004

2050 Words
Kabanata 4 S U N N Y Nahinto kami sa tawanan ni Bren nang biglang dumaan si Alistair sa gilid ko. Tumama pa ang balikat niya sa akin kaya bahagya akong nagitgit sa side ni Bren. Ni hindi man lang ito huminto at humingi ng pasensya, nagtuloy-tuloy ito hanggang sa kusina. Hindi ko naiwasang mapasimangot. Ang suplado talaga kahit kailan. Nilingon ako ni Bren. “Ayos ka lang? Pasensya ka na do’n, ah. Isa pang bastos ‘yon, eh.” Naiiling na sabi niya na ngayon ay nilingon ang dinaanan ni Alistair. “Huwag kang mag-alala, lagot kay coach mamaya ‘yon. Hindi porque siya ang caprtain ay pwede na niyang gawin sa’yo ‘yon.” I shook my head repeatedly. “Hindi, ayos lang naman. Huwag mo nang iparating pa ‘to kay coach, parang iyon lang naman.” Napangiwi siya. “Sigurado ka ba?” I nod. “Oo naman. Parang ‘yon lang. Wala sa akin iyon. Saka alam ko namang suplado talaga ang isang iyon.” “Oh, yeah. I heard fan ka daw namin at si Alistair ang pinakapaborito mo? Hindi kita masisisi, magaling naman talaga ang mokong na ‘yon. Medyo masama lang ang ugali.” Sabay kaming tumawa hanggang sa marating na din namin ang kusina. Malaki kasi talaga itong bootcamp. Halatang ginastusan talaga ng company. Malaking company naman kasi ang may hawak dito sa Gladiators. Pagdating sa kusina ay agad akong ipinakilala ni Bren sa dalawa nilang kasambahay dito sa bootcamp. Sina Manang Dolores at Manang Luisa. Dalawa lang sila at sa laki nitong bootcamp hindi ko ma-imagine kung paano nila nililinisan ito ng silang dalawa lang tapos sila pa ang naghahanda ng mga pagkain ng mga ito. At s’yempre dahil puro lalaki ang nandito sa bahay, talagang sobrang kalat palagi dito sa bootcamp. Nakikita naman iyon minsan kapag nagli-live sila. Hindi manlang sila nahihiya sa mga fans nila. Nag li-live sila nang makalat ang buong bahay. Pero ang sabi naman ni Bren, sila din daw ang naglilinis dito sa bahay kapag alam nilang maraming ginagawa sina Manang. Saka sila din ang responsable sa paglilinis ng kani kanilang mga kwarto. Oo nga pala, walang sari-sariling kwarto dito sa bootcamp. Kahit malaki ang bahay ay hindi pwede ang mag-solo sa iisang kwarto. Kailangan dalawa sa bawat kwarto para maiwasan na din daw ang pag-uuwi ng babae dito sa bootcamp. Sino naman kaya ang makakasama ko sa kwarto? Iyon din ang isa sa pinoproblema ko. Paano ko maitatago ang ibang pambabaeng gamit ko kung may kasama ako sa kwarto? Pero saka ko na iisipin ‘yon. Enjoy-in ko na muna itong pagkakataon na ito na makasama ko ang mga iniidolo ko. Bahala na kung ano ang susunod na mangyayari sa akin. Sinabi na ni Bren kina manang ang sadya namin doon pagkatapos akong maipakilala, at bumalik na din kami agad sa malaking sala. “Marunong ka bang magluto, Rain?” Bren asked. Tumango ako. “Oo naman pero prito lang,” sabi ko sabay tawa. Sinabayan naman nito ang tawa ko. “Dapat matuto ka no’n, kung talagang gusto mong magkaroon ng girlfriend. Dagdag points ‘yon sa babae kapag magaling magluto ang lalaki.” Ngumisi ako. “Hindi naman ako naghahanap ng girlfriend. Wala pa sa isip ko ‘yon.” “Pareho pala tayo. Wala na din sa isip ko ang mag girlfriend muna. Focus na lang muna ako sa paparating na tournament. Problema lang ang mga babae na ‘yan.” Tumango na lang ako dahil alam ko naman na galing sa isang masalimuot na relasyon itong si Bren. Tatlong taon yata sila ng girlfriend niya nang iwan siya nito at magpunta sa ibang bansa. O, di ba, alam ko din ‘yon? S’yempre nag-trending kaya sila noon sa internet. Sikat na sikat pa naman kasi ang love team nila sa social media tapos biglang ganoon. Gamer din kasi ‘yong babae pero hindi naman pro-player. Mahilig lang ding mag-stream at maganda talaga, kaya pumuputok ang subscriber sa dami. Mula noong kumalat sa social media na hiwalay na sila ni Bren ay hindi na din naging active pa si Alyssa sa mga social media account niya. Sa tingin ko nag-focus na din siya sa bagong career na pinili niya sa ibang bansa. Hindi lang ako sigurado kung ano iyon. Hindi na kasi talaga siya nagparamdam sa mga account niya pagkatapos ng breakup nila ni Bren. Mula din no’n hindi ko na nakita si Bren na may kasamang babae. Siguro nga hindi pa din niya nakakalimutan si Alyssa. Ano na kayang nangyari doon? Talagang ginive-up na niya ang milyon-milyon niyang subscriber mula nang maghiwalay sila. Tingin ko tuloy may malalim na dahil ang hiwalayan nilang dalawa. Sayang, hangang-hanga pa naman ako sa relasyon nila noon, dahil kahit parehong maraming nagkakagusto sa kanilang dalawa ay pinipili pa din nila palagi ang isat-isa. Halatang mahal talaga nila ang isat-isa, hindi tulad ng ibang magkarelasyon sa social media na fake naman. Sila totoo talaga. Makikita mo naman ‘yon sa mga mata nila kapag nag-li-live sila ng magkasama. Parang ang saya-saya nila sa isat-isa, kaya nakakagulat talaga na bigla na lang silang naghiwalay, tapos wala ding nasabing dahilan ng paghihiwalay nila. Pero may palagay akong dahil iyon sa pag-alis ni Alyssa ng bansa. Pagbalik namin sa sala ay wala pa din doon si Alistair. Saan kaya nagpunta ang isang iyon? Parang nagmamadali siya kanina, eh. Nabangga niya pa nga ako pero wala naman siyang sinabing kahit ano. Siguro ganoon lang talaga ka-suplado ang isang iyon. Hindi namamansin basta hindi niya pa gaanong kilala. “Pinag-uusapan namin kung saan namin isasama ng kwarto si Rain.” Napakagat ako sa labi ko. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko. Hindi ba talaga pwedeng hiwalay ako. Pero ginusto mo ‘to, di ba, Sunny, kaya magtiis ka. Siguro kailangan ko lang mag-ingat ng sobra. “Bali si Alistair lang naman ang walang kasama ngayon sa kwarto, kaya sa kanya ka sana, kaso lang naisip naming hindi yata magandang ideya ‘yon. Hindi naman sa sinisiraan namin si Ali sa’yo, pero medyo suplado kasi ang isang iyon, baka mailang kang kasama siya sa kwarto.” "Ayos lang sa akin na lumipat sa kwarto ni Ali. Doon ka na lang sa kwarto namin ni Bren," Kean said. I immediately shook my head. “Okay lang naman sa akin na siya ang kasama ko sa kwarto. Kaysa maglipat ka pa ng gamit, Kean. Nakakahiya naman sa abala." Bren's forehead creased. "Are you sure? Hindi mo kilala ang ugali ng isang 'yon. Baka mag-away lang kayo," si Bren sa tabi ko. "Tama si Bren, Rain. Mas mabuti pa nga kung si Kean na ang sa kwarto ni Alistair. Doon ka na lang sa kwarto nila Bren." "Oo nga. At least ako sanay na ako sa ugali ni master." Umiling-iling ako. "Hindi, ayos lang talaga sa akin. Huwag na kayong mag-abala." Ngumiti ako. "Sigurado ka ba talaga?" Bren asked with concern in his expression. I nodded my head as an answer. "Sa bagay, idol mo nga pala siya. Kaya siguro gusto mo din makasama siya sa iisang kwarto." Umiling-iling ako. "Hindi naman. Idol ko naman kayong lahat. Kaya lang ayoko lang talaga ng nakaka-abala, saka hindi naman na talaga kailangan dahil matagal ko naman nang alam na may pagkamasungit ang isang 'yon. Nag-uumpisa pa lang ang Gladiators sinusuportahan ko na kayo, kaya wala kayong dapat ipag-alala." Tumango si coach. "Kung ganoon doon ko na ipapalagay ang mga gamit mo," anito. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Bigla akong nataranta. "Ah, coach, pwedeng ako na lang ang magpasok ng mga gamit ko doon? Ako na lang din ang mag-aayos. Hindi kasi ako sanay na may ibang nakikialam sa mga gamit ko." Ngumiti naman si coach Ryan. "Sure," anito nang nakangiti pa din. Kung hindi ako nagkakamali, hindi din nagkakalayo ang edad namin sa edad ni coach Ryan. Mas matanda lang yata ito ng mga tatlong taon sa amin ni Alistair. Pero kailangan namin siyang igalang at sundin dahil siya ang coach namin. Siya ang gagabay sa amin para manalo sa mga tournament na sasalihan namin. "Gusto mo samahan na kita doon para wala ka ng gagawin mamaya pagkatapos nating kumain. Tutal nagluluto pa naman sila manang sa kusina." I smiled and shook my head. "Okay lang. Mamaya na lang, Bren, saka kaya ko na ito. Huwag niyo na akong masyadong alalahanin." Nakangiting napakamot ng ulo niya si Bren. Habang si coach Ryan naman ay lumapit sa akin para umakbay. Hindi din mawala-wala ang ngiti nito kanina pa tulad ni Bren. Mukhang masiyahin at pala-kaibigan din ito, kaya mas lalo akong naging kampante dito sa bootcamp. Kahit puro mga lalaki ang kasama ko, hindi naman ako masyadong naiilang sa kanila. Sa totoo lang komportable na nga agad akong kasama sila ngayon pa lang. Para bang matagal ko na silang nakasama sa sobrang komportable ng pakiramdam ko ngayon. Kahit sinusupladahan ako no'ng isa. "Ganyan lang talaga 'yang si Bren, Rain. Mabait saka pala-kaibigan." "Anong mabait? Lasing ka ba coach? Bakit hindi mo kami niyaya? Akala ko ba hindi pwedeng mag-inom dito sa bootcamp kung wala naman okasyon, eh bakit mukhang nakainom ka na? Bossing naman! Wala namang ganyanan. Hindi ka manlang nag-aya. Inom na inom na kami dito. Natutuyot na nga ang mga atay namin," singit ni Kean na halata namang nagbibiro lang pero may halo ding pasaring. "Oo nga naman, coach! Painom ka naman d'yan. Tagal na naming hindi nakakatikim. Wala na ngang babae pati ba naman alak wala din? Ang korni!" segunda pa ni Dylan. Gusto ko na lang matawa sa kanila. Ang hirap din pala ng posisyon ni coach Ryan dito. Isipin mo 'yon, responsibilidad mo 'tong mga mokong na 'to na puro kalokohan ang alam. "Anong korni pinagsasabi mo? Hoy mag-aral ka nga muna do'n, Dylan. Akala mo hindi ko alam na may tinulugan kang klase kanina? Siraulo ka talagang gago ka, eh. Hindi excuse ang pagiging pro-gamer mo para magpabaya ka sa pag-aaral, ah! Gago ka! Onting oras na nga lang ang ilalaan mo sa pag-aaral, tinutuluyan mo pa. Tumigil ka na lang kaya kaysa nag-aaksaya ka ng pera sa tuition, wala ka namang natututunan." Napa-iling ako. Naalala ko no'n, college student pa din si Alistair no'ng nakapasok siya sa team na 'to. Pero hindi kailanman naging balakid ang pagiging pro-gamer niya sa pag-aaral niya. Nakapagtapos pa din siya ng may matataas na marka. Alam ko kasi updated talaga ako sa mga kaganapan sa buhay niya. Ang hirap ngang sumagap ng tsismis sa buhay niya kasi hindi naman siya pala gamit ng social media. Bibihira siya gumamit no'n. Nagkiki-update lang ako tungkol sa kanya sa mga social media nitong mga 'to. Kahit naman suplado 'yon makikita mo na close siya sa mga mokong na ito at talagang magkakaibigan ang turingan nilang lahat dito sa bootcamp. Kaya sobrang nakakatuwa talaga na mapabilang sa team na 'to. Ang makasali palang sa kanila ay isang malaking karangalan na para sa akin. Ang ipinagdarasal ko na lang ngayon ay sana magtagal pa ako dito. Kung pwede nga lang gusto ko sanang forever na ako dito. Pero wala namang permanente sa mundo, kaya imposible iyon. "Oo nga, coach, eh. Kung hindi lang ako itatakwil ng nanay ko, matagal na akong tumigil," ani Dylan. "At ano? Aasa ka sa pagiging pro-gamer mo? Bugok ka talaga, hindi ka nag-iisip, tingin mo habang buhay ka dito. Kung hindi ka ba naman gago at kalahati. Hindi ka habang buhay na nandito. Anumang oras pwede kang mawala sa pro scene kaya huwag kang papakampante bata. Masyado ka pa ngang bata, wala ka pang alam sa buhay," naiiling na sabi ni coach Ryan na agad kong sinang-ayunan sa isip ko. Tama naman talaga 'yon. Wala naman talagang kasiguraduhan kung hanggang kailan ka tatagal sa pro scene. Anomang oras pwede kang matanggal o kaya malipat sa ibang team. Wala naman kasi talagang kasiguraduhan ang lahat ng bagay. Magbabago ang lahat tulad ng pagbabago ng panahon at wala kang magagawa kung hindi at paghandaan na lamang iyon. Siguro nga hindi pa iyon naiisip sa ngayon ni Dylan dahil bata pa siya, pero hindi naman na siya sobrang bata para hindi maintindihan ang mga sinabi ni coach. Sana lang pumasok sa isip niya ang mga sinasabi na 'to ni coach para makapaghanda siya sa hinaharap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD