Chapter 2

1176 Words
Chapter 2: “Oh, it’s here,” usal ni Gianna sa sarili nang makita ang hinahanap. Room 202. Dalawa raw sila sa loob sabi ng front desk kanina. Wala naman siguro siyang makikitang tao sa loob dahil may klase ngayon. Siya lang talaga itong mukhang nagliliwaliw. Kaagad niya iyong binuksan at napangiti siya nang makita ang loob. Sobrang linis niyon. She doesn’t like dirty people kaya naman nagpapasalamat siya dahil malinis ang kanyang napiling room. Kaagad siyang pumasok. Umaalingasaw ang kanyang pabango. Pansin niya ang malinis na study table sa katabing kama. Malapad at malawak ang room. Napangiti na naman siya. She likes to study pero ayaw sa kanya ng mga libro. Nawala na naman ang mabibigat na presensiyang kanyang naramdaman kanina lamang. Ibig sabihin ay may kasama siya. Tiningnan niya ang kabilang kama at may tao nga roon, nakahiga. Maingat niyang inilapag ang kanyang mga gamit sa kanyang sariling kama. May dala siyang mga plushies at maingat niya iyong ipinatong sa cabinet habang inaayos ang kanyang gamit. Puwede naman siyang lumiban sa klase dahil baguhan naman siya. Sinabi na iyon kanina noong lalaking nakilala niyang si Rage. Napangiti siya. Ang guwapo kasi nito kaya lang suplado. Malakas ang s*x-appeal ng lalaki ngunit mukhang masungit. Ngumiti na lang si Gianna. Hindi naman siguro bawal ang magustuhan ito sa patagong paraan. Ngumiti na naman siya ngunit kaagad ring napalis iyon nang may maramdaman siyang kakaiba. Mas mabigat ang presensiyang ito at hindi niya alam kung panganib ba ang dulot nito sa kanya. Bata palang kasi siya ay nakakaramdam na siya nang ganoong presensiya at hindi niya alam kung saan nagmumula. Normal naman siyang tao. At ang presensyang nasa paligid niya ngayon ay parang galit sa kanya. Hindi kaya may guardian angel siya at pinaaalahanan siya nito? “Ah, maybe that guy is dangerous,” aniya sa sarili. Right there and then, nawala ang kanina pang bumabagabag sa kanyang presensiya. Napaisip na naman siya. Baka guardian angel nga ang nararamdaman niya. “Thank you,” usal niya sa kawalan. Napaigtad siya nang makitang nakaupo na ang kasama niyang babae at nakatingin sa kanya. “O-Oh!” nagugulat niyang sambit. “Hi!” bati niya rito. Ngumiti ito sa kanya. “Bago ka?” a beautiful lady ask her. Maputi ang buhok nito. Hindi niya alam na puwede pala sa school ang kinulayang buhok. “I’m Summer,” pakilala ng dalaga sa kanya. Ngumiti ito. “Gianna,” pakilala niya sa sarili. Nagngitian sila. Nagtaka siya dahil hindi man lang ito nakipagkamay sa kanya. “Wala ka bang klase?” tanong niya rito. “Wala. Tapos na,” pag-amin nito. “What year are you?” pagbibigay alam nito sa kanya. “Third year na ako,” aniya. “Ikaw ba?” tanong niya rito. “Third year din. Dito na ako nag-aral simula first year,” sagot nito sa kanya bago ngumiti. “May tanong ako,” aniya habang nakatitig sa magagandang mata ng dalaga. Ocean-blue kasi iyon at ang buhok nito ay puti kaya nakaka-akit iyong tingnan. “Ano ‘yon,” malumanay nitong saad. “Why is your hair white?” nagtatakang tanong niya rito. Namamangha pa rin siya kung gaano kaganda iyong tingnan. Ash-gray kasi ang buhok niya at natural iyon. Ganoon din kasi ang kulay ng buhok ng Lola niya. “Ah,” nakangiti nitong usal. “This is my real hair,” sabi ng dalaga. “Really?” namamanghang tanong ni Gianna. “Oo. I wear a wig kapag lumalabas ako kasi