Kabanata 46 S U N N Y “Mauuna na din ako. ‘Yong pangako mo, ah? Dadalaw ka sa bahay. Hindi ko nakakalimutan ‘yon.” Ngumiti ako at tumango. Hindi ko din naman nakakalimutan iyon at saka mag bi-birthday na din siya kaya pupunta talaga ako sa kanya. Itataon ko na lang siguro sa araw ng birthday niya parang isang paalaman na lang kay coach. Ayoko din naman kasi ng panay ang alis ko. Nabitin ako sa konting oras na nilaan ni Silver dito pero mukhang hindi yata talaga siya komportable dito kaya sa tuwing dadalaw ay mabilis din na nagpapaalam umuwi. Hindi ko tuloy maiwasang mabitin. Gusto ko pa sana siyang makakwentuhan dahil madami din akong gustong ikwento sa kanya. Nasanay kasi ako na sa kanya ko lahat sinasabi ang mga nangyayari sa buhay ko. Lagi ba naman kaming magkasama kaya kanino pa ba

