006

1132 Words
Kabanata 6 S U N N Y Hanggang sa tawagin na kami ng mga kasambahay para kumain ay hindi pa din bumabalik si Alistair. Inutusan pa ni coach si Dylan para lang tawagin ito dahil baka nagkukulong nanaman daw sa kwarto ang isang ‘yon. Hindi ko tuloy alam kung dahil ba sa akin kaya ayaw niyang sumabay sa pagkain namin at mas pinili niyang magkulong na lang sa kwarto, o gano’n lang talaga siya. Laging nagkukulong sa kwarto? Pwede ding ayaw niya lang talaga sa akin. Mukha ba akong mahina para sa kanya at mukha ba akong pabigat lang sa team? Hindi naman siguro ako makukuha kung hindi din ako magaling. Kahit papaano alam ko naman sa sarili kong may ibubuga din ako. Saka si Silver na mismo ang nagsabi, magaling ako. Hindi naman siguro ako niloloko lang ng isang iyon. Minsan nga lang ako purihin no’n kaya naniniwala ako na totoo ang sinasabi n’yang ‘yon. Saka may tiwala naman ako sa sarili ko kahit papaano. Bumalik si Dylan nang mag-isa lang, walang kasamang Alistair. Mukhang hindi niya ito nakumbinsing sumabay sa aming kumain. “Ayaw coach, eh. Busog pa daw siya.” “What did he eat? His f*****g d**k?” Marcus said, smirking like a freaking idiot. Ang babastos talaga ng bunganga ng mga lalaki kapag nagsama-sama, pero kapag kasama ang mga girlfriends nila, akala mo maamong pusa. “Bastos! Ang kalat mo naman tukmol,” ani Kean na may kasama pang batok. Bumaling sa akin si Bren, nakangisi habang naiiling. “Pasensya ka na sa mga kupal na ‘to, ah. Napulot lang kasi sa kalye ang mga ‘yan, kaya ganyan ang mga bunganga.” I smiled a bit. “Okay lang.” Sandaling tumitig sa akin si Bren habang nakakunot ang kanyang noo na para bang nagtataka sa kung ano. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya at tinutok na lang ang mga mata sa pagkaing nasa harapan. Nang ibalik ko ulit ang tingin ko sa kanya ay nakatitig pa din siya sa akin na para bang may malalim na iniisip. Napakagat ako sa labi ko bago tumikhim. “B-Bakit?” Bigla akong kinabahan. Teka, sandali. Nahalata na ba niya na hindi ako lalaki, na isa talaga akong babae? Sabi ni Silver pagkatapos niya akong gupitan mukha pa din daw akong babae, kaya nag-effort talaga akong kumilos ng panlalaki at magsalita ng panlalaki din. Pero hindi pa yata sa sapat ang mga iyon. Mukha pa din yata akong babae. Kumakabog ng mabilis ang puso ko sa kaba. Buko na ba agad ako? s**t, huwag naman sana. Hindi pa nga ako nakaka-isang araw dito, mabubuko na agad ako? Hindi pwede, ayoko. Huwag muna sana, please. Nakahinga lang ako ng maluwag nang umiling-iling si Bren at ngumiti. “Wala naman. Kumain na tayo,” anito at nagsimula nang pagtuunan ng pansin ang kanyang pagkain. Mahina akong napasinghap. Muntik na ako doon. Ramdam ko na ‘yong pawis sa noo ko kanina. Akala ko bistado na agad ako. Fvck! Buti na lang talaga. Muntik na ako do’n. “Kumain lang kayo d’yan. Ako na ang tatawag kay Ali,” ani coach bago tumayo para puntahan si Alistair sa kwarto nito na magiging kwarto ko na din pala. Napangiti ako ng maisip iyon. Imagine, makakasama mo sa iisang kwarto ang lalaking gustong-gusto mo simula pa noong high school? Hays, heaven talaga. ‘Yong tipong gigising ka tuwing umaga tapos siya ang una mong masusulyapan, pero paano kung siya din ang unang makabuko sa akin? Ayoko nang isipin pa iyon. Sumasakit agad ang ulo ko sa pag-iisip ng gano’n, eh. Hay naku, Sunny, tigilan mo na muna ang kakaisip ng ganyan at enjoy-in mo na lang muna ang mga oras mo dito, para worth it pa din kahit mahuli ka. “Yes, coach,” si Dylan lang ang sumagot at nakuha pa talagang sumaludo. Siya nga talaga ang pinaka-isip bata sa grupo. Silang dalawa ni Kean pero mas lamang lang siya dahil siya naman talaga ang pinakabata. Umalis na din naman agad si coach para puntahan si Alistair. “Ano nanaman kayang problema ng isang iyon?” si Marcus. “Hindi ka na nasanay sa isang ‘yon? Kailan ba nakisali sa kasiyahan ang mokong na ‘yon? Parang palaging may sariling mundo, eh.” “Hayaan niyo na si master. Gano’n lang talaga ‘yon. Sa una lang ‘yan. Masasanay din ‘yon kay Rain,” ani Kean. “Pasensya ka na sa captain natin, Rain, ah? May pagkagago din kasi ang isang ‘yon. Akala mo babaeng laging may dalaw, parating moody.” “Okay lang. Naiintindihan ko. Sanay na ako.” Noong high school nga kami kapag bumabati ako sa kanya nilalampasan niya lang ako na parang hangin, kaya hindi manlang ako nakapagpakilala sa kanya no’n, kahit gustong-gusto ko talagang magpakilala sa kanya noong mga panahon na ‘yon. Kaya lang paano ko ba gagawin iyon kung bawat makakasalubong ko siya ay parang nagmamadali siyang maglakad palayo. Itataas ko pa lang ang kamay ko para mag-hi nakalayo na agad siya. Literal na para akong hangin sa kanya no’n. Ilang beses nga akong napagalitan noon ni Rain at Silver dahil lagi ko silang tinatakasan tuwing uwian para lang makasilay kay Alistair na hindi naman ako pinapansin. Ni hindi manlang ako matignan kahit sandali. Para akong invisible sa paningin niya mula pa noon. Kaya ko nasabi na sanay na akong ganoon s’ya. “Huh? What do you mean? Magkakilala ba kayo?” nagtatakang tanong ni Bren. “Oo nga, Rain. Magkakilala na kayo ni master?” Kumunot ang noo ni Kean. Agad akong umiling ng paulit-ulit. “Hindi. Hindi naman. What I mean is sanay na akong ganoon siya kasi lagi akong nanonood ng live niya pero never niyang napansin ang mga comment ko, kaya ko nasabing sanay na ako sa kanya na ganoon,” palusot ko. Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil naitawid ko iyon. “Oo nga pala, ‘no? Idol mo siya, di ba? Kaya siguro alam na alam mo nang ganoon talaga ang ugali ng isang iyon.” Tumango-tango ako. “Bakit siya ang idol mo, pwede namang ako?” si Dylan na nakakunot ang noo na para bang nagtataka kung bakit hindi siya ang naging idol ko. “Ah, core din kasi ang gamay ko na role, kaya siya ang naging paborito ko, pero idol ko naman talaga kayong lahat. Kaya nga dito ko gustong-gustong makapasok. Kung hindi lang din naman ako sa team niyo mapupunta, ayaw ko na lang maging pro-player,” I said honestly. “‘Yan ang gusto ko sa’yo!” sabay hi-five sa akin ni Bren. Natatawang pinatulan ko naman iyon. Ang cute lang ng isang ito. Sa tingin ko siya ang pinaka makakasundo ko sa grupong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD