Chapter 58

2125 Words

Chapter 58 Oras na naman ng klase. Pikit-mata niyang hinarap ang kanyang exam papers. Hindi pa niya ito tinitingnan at kinakabahan siya. Baka itlog lang ang makuha niya. Wala pa rin siya sa hulog dahil hindi pa nagpapakita sa kanya ang binata. “So, perfect ba?” untag sa kanya ni Summer. Napailing si Gianna. “Hindi ko pa nga tinitingnan,” sagot niya. “Natatakot ako. Baka bumagsak ako nito,” dagdag niya pang sabi. “Tss. Ako na ang titingin kung gusto mo,” alok ni Summer sa kanya. Umiling siya. “Ayaw ko nga. Nakakahiya naman sa ’yo. Baka wala kang mali. Pagtawanan mo pa ako,” nakasimangot niyang saad. “Wow! Grabe ka naman. Ang pangit mong mag-isip,” nakangiwing reklamo ng dalaga. Tumawa si Gianna nang bahagya. “Sige na nga. Ako na ang titingin,” lakas-loob niyang sabi. Ibinuka ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD