Kabanata 66 S U N N Y Sinunod ko ang gustong mangyari ni Ace at nakipagkita ako sa kanya sa lugar at oras na binigay niya. Kabado ako syempre dahil ito ang unang beses na magkikita kami. Matagal na kaming nagkakausap pero kahit kailan ay hindi pa kami nagkita. Ni hindi ko pa nga nakita kahit ang mukha niya. Basta kuntento lang ako na nakakausap ko siya at nakakalaro. Pero kahit ganoon ay tunay na kaibigan ang tingin ko sa kanya. Kaya hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito na lang kabilis kabog ng dibdib ko sa kaba. Sumisim ako sa milk tea na binili ko. Masyado akong napaaga ng dating kaya nag-order na lang muna ako. Hindi ako mapalagay habang hinihintay ko siya. May kung ano-anong ideya ang pumapasok sa isip ko na pilit kong inaalis sa isipan ko. Imposible iyon. San

