mga naroon.
“You’re looking good out there,” nakangiting komento ni Cecilia. Ang kaibigan ni Summer.
Ngumiti si Gianna sa dalaga. “Thank you,” aniya. Si Cecilia ang pinakamahinhin sa grupo. She was quiet all the time at minsan lang ito magsalita. Pili lang din ang kinakausap ng dalagang si Cecilia. Sa paningin ni Gianna, Cecilia is a loser. Hindi naman ito nakasuot nang malalaking glasses kagaya ng iba. The woman wears very old dresses. Hindi rin ito palangiti kaya naman nagtataka siya nang magsalita ito sa kanya.
“Let’s eat guys,” usal ng isa sa kanila. Gianna eat her food silently. Naisip na naman niya ang kanyang mga magulang. Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw ng mga itong umuwi sa kanila. She rebeled because she wants attention from her parents. She feels like they neglected her. Kahit ilang beses pang ipaintindi sa kanya ng kanyang Lola ay hindi niya pa rin mapigilang isipin na ayaw ng kanyang magulang sa kanya.
“Oh my goodness!”
“He looks like he pops directly out from hell! He’s so damn hot!”
“He looks dashing!”
Umangat ang paningin ni Gianna nang may narinig siyang bulungan. Hindi niya alam kung sino ang pinag-uusapan ng mga ito.
“Psh! Akala mo naman babalingan ka niyan. Eh, halos lahat nga ng babae ay hindi makalapit-lapit diyan,” rinig niyang komento ng isa pa kaya naman ay kinain siya nang matinding kuryusidad.
Tiningnan niya ang pinagtitinginan ng mga kasama niya. Kaagad na kumabog ang kanyang dibdib dahil sa nakita. He was tall, and handsome. No! He’s gorgeous! Kaagad siyang napakagat-labi dahil sa emosyong kanyang naramdaman. He looks daashing in his black shirt, black boots and black loose jeans. He has raven black hair that complements his pale complexion. When the guy turned his gazed towards Gianna’s direction, the cross-shaped piercing in his ear shine brightly.
Napatakip siya sa kanyang bibig dahil sa matatalim nitong tingin. Huminto ang lalaki at tumitig ito sa kanya. Lahat ay natuon ang atensiyon sa kanilang dalawa. Hindi niya maiaalis ang paningin sa lalaki. Para siyang nahipnotismo rito. Bago pa man siya makapag-react ay naglakad na ang binata papunta sa direksiyon niya.