ayaw kong may makakita sa buhok ko. Huwag mong ipagsasabi sa iba,” usal nito sa kanya. Tumango siya. “Sure,” nakangiting saad ni Gianna. “Hindi ka ba magpapahinga?” tanong ng dalaga sa kanya. “Hmm. Hindi ko alam,” aniya. “Gusto kong maglibot pero kasi masakit ang paa ko,” aniya. Tiningnan niya ang kanyang paa. Masakit pa rin iyon at namumula na rin. “Samahan kita. Kailangan na nating maghanda para sa oras ng miryenda,” anito bago tumayo. “Sabay-sabay kasi ang schedule rito at hindi puwede ang mahuli dahil may penalty,” usal ng dalaga kaya naman napatayo siya nang mabilis. Natakot siya kaagad dahil hindi pa naman siya sanay nang nagmamadali. Kaagad siyang nagsuot nang maikling sapatos. Mukhang hindi niya kakayanin ang mahaba dahil sa mahabang lalakarin nila. “Sasakay tayo,” anito kaya nagtaka siya. “Saan?” tanong niya. “Papunta sa cafeteria,” sagot ng dalaga. Kaagad itong lumabas kaya sumunod siya rito. She felt a faint presence pero hindi niya iyon binigyan ng pansin at baka matakot lang siya. But she felt it touch her neck kaya kaagad niya iyong pinalo. Nasaktan siya dahil doon. Nagtatakang tumingin sa kanya ang kasama. “Ano ang nangyayari sa ‘yo?” nag-aalalang tanong nito sa kanya. “A-Ah? Wala naman,” napapahiyang usal niya. Tumaas lang ang kilay nito bago naglakad. Inis na inis siya dahil mukhang hindi magiging maganda ang araw niya. Dinala siya ng dalaga sa isang elevator. Namangha siya dahil may ganoon pala sa school. Ngayon niya naintindihan kung bakit ito tinawag na pinakamagandang Unibersidad sa lugar nila. Mas lalo lang siyang namangha nang pagpasok nila ay sobrang laki niyon. “Wow! This is heaven!” namamanghang sambit niya sa sarili. “Maganda hindi ba?” proud na tanong ng dalaga kaya napangiti rin si Gianna. “Hindi ko aakalaing may ganito sa school,” aniya. “Hindi naman kasi sinabi ni Lola kung ano ang school na ito,” dagdag niya pang usal. “This school is for people who can afford it. Pansin mo puro mukhang mayayaman ang mga estudyanteng nakikita mo kanina?” tanong nito. Napaisip naman siya sa sinabi ng kasama. Kaya pala ganoon na lang kung tumingin ang mga estudyante sa kanya kanina. Dahil pili lang pala ang nakakapasok dito. Napangiti siya dahil ang ibig sabihin noon ay espesyal siya. Pagkabukas ng elevator ay napunta sila kaagad sa cafeteria. Nagtaka pa siya dahil sa sobrang laki niyon. Marami na ang mga kumakain. Ang iba ay nakatingin sa kanila. Itim na buhok ang suot ng kanyang kasama. Ngayon niya lang napansin. Hindi niya kasi ito nakitang nagsuot ng wig. “Is she a witch?” nagugulat niyang tanong sa sarili. Hindi naman niya iyon isinatinig kaya ayos lang sa kanya. Baka kapag narinig pa nito ang tanong niya ay isipin pa ng dalaga na nababaliw na siya. Hindi siya ngumiti dahil ganoon naman siya palagi. She has this maldita-look on her face. Hindi niya lang talaga maintindihan ang mga tao dahil nakatingin ang mga ito sa kanya. Hindi na dapat bago ‘yon ngunit naninibago siya. Iba kasi ang dating ng mga tinging iyon. “Let’s go to my table,” wika ni Summer sa kanya kaya sumunod siya rito. Ilang metro lang din ang nilakad nila. Nang marating ang sinasabi nitong mesa ay nagulat pa siya sa dami ng nakaupo roon. She counted six people. “This is my friends and their partners,” nakangiting usal sa kanya ng bagong kilalang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD