Kabanata 59 S U N N Y Paggising ko sa sumunod na araw ay pinatawag ako agad ni coach para kausapin. Kinababan ako, akala ko kung ano na ang sasabihin sa akin kaya niya ako pinatawag. Iyon pala magtatanong lang tungkol sa nangyari kahapon. Nakarating na din pala sa kanya ang balita na nagkaharap nanaman kami ni Alas at muntik na nga uling magkaroon ng gulo kung hindi ko lang napigilan si Alistair na simugod kay Alas. Tinanong ako ni coach kung may ginawa ba sa akin si Alas para mai-report niya ito sa management at magawan ng aksyon. Hindi naman daw kasi pwedeng lagi na lang nangyayari iyon sa tuwing nagkakaharap kami. Lumalabas kasi na parang binubully ako ni Alas dahil bago lang ako sa pro scene. Hindi ko din talaga alam kung ano ang rason niya bakit mainit ang dugo niya sa akin. Wala n

