010

2584 Words
Kabanata 10 S U N N Y "Nasaan nga pala ang iba?" tanong ko pagkaraan ng ilang sandali. "Nasa gaming room, nagli-live si Bren. Gusto mong pumunta?" "Baliw! Hindi pa pwede. Hindi pa na announce na may bagong member ang Gladiators," si Kean na binatukan pa talaga si Dylan. Ibang klase talaga ang mga ito. May sasabihin lang kailangan pang mambatok. Medyo hindi ako natuwa sa ginawa na iyon ni Kean kaya ibinalik ko sa kanya ang batok niya kay Dylan. "Ouch! What the- Para saan 'yon, Rain?" nalilito at may bakas ng konting gulat na tanong ni Kean sa akin. Tinignan ko ng masama si Kean. "Hindi naman kasi kailangang mambatok pa kung may sasabihin," sabi ko nang naiiling. Nangunot ang noo ni Kean at napakamot na lang sa kanyang batok. Humalakhak naman ng malakas Dylan. "Ayan, loko! Ang bilis ng karma." Umiling-iling si Kean habang napapakamot pa din sa kanyang batok. "Ang nipis ng braso mo pero ang lakas mong mambatok, ah," pabiro nitong sabi na medyo naka-move on na sa pambabatok ko sa kanya. Palagi ba silang ganito dito? Ayos lang kung palagi silang nag-aasaran pero hindi naman yata ayos kung nagkakapisikalan na sila dito kahit pa hindi gaanong masakit ang pamimisikal nila sa isat-isa. Hindi pa din dapat sila pinamimihasang ganoon. Ngayon pa lang naaawa na ako kay coach Ry sa inaakto ng mga ito. Araw-araw sigurong sumasakit ang ulo ni coach sa pagsasaway sa mga alaga niya. Lahat na yata ng kalokohan sa mundo sinagap ng mga ito, eh. Nagsama-sama ba naman sila na pareparehong loko-loko. Lalo na itong dalawang ito. Kawawa talaga si coach Ry. "Bakit kasi may sasabihin ka lang may kasama pang batok?" nakasimangot ko pa ding sabi nang biglang dumating si Alistair. Parang automatic na nawala ang pagkakasimangot ko pagkakita sa kanya. Kakaiba talaga ang dating ng isang ito lalo na ngayong bagong ligo. Parang ang bango-bango tapos ang linis lalong tignan. Ang unfair talaga ng mundo, bakit ba may mga lalaking ganito ka gwapo? Parang hindi naman na yata makatarungan ito. Pinakyaw na niya lahat ng magagandang katangian at hindi na yata nagtira. Kaya halos mabaliw sa kanya ang mga fans niya, eh. Hindi nga lang ngumingiti, saka sobrang suplado. Ewan ko ba. Ayokong-ayoko sa mga suplado pero bakit gustong-gusto ko pa din itong si Alistair? Ewan ko ba. Iba talaga ang dating niya sa akin. Sa kanya lang ako nagkaganito. Mula noon siya lang talaga ang naging crush ko. Yes, aminado ako na nagagwapuhan ako sa ibang member ng Gladiators pero hanggang doon lang iyon, hindi katulad sa nararamdaman ko para kay Alistair na ibang-iba talaga. Sa kanya lsng ako nagkaganito at alam iyon ng kaibigan kong si Silver. Siya ang saksi kung paano ko humanga ng husto sa captain ng Gladiators. Kahit noong nasa high school pa lang kami ay alam na ni Silver kung gaano ko kagusto si Alistair kahit hindi naman ako nito kilala. Ang hirap lang magkagusto sa taong hindi ka naman kilala pero ayos lang naman. Masaya naman ako noon kapag tumatakas ako sa kalagitnaan ng klase para lang masilayan siya. Nagtangka pa nga akong magpakilala sa kanya no'n, kaya lang dinaanan lang ako. Hindi manlang ako pinansin o kahit tinignan manlang. Sobrang suplado talaga ng lalaking ito pero kahit gano'n gustong-gusto ko pa din siya. Siya lang talaga ang nagustuhan ko ng ganito. Ewan ko ba. "Master, ikaw pala. Maupo ka muna dito," ani Kean na siniksik pa talaga ako sa gilid para lang makaupo ang master niya. Hindi ko alam kung anong meron at ganoon ang tawag niya dito. Tinignan lang siya ni Alistair bago ito naupo sa kabilang sofa. Muli akong bumalik sa pagkakasimangot. Tignan mo 'tong isang 'to. Napakasuplado talaga. Mabuti na lang at mukhang sanay na itong si Kean sa ganoon niyang asta kaya napakibit balikat na lamang ito. Nakuha pang ngumisi ng nakakaloko. Sa pagkaka-alam ko siya ang pinaka malapit dito kay Alistair kahit hindi sila ang magkasama sa kwarto. Baka si Kean lang ang pinaka nakakatagal sa ugaling ito ni Alistair. "Alam mo ba, Rain, tulad mo, idol ko din itong si master. Kahit noong hindi pa siya pro-gamer." Iyon naman pala ang dahilan kung bakit ganoon ang tawag niya dito. Idol niya din pala si Alistair tulad ko. "Alam mo kung bakit?" Tumaas ang parehong kilay ko. "Why?" "Kung hindi mo nalalaman, pinipilahan ito ng mga babae noon sa school." Alam ko. High school pa nga lang kami, ang dami ng nagkakagusto sa kanya. Parang kulang na nga lang siya ang ligawan ng mga babaeng iyon. Tsk. Isa pa nga ako sa mga babaeng iyon, eh. Kaya paanong hindi ko malalaman iyon? "Tsk!" Umiling si Blake at may nagbabantang tingin para sa katabi ko. Ngumuso ako. "Kulang na lang babae ang manligaw d'yan. Kaya nga lagi akong dumidikit d'yan noong nag-aaral kami. Alam mo na, baka sakaling maambunan tayo ng grasya!" Sabay silang humalakhak ni Dylan. Hindi ko alam na schoolmates pala sila noong college nitong si Kean at doon pala talaga sila unang nagkakilala. Akala ko kasi nagkakilala lang sila noong nakapasok sila pareho sa team. Kung sa bagay, halos magkasabay din silang nakapasok sa team na ito. May mga dating member kasi ang Gladiators na nag resign na din dahil gustong magbago ng career sa buhay. Tulad na lang ng pinalitan ko na dating support ng Gladiators. Noon pa naman maingay na ang pangalan ng team dahil magagaling din ang mga nauna nitong nagong member. Nag-alisan nga lang dahil s'yempre nagkaka-edad na din at gusto ng magbago ng karera sa buhay. Nagkapamilya na din kasi 'yong iba kaya tuluyan nang umalis. Mahirap naman din kasi kapag malayo ka sa pamilya mo. Hindi mo naman pwedeng patirahin ang pamilya mo sa bootcamp, dahil ang bootcamp na ang pinaka opisina ng mga pro-gamer. Sino ang makakaisip na patirahin ang pamilya niya sa kanyang opisina? Wala dahil hindi naman talaga pwede iyon. Labag iyon sa rules. Kaya 'yong iba napipilitan na lang ding mag-resign at maghanap ng bagong propesyon sa buhay. Sinulyapan ko si Alistair. Nahuli ko ang bahagyang pagtaas ng gilid ng mga labi nito sa sinabi ni Kean. Ano ba 'tong isang ito. Ngingiti na lang mukhang suplado pa din. Paano niya kaya nagagawa 'yon? "Kaya ikaw, Rain, kung ako sa'yo samantalahin mo na ang pagkakataon na kasama mo 'yan. Paturo ka agad ng technique sa mga babae para magka-girlfriend ka na din. Sa pagkaka-alam ko mas gusto ng mga babae iyong medyo suplado para may konting challenge. Hindi ba, bro?" ani Dylan sabay baling kay Alistair. Umiling lamang ito at hindi sinang-ayunan ang sinabi ni Dylan. "Sa tingin ko nagkakamali ka d'yan." Ngumiwi ako. "Aba! Bakit ano ba sa tingin mo ang gusto ng mga babae sa isang lalaki?" "S'yempre gusto nami—" Muntik pa akong madulas sa pagsasalita mabuti na lang at napigilan ko pa ang sarili ko. Tumikhim ako bago ipinagpatuloy ang sinasabi. "S'yempre mas gusto nila iyong mabait at hindi suplado. Iyong kapag nakita nila sa daan at babatiin nila ay papansinin sila at ngingitian. Hindi tulad ng iba na lalagpasan lamang sila na parang hangin." Ngumuso ako nang maalala ang sarili. Kunwari ka pa, Sunny, eh, ikaw nga gustong-gusto mo siya kahit hindi ka niya pinapansin noon. Ni tignan ka nga lang hindi niya magawa noon, pero nababaliw ka pa din sa kanya. Well, at least ngayon nagagawa na niya akong tignan kahit sinusupladuhan niya pa din ako. Nakikita at napapansin na din niya ako ngayon. Aware na siya sa existence ko. Hindi tulad noon na para lamang akong hangin sa kanya kung lagpasan niya. Noon kasi kahit ano yatang gawin ko, hindi ako napapansin ng lalaking ito. Kahit yata lumuhod na ako sa harap niya ay hindi niya pa din ako mapapansin at makikita. Iyong mga ubod nga ng ganda na nagpapapansin sa kanya hindi niya pinapansin, eh. Ako pa kaya? "Naku, hindi na uubra ang mga ganyan ngayon, Rain. Ang gusto na ng mga babae ay iyong medyo bad boy," natatawang sabi ni Kean. Ngumuso ako dahil medyo tama naman iyon. Karamihan nga naman sa aming mga babae sa bad boy pa mas nahuhulog kaysa doon sa mga lalaking mababait naman. Hindi ko din alam kung anong mayroon at ganoon ang nangyayari. Tapos kapag nasaktan doon sa bad boy magagalit at idadamay ang lahat ng lalaki kahit iyong mga wala namang kinalaman sa relasyon nila ng naging boyfriend niya. Inakbayan ako ni Kean. "Gusto mo ba talagang magka-girlfriend?" "Hindi naman. Wala pa 'yan sa isip ko," I said, shaking my head. Sabay na kumunot ang noo ng dalawang kasama ko sa sofa. "Bakit? Ilang taon ka na nga ulit, Rain?" "Mag twenty-three na sa October." "O, tapos sasabihin mo sa amin na wala pa sa isip mo ang pagkakaroon ng girlfriend? Pinagloloko mo ba kami, bro? Sinong ayaw magkaroon ng girlfriend?" Sumulyap ako kay Alistair nang umayos ito sa pagkaka-upo sa pang-isahang sofa. Nagsalubong ang kilay ni Kean at nagpalipat-lipat sa aming dalawa ni Alistair ang kanyang tingin. "Ah! Alam ko na kung ano ang gusto nitong si Rain." Ngumisi si Kean at bahagyang binangga ang siko ng kanya. "Gusto mo tumulad dito kay master, ano?" pabulong na sabi ni Kean, may naglalarong nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. Kumunot ang noo ko nang hindi nakuha ang ibig niyang sabihin. "Ayaw mo din ba sa commitment at gusto mo hanggang sa kama lang ang ugnayan niyo ng babae?" "Ano?" Napalakas ang boses ko sa ibinulong ni Kean. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Ibig bang sabihin... gano'n si Alistair? Akala ko pa naman iba siya sa dalawang ito. Napalunok ako at muling napabaling sa direksyon ni Alistair na seryosong nakatingin lamang sa akin na para bang nawiwirduhan siya sa pagkatao ko. Ewan. Humalakhak ang katabi ko. "O, bakit parang nagulat ka pa? Mali ba ako?" anito nang may pilyong ngisi. Tumikhim ako at pinilit na gawing normal ang ekspresyon ng mukha. Baka mamaya makahalata na itong isang ito dito. "H-Hindi naman sa gano'n. Ayoko pa lang talaga muna pumasok sa kahit anong relasyon sa ngayon." "Hindi ka pa nagkaka-girlfriend, di ba?" si Dylan. Tumango ako. "Pero may experience ka naman na siguro, di ba?" Muling nanlaki ang mga mata ko sa tanong na iyon ni Dylan. Hindi na niya kailangan pang sabihin kung anong experience ang tinutukoy niya dahil alam ko na agad kung ano iyon. Nag-init ang mukha ko. Hindi ko inasahan na magagawa nilang tanongin iyon. Hindi ko tuloy napaghandaan manlang ang isasagot ko doon. Hindi din naman ako komportable na sagutin iyon, pero hindi naman kasi nila alam na babae ako. Alam nilang lalaki din ako kaya ganito sila kung makapagbato ng tanong. Tumango na lamang ako at wala ng sinabi pa. Humalakhak ang dalawa. "Nice one, bro. Wala pang nagiging girlfriend, pero nakatikim na. Talo pa yata nito si coach, eh," ani Dylan kay Kean. Yumuko ako at wala ng sinabi pa. Nag-iinit ng husto ang mukha ko sa kahihiyan. Hindi ako makapaniwalang gano'n ang naisagot ko kahit wala pa naman talaga akong experience sa mga ganoong bagay. Miski halik nga hindi ko pa nararanasan. Iyong experience pa kaya na tinutukoy nitong si Dylan. Ang hirap pala talagang magpanggap na lalaki. "Sabi ko na, eh. Kaya idol nito si master, eh. Gusto niyang sundan ang mga yapak nito." Sabay akbay sa akin ni Kean habang natatawa pa din. Mga siraulo talaga ang mga ito. Ibig sabihin totoong ganoon nga din si Alistair? Hindi ko pa siya kahit kailan nakitang may kasamang babae kaya hindi ko alam kung binibiro lang ba ako nitong si Kean. Pero bakit naman niya sasabihin iyon kung hindi naman pala totoo? Hindi kaya totoo talaga? Kung gano'n... May experience na din si Alistair sa mga ganoong bagay? Napakagat ako sa labi ko at hindi lubusang makapaniwala. Tinignan ko pa siya ngunit muli lang niya akong sinalubong ng malamig na tingin. Bakit kaya ganito siya kung makatingin sa akin? Para bang kahit wala naman akong ginagawa ay parang inis na inis siya sa akin. Wala pa akong isang araw dito pero ganito na agad ang trato niya sa akin. Ngumuso na lamang ako. "Daig mo pa pala ako, eh," si Dylan. Bumaling ako sa kanya at agad na umiling. "Ah, isang b-beses lang naman nangyari 'yon," sabi ko pero hindi makatingin ng diretso. Ang hirap magsinungaling lalo na kapag ganito ang usapan. Hindi na nga ako makapaniwala na nakakaya kong sabihin ang mga kasinungalingan na ito, pero wala naman akong magagawa. Kailangan ko talagang magsinungaling para lang manatili ako dito ng mas matagal. Hindi pa nga ako nakaka-isang araw dito tapos mabubuko na agad ako? Hindi ako papayag na ganoon. Kailangan kong gumawa ng paraan para patuloy silang paniwalain na isa akong lalaki tulad nila. Nang sumulyap akong muli kay Alistair ay nagbago na ang tingin nito sa akin. Para siyang natatawa na hindi ko maintindihan. Parang nanunukso. Nanunukso nga yata talaga. