Kabanata 17
S U N N Y
Nagsipagpasukan kami sa loob ng gaming room. Hindi ko naiwasang mamangha ng sobra pagkapasok ko doon. Sa live lang nila ko ito nakikita tapos ngayon nandito na ako. Halos hindi ako makapaniwala. Nakaramdam ako ng sobrang tuwa na hindi ko maipaliwanag. Alam kong maliit na bagay lang ito para sa iba pero para sa akin sobrang laking bagay na nito. Mas lalo kong nasabi sa sarili ko na worth it lahat ng pagsusumikap kong makapasok sa team na ito. Dahil umpisa pa lang ay sobrang saya ko na. Paano pa kapag nasa tournament na kami at naglalaro? Mas malala pa siguro dito ang tuwa ko.
Sinong hindi matutuwa? Pangarap ko lang noon makapasok dito, eh. Napapanood ko lang ito noon sa mga live nila, kaya masisisi niyo ba ako kung sobrang saya ko na agad sa maliit na bagay tulad nito?
Iginala ko ang paningin ko sa buong kwarto. Malawak ito at sobrang linis. Katulad lang din sa nakikita ko sa live nila pero iba pa din talaga kapag nakita mo siya ng personal. Mas malawak pa siya kaysa sa nakikita lang sa live stream. Marami ding mga pc doon. Sobra para sa aming lahat pero paniguradong back up lang ang iba doon.
Hindi ako tuluyang makapasok dahil sobrang mangha pa ako sa mga nakikita ko. Hindi pa masyadong nag pa-process sa utak ko na nandito na talaga ako. Parte na ako ng team ng mga idol ko lang noon. Parte na ako ng Gladiators at ngayon makakapaglaro na ako kasama sila.
Nagsipagpwestuhan na ang mga kasama namin sa kanya-kanya nilang mga PC, samantalang ako ay nakatayo pa din sa may malapit sa pinto. Nang makita ako ni Bren ay agad niya akong nilapitan at inakay na paupo sa gaming chair na katabi ng computer ni Alistair. Bago siya naupo sa kabilang side naman nito. Napapagitnaan namin ngayon si Alistair. Habang 'yong tatlo naman ay nasa harapan namin. Pero medyo malalayo naman ang pagitan namin sa bawat isa.
Naabutan ko ang pagkukunot noo sa akin ni Alistair na para bang pinapanood niya ang bawat galaw ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at binalingan na lang ang PC na nasa harapan ko.
Napangiti ako ng malawak. Hindi ako makapaniwalang akin na ito ngayon! I mean... ako na ang gagamit nito palagi simula sa araw na ito. Hindi ako makapaniwala na isa na talaga akong official member ng Gladiators. Sobrang saya ko. Hindi ko maipaliwanag 'yong sayang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kahit kailan ay hindi ko inasahan na mararamdaman ko itong ganitong kasiyahan. Sobrang sarap sa pakiramdam. Kung nanaginip lang ako ngayon, parang ayoko ng magpagising pa. Dito na lang ako. Huwag na nila akong gisingin.
"Tsk! Hindi yan magbubukas sa titig lang," sa baritonong sabi ni Alistair.
Binalingan ko siya at sinimangutan. Panira naman ang isang ito ng moment! Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa PC na nasa harapan bago ko ito binuksan.
Panglimahan lang ang laro na nilalaro namin kaya hindi muna kasali si Marcus sa amin. Pero hindi ibig sabihin noon ay ligtas na siya sa araw na ito at pwede na siyang bumalik sa kwarto niya. It's either panonoorin niya kami habang naglalaro para makibasado niya din ang galawan namin, o kaya naman ay maglalaro din siya ng kanya pero random people ang makakasama niya. Pero mas madalas na nanonood lang talaga siya sa laro ng mga ka-team niya. Minsan pinapalitan niya si Dylan o kaya si Kean. Gaya noong kamakailan lang. Pinalitan niya si Kean dahil wala ito sa kondisyong maglaro noong mga panahon na iyon. Mapapansin naman iyon ni coach, kung nakikita niyang wala ka sa kondisyong maglaro ipapalit niya agad si Marcus sa'yo. Kaya nga mas madalas na pinapanood lang ni Marcus maglaro ang mga kagrupo niya, eh. Kasi mas nagiging kabisado niya ang galaw ng bawat isa. Kaya kapag ipinalit siya sa isa, madali na lang para sa kanyang sumabay sa mga galaw nila.
Bumukas ang PC ko at hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, binuksan ko na agad ang dapat buksan bago pa ako masakal nitong katabi ko.
Ang init kasi lagi ng ulo.
"Uh, anong gagamitin ko?" Subok kong tanong kay Alistair, ngunit agad ako nitong binalingan ng may iritadong tingin.
"Ano bang role mo?" aniya na para bang tangang-tanga sa akin na itinanong ko pa iyon.
Napakagat labi ako. Gusto ko siyang sagutin pabalik pero huwag na lang. Ayokong makipag-away sa kanya ngayong maganda ang mood ko at natutuwa ako.
"Mag tank-support ka na lang, Rain. Ako na ang bahala sa magic damage," si Bren sabay kindat sa akin.
"Hindi pwede. Kung nandito si coach hindi 'yon papayag na mag-switch role kayo. Ikaw ang mag tank, Bren…" Bumaling sa akin si Alistair. "Support ka," aniya bago muling bumaling sa screen ng PC niya.
"Susubukan lang naman sana natin. Wala pa naman si coach," ani Bren.
"Hindi tayo mag-aaksaya ng oras para d'yan. Saka na natin subukan kapag pumayag na si coach sa bagay na 'yan. For now, sundin muna natin ang mga naka-assign na role sa atin."
"Copy, master!" si Kean na kanina lang ay inis na inis kay Alistair pero ngayon ay parang believe na believe na naman sa master niya.
Sinunod ko na lang ang gusto niyang mangyari, ganoon din si Bren at hindi na ipinaglaban pa ang gusto niya.
"Sa middle lane ka, mamaya ka na dumikit sa akin," ani Alistair nang magsimula na ang laro.
Pinili ko 'yong hero na madalas gamitin ng dati nilang support. Hindi ko masyadong gamay iyon pero sa tingin ko naman ay kaya kong gamitin iyon. Basic lang naman ang mga skills noon. Hindi nga lang malaki ang damage output dahil healer talaga siya. Maganda siya lalo na pagdating sa mga team fight, kapag low hp na ang mga kasama mo. Pwede mong gamitin ang ultimate niya para pataasin muli ang hp ng mga ito. Isa pang maganda sa hero na ito ay ang pang immobilized niya. Maganda iyon lalo na kapag mang-ga-gank kayo. At pwede mo din siyang gamitin para iligtas ang kampi mo. Dipende. Madaming magandang gamit ang immobilization kaya isa talaga sa magandang support ang hero na ito. Iyon nga lang madalas itong mai-ban sa mga tournament.
"Bren sa akin ka muna."
"Alright."
Nagsimula na kaming maglaro. Lahat ay pareparehong tutok sa kanilang mga screen at seryosong naglalaro. Ngunit maya-maya lang ay iritadong bumaling sa akin si Alistair.
"What the fvck are you doing?"
"Sorry…" hingi ko ng pasensya nang maagawan kami ng objective dahil sinamahan ko sa lane niya si Dylan.
"Sa akin ka lang muna!" Pagalit na sabi nito.
Imbes na matakot ay parang gusto ko pang mangiti sa sinabi niya.
Sure, Alistair. Sa'yo lang naman talaga ako.
Napapikit ako sandali ng mariin. Ano ba naman ito! Nasa kalagitnaan kami ng laro pero naiisip ko pa talagang mag-isip ng mga ganitong bagay. Ang lala ko na ba?
"Focus on me first!"
"Okay… Sorry talaga."
Bumaling si Bren sa akin sandali.
"Ako na bahala dumalaw kay Dylan. Ikaw na muna sumama sa kanya, Rain," mas malumanay na sabi ni Bren.
"Okay." Tanging sinabi ko na lang at nagpatuloy sa laro.
"Are you fvcking kidding me?" Muling pagalit na sabi ni Alistair nang hindi sinasadyang maagaw ko ang farm na para sa kanya. Ang malas pa dahil buff iyon!
Masyado akong nasanay mag-core nakalimutan kong support nga pala ako. Napakagat ako ng mariin sa labi ko.
Shit! s**t! Ang malas nga naman talaga, o! Bakit ba nangyayari sa akin ito? Umpisa pa lang puro kamalasan na ang nagagawa ko! Paano ako tatagal dito kung ganito? Baka palitan agad ako ni Marcus! Hindi pwede. Gusto kong ma-experience maglaro sa tournament! Hindi pwedeng mapalitan ako ng basta na lang.