016

1260 Words
Kabanata 16 S U N N Y “Kumusta ka d’yan?” si Silver, matapos kong sagutin ang tawag niya. Muli akong nagtungo dito sa pool area para makausap siya ng mas maayos. “Ayos lang. Bakit? Nag-aalala ka pa din ba na baka mabuko ako? Wala ka talagang tiwala sa akin, ano?” “Tsk!” Ramdam ko ang pagsimangot niya kahit hindi ko naman siya nakikita. “Hindi sa ganoon, Sunny. Alam mong malaki ang tiwala ko sa’yo, pero ibang usapan na ‘tong pinasok mo ngayon. Magkamali ka lang ng isang beses at mabuko ka, paniguradong may kalalagyan ka? Alam mo ba ‘yon? Hindi lang basta laro ‘yang pinasok mo d’yan. May kontrata kang pinirmahan, pwede ka nilang kasuhan kapag nalaman nilang niloko mo sila at gumamit ng ibang identity.” Napairap ako sa kawalan. “Tsk! Oo na, Silver. Akala mo ba talaga hindi ko alam ‘yan? Alam ko ‘yan at nakahanda ako sa bagay na ‘yan kung mangyayari man yan.” Talaga ba, Sunny? “Pero ayoko na munang isipin ‘yan sa ngayon, Silver. Gusto kong enjoyin na muna itong pagkakataon na ito hanggang nandito pa ako. Ganoon din naman, eh. Nakapirma na ako at nandito na ako kaya wala ng atrasan pa ito. Bakit hindi ko na lang enjoyin para sulit naman kapag nakulong ako,” biro ko na sinamahan pa ng halakhak. Rinig ko ang pag-angil ng isa sa kabilang linya. Huminga siya ng malalim. “Huwag ka ng mag-alala. Walang mangyayaring masama sa akin. Magtiwala ka. Tatapusin ko ang contract ko at makakaalis ako dito nang hindi nila nalalaman ang totoo kong katauhan. Magtiwala ka lang sa akin. Wala ka bang tiwala sa akin?” “Alam mong malaki ang tiwala ko sa’yo, Sunny. Kaya nga kahit sobrang labag sa loob ko niyang ginawa mo pinayagan pa din kita, di ba? Saka ayaw kitang pigilan sa mga bagay na gusto mo. Alam kong pangarap mo 'yan, kaya pumayag akong pumasok ka d'yan pero parang gusto ko ng pagsisihan ngayon na pinayagan kitang pasukin ang gulong 'yan. Kung alam mo lang, hindi ako makatulog kakaisip kung kumusta ka d'yan," aniya halos ibulong ang mga huling salita. Napangiti ako. "Ang sweet naman ng best friend ko. Pero huwag ka ng mag-alala sa akin please? Madami ka namang pera, di ba? Eh di, kapag nabuko ako, piyansahan mo na lang ako. O kaya bayaran mo 'yong violation ko. Kayang-kaya mo 'yon. Mayaman ka naman eh." Humalakhak ako. "Tsk! Kapag nabuko ka d'yan, wala kang makukuhang tulong sa akin kaya huwag na huwag kang magpapabuko. Tuparin mo ang ipinangako mo na lalabas ka d'yan at tatapusin mo ang contract mo nang hindi nabubuko!" may iritasyon niyang sabi. Ngumisi pa ako lalo. Parang nai-imagine ko na kung anong itsura niya ngayon habang sinasabi ang mga salitang iyon. Salubong nanaman siguro ang kilay ng lalaking iyon at naiirita. Ang bilis pa namang mapikon no'n lalo na kapag sa mga ganitong biro. Ewan ko ba doon. Totoo naman ang sinabi ko, ah. Marami naman talaga siyang pera. Kung nag-aalala siya na baka makulong ako, pwedeng-pwede naman niya akong piyansahan. Sa laki ng kinikita niya? May mga investment pa siya. Kaya na niya sigurong sagutin ang pang piyansa ko. Pwede ako humingi ng pera sa kapatid ko o sa mga magulang namin kaya lang pagagalitan muna ako ng sobra no'n bago nila ako tulungan, kaya huwag na lang. Wala na nga akong naitutulong sa pamilya tapos puro pa kalokohan ang pinapasok ko. Baka itakwil na ako ng tuluyan ng buong pamilya ko. Lalo na ng kambal ko na ginamit ko pa talaga ang pangalan para dito. Kaya mas lalo talagang hindi ako pwedeng mabuko. "Hala! Hindi kaya madamay ka kapag nabuko ako?" bigla kong naisip. "Tsk! Akala ko ba hindi ka magpapabuko?" "Hindi nga. Naisip ko lang naman." Ngumuso ako. "Hindi ako madadamay dahil hindi ka naman mabubuko. Sinabi mo 'yan, di ba? Tuparin mo 'yan. Huwag na huwag kang magpapabuko." "Oo na nga. Masyado kang kabado." "Tsk! Kung alam mo lang." "Ano?" tanong ko nang hindi na marinig ang sunod niyang sinabi. "O sige na. Ibababa ko na 'to. Balik na ako sa loob. Baka hinahanap na ako nila." "Okay. Mag-ingat ka d'yan," aniya halatang dismayado sa pagkakaputol ng uspaan namin. "Dumalaw ka minsan dito, ah." "Talagang dadalaw ako d'yan!" Napangiti akong muli. "Okay." Nakangiti kong pinutol ang tawag at ipinasok ang phone sa bulsa ko. Muli akong pumasok sa loob. Naabutan ko ang lima sa sala. Si Bren, 'yong tatlong parang zombie ngayon dahil sa hangover at si Alistair na tahimik lang… as usual. "Wala pa din si coach?" tanong ko habang nauupo sa pang-isahang upuan. "Wala pa din. Baka bukas na tayo mag training nito," si Bren ang sumagot. "Mabuti na lang din dahil mukhang hindi pa kaya ng mga ito maglaro, eh." Binalingan ni Bren ang tatlo. "Bakit hindi na lang kayo bumalik sa mga kwarto niya kung ganyan lang din naman pala kayo? Nakakaumay kayong tignan." "Sus! Akala mo hindi niya naranasan ito noong iniwan siya ng girlfriend niya. Mas matindi pa nga ang tama mo non! Isang buong araw kang tulog! Daig mo pa na comatose!" si Dylan na agad binato ni Alistair ng binabasa niyang libro. Ngumisi ako dahil gusto ko din talagang saktan itong si Dylan dahil sa bunganga niya. Hindi talaga marunong gumalang sa mas nakakatanda sa kanya. Tama ba namang sabihin niya iyon kay Bren? "Shut it up, you moron," malamig na sabi ni Alistair kay Dylan. Agad namang tumikom ang mga labi nito at natahimik. Mahinang siniko ni Kean ang katabing si Dylan. "Tarantado! Buti nga sa'yo." Nakahalukipkip ako. Mga isip bata talaga. "You too, Kean. Huwag ka ng mag-umpisa." Matalim ang tingin ni Alistair sa kay Kean. Sa bagay, siya ang captain kaya responsibilidad niya din ang mga ka-team niya kapag wala si coach Ryan. "Bakit ako, Master?" Reklamo ni Kean. Mas lalo tuloy tumalim ang tingin sa kanya ni Alistair. Napipilitang tumahimik na lamang si Kean at wala ng sinabi pa. "Kahit wala si coach, maglalaro tayo. Ayusin niyo ang mga sarili niyo at pumasok na kayo sa gaming room," sabay tayo ni Alistair. "Huh? Master naman!" Reklamo ni Kean nang magsimula nang maglakad si Alistair papasok sa gaming room. Huminto ito sandali upang lingonin ang nagrereklamong si Kean. Tingin pa lamang niya ay agad nang tumayo ang loko. "Fine!" May hinanakit pa sa tono nitong sabi. "Kingina naman! Ang sakit pa ng ulo ko, eh!" "Patanggal mo," si Dylan sabay halakhak ng malakas. Babatukan sana siya ni Kean nang muli silang nilingon ni Alistair. "Bilisan niyo d'yan," anito sa mababang boses bago tuluyang lumiko para pumasok sa gaming room. "Tsk! Minsan gusto ko ng magsisi kung bakit naging master ko pa 'yong masungit na 'yon!" Naiiling na bulong ni Kean. Natawa na lang ako sa kanya. Tanggal ang angas nila pagdating kay Alistair. Siguro dahil captain nila ito at malaki ang respeto nila sa kanya. Sa bagay, siya ang pinakamatagal sa kanilang lahat dito. Saka malaki din talaga ang ambag ni Alistair sa buong team. Minsan kasi siya ang nag-iimbento ng mga strategy na ginagamit nila sa tournament kaya sila nananalo. Halos taon-taon sila ang champion dito sa Philippines, eh. Pero may mga pagkakataon din na natatalo sila sa Alpha. Hindi naman kasi maitatanggi na magaling din talaga ang team na 'yon. Kaya nga madami din silang fans, eh. Sila lang kasi ang kayang tumapat sa Gladiators dito sa Philippines. Walang dudang sila talaga ang pinakamahigpit na katunggali ng Gladiators.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD