005

1414 Words
Kabanata 5 S U N N Y “Coach, naman. Kanina mo pa ako pinapahiya kay Rain. Baka kung ano na lang ang isipin sa akin n’yan, na ako ang pinakabata pero pinakagago dito. Huwag namang ganyan.” Dylan pouted his lips. Halata namang nagloloko lang din. “Oh, don’t worry. I’m already aware of that,” I said arrogantly, smirking. They all laughed at what I just said except Dylan, who just remained pouting. Hindi ko na din tuloy napigilang matawa sa reaksyon niya. Nag-peace sign na lamang ako sa kanya para malaman niyang nagbibiro lang naman ako. “I like you, bro. Nice one,” sabay high-five sa akin ni Kean. Agad akong ngumiwi. “Yes, you got the looks. But the thing here is I'm not gay,” I jokingly said to Kean. Nagtawanan ulit silang lahat. Napapangiti na lang din ako habang pinapanood ang tawanan nila. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na nagagawa ko nang makipagbiruan sa mga idol ko lang noon. Ang sarap pala sa pakiramdam. Hindi talaga ako magsisisi sa ginawa kong ito kahit sobrang delikado nito. Wala akong pinagsisisihan sa naging desisyon ko kung ito ba naman ang kapalit. Ang makasama ko sila sa iisang bahay at makabiruan pa ng ganito. Sobra-sobra na ito para sa akin. Lalo na nang malaman kong makakasama ko pa sa iisang kwarto ang lalaking crush na crush ko mula pa noong high school. Nakakakaba dahil baka siya pa ang makabuko sa sikreto ko, pero hindi ko maitatangging nakaka-excite din. Hay naku, Sunny. Kahit ako nawiwirduhan din sa sarili ko kung paano ko naisip gawin itong bagay na 'to. Nasa tamang pag-iisip pa ba ako para pumasok sa ganitong sitwasyon na alam kong sa huli ay maari akong mapahamak. Hindi kaya ako makulong nito sa pinaggagawa ko. I swear mababatukan talaga ako ng kambal kong si Rain kapag nalaman niya ang tungkol dito. Mabuti na lang talaga at hindi mahilig sa mga social media ang isang 'yon, kaya hindi niya naman siguro ako makikita kapag nailagay na ako sa page ng Gladiators as the new member. Bahala na nga. Kung makita man niya, wala naman na siyang magagawa. Nandito na ako, eh. Hindi naman siguro ako ibubuko ng sarili kong kapatid, lalo na at alam niyang pwede akong mapahamak kung ibubuko niya ang totoo kong katauhan. Kampante ako na hindi niya gagawin iyon. Mahal ako ng isang iyon kahit lagi kaming nagtatalo at hindi magkasundo. Kami lang ba 'yong kambal na hindi mo pwedeng pagsamahin ng matagal sa iisang bubong dahil palagi kaming nag-aaway at nagbabangayan. “Suntukan na lang pare, oh,” anang makulit na si Kean, pero obvious naman na nagbibiro lamang ito. Ngumiti lang ako bilang tugon sa paghahamon niyang iyon. Bakit kaya ang mga lalaki, ayaw na ayaw matutuksong bakla? Ano naman kayang masama sa pagiging bakla? “Bakla ka pala tukmol, eh,” gatong naman ni Bren na pang-aasar dito. Inasahan ko nang may gagatong na pang-asar sa sinabi kong iyon. Ang mga ito pa ba? Gustong-gusto nilang tinutukso ang isat-isa, parang kami lang din ng kakambal ko kapag pinagsama sa iisang lugar. Bawat minuto may pinagtatalunan kami, kaya madalas kaming paghiwalayin ng mga magulang namin, eh. Ewan ko ba, kambal kami pero magkaibang-magkaiba kami sa isat-isa. Ang layo ng personalidad niya sa personalidad ko. “Tangna mo, tukmol! Kaya ka pala nangunguha ng boxer! Akala ko hihiramin mo lang, baka mamaya minamanyak mo pala ako, at inaamoy mo ang mga boxer ko,” si Marcus na napapangiwi, na akala mo'y diring-diri. Ayan na nagsisimula nanaman sila at mukhang kasalanan ko pa yata, pero imbes na ma-guilty ay natatawa lang ako sa mga asaran nila. Naalala ko sa kanila ang kakambal ko. “Oo, nga. Gagi, sumasabay pa naman sa akin ng ligo ‘yan,” si Bren ulit. What? Nagsasabay sila minsan sa paliligo dito? Hindi ba ang weird naman no’n? Pwede ba 'yon? Dalawang lalaki sabay na maligo? Kung sa bagay, ang mga babae nga sabay din minsan maligo, eh. Basta yata kampante ka sa kasama mo at wala naman talagang malisya sa inyo ang pagliligo ng sabay ayos na 'yon. Pero paano naman kung maging kampante din sa akin ang mga ito at bigla na lang maisipang sumabay sa pagliligo ko. Jusko! Hindi ko maisip at ayoko nang isipin pa iyon. Ngayon pa lang na naiisip ko 'yon ay kinikilabutan na ako. Saka eh di buko na ako kapag nangyari 'yon. Mabuti na nga lang din at kaya kong magsalita sa panglalaking boses, dahil kapag ginamit ko ang normal kong boses, paniguradong buko na agad ako. Hindi naman ako ganito magsalita, eh. Masyadong pambababae ang boses ko, kaya kinakailangan ko pang baguhin ang pananalita ko para lang wag nila akong mabuko. “Gago, anong sumasabay? Ikaw ‘tong bigla-bigla nalang pumapasok sa banyo habang naliligo ako, tapos bandang huli ako pa itong sumasabay sa’yo. Baliw ka na ba, Bren? Iniwan ka lang ng jowa mo naging baligtad na utak mo," si Kean na todo depensa sa sarili niya. “Tangna, kadiri kayo! Nagsasabay pala kayo maligo, ah. Nakakadiri! Kaya pala lagi kayong huli lumabas ng kwarto tuwing umaga, ah. May ritwal pa kayong ginagawa sa banyo. Nakakadiri talaga,” si Marcus pa din. “Huy, tarantado ka ba? Kung may bakla man dito, ikaw ‘yon! Siraulo na ‘to,” si Kean kay Marcus. Malakas na natawa si Dylan habang napapa-iling. "I agree. Bedsheet mo nga pink." Nakisali na pati si Dylan. "Siraulo, anong masama sa pink. Saka girlfriend ko ang may gusto no'n." "Ulol! Kailan pa nakapasok girlfriend mo sa kwarto mo dito?" "Secret. Bakit ko sasabihin sa'yo, tanga ka ba?" "Coach, oh! Narinig mo 'yon. Nagpapasok ng babae sa kwarto! Dapat pinaparusahan 'yang mga ganyan!" si Kean na gustong-gusto talagang idiin ang isa. Naiiling na lang ako. Ang gulo nila sobra. “O sige na, ako na bakla. Tumigil na nga kayo sa kakamura niyo. Para kayong mga bata kung mag-asaran, ang tatanda niyo na. Ano bang masama sa pagiging bakla?” si Coach Ryan na naupo na sa sofa. Si Bren naman ang pumalit na umakbay sa akin. “Talaga, coach, bakla ka?” si Dylan na sineryo talaga ang sinabi ni coach kahit na alam naman nilang sinabi lang iyon ni coach para tumigil na sila sa pagtatalo. Napailing ako habang natatawa. Kung ako siguro si coach baka isang linggo pa lang ako dito namuti na ang mga buhok ko. Napakapasaway at gulo ng mga kasama niya palagi. Lagi pang nagtatalo at nag-aasaran, gayong sila-sila lang naman ang magkakasama dito. Hindi na yata nagkasundo ang mga ito kapag magkakasam, laging may pinagtatalunan kahit sa mga live nila naririnig mo ang mga pagtatalo nilang ganito. Napasapo na lang sa kanyang noo si coach Ryan, tila nananakit na ang ulo sa pasaway na mga alaga. Buti hindi niya iniiwan ang mga ito kahit ganito kagulo lagi dito. Buti hindi siya nagsasawa na pagsabihan at sawayin ang mga lalaking ito. Ang tatanda na pero puro mga isip bata pa din. Parang si Silver lang. Damn, ayoko mang aminin pero na-miss ko na agad ang bestfriend ko. Araw-araw ko pa namang kasama iyon dahil lagi akong tambay sa bahay nila mula nang gumraduate ako. Ngayon minsan na lang kami pwedeng magkita dahil hindi naman pwedeng araw-araw niya akong puntahan dito at hindi din naman pwede na palagi ko siyang dadalawin sa kanila. Kung ngayon pa lang namimiss ko na ang mokong na ‘yon, paano pa sa mga susunod na araw? Eh di, mas lalo na? Ang hirap din pala kapag nasanay ka nang palaging kasama ‘yong tao, ‘no? Mula pa man noon siya na kasi talaga ang bestfriend ko, kaya hindi talaga ako sanay na magkalayo kami. Simula bata siya na ang kasakasama ko. Pero hindi naman kasi pwede na habang buhay na lang kaming dedepende sa isat-isa. Kailangan masanay din akong wala siya at siya sa akin. May mga kaibigan naman siyang iba bukod sa akin, pero ako siya lang talaga ang kaibigan ko mula pa noon. Pala-kaibigan naman ako pero wala talaga akong naging ka-close na matatawag kong kaibigan katulad ni Silver. Siya lang talaga ang bukod tanging maituturing kong kaibigan. Pero sana soon pati ang mga mokong na ito ay maging matalik na kaibigan ko din. Malay natin. Hindi naman siguro imposible 'yon dahil magkakasama kami sa iisang bahay. Basta gagawin ko ang lahat ng makakaya ko maging karapat-dapat lang ako sa grupo na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD