Kabanata 43 S U N N Y Tinignan ko siya ng nakasimangot. May bakas ng panunuya ang tawa niya. Nakakainis, feeling ko pinagkakatuwaan niya ako. Hindi. Pinagkakatuwaan niya talaga ako. Siyang-siya pa siya habang tumatawa na para bang nakakatawa ang sinabi ko kahit wala namang nakakatawa akong sinabi. Ngumuso ako at bumaling na lamang sa daanan. Hindi ko alam kung pipigilan ko ba siya sa pagtawa niya o hahayaan na lang. Hindi ko naman kayang makipagtalo sa kanya ngayon dahil pakiramdam ko nga may atraso ako sa kanya dahil sa nangyari sa phone niya. Nasira iyon dahil sa gulo kagabi na may kinalaman sa akin. Kaya gustuhin ko man na kwestiyunin siya sa pagtawa niya ay hindi ko na lang ginawa at nanahimik na lang. Pero hindi ako mapakali sa miminsang sulyap niya sa akin. Pakiramdam ko may in

