Kabanata 60 S U N N Y Halos buong araw akong hindi kinikibo ni Alistair. Hindi ko alam kung ano nanaman ang problema niya sa akin. Madalas naman talaga siyang hindi namamansin pero pakiramdam ko talaga may dahilan kung bakit hindi niya ako pinapansin ngayon. Feeling ko galit siya… Hindi man lang kasi ako kinikibo kahit nag tatanong ako. Ano nanaman kayang problema ng lalaking ito. Hindi ko na siya maintindihan talaga, ang hirap niyang intindihin. Gusto ko siyang tanungin kung galit ba siya sa akin pero mas pinili kong manahimik na lang muna. Saka ko na lang siya kakausapin kapag napag-isa kami mamaya sa kwarto. “Rain, may bisita ka,” ani Kean. Nasa gaming room kami dahil naglalaro at katatapos lang ng huling game nang lumabas siya para kumuha ng maiinom pagbalik niya ay agad niyang ibi

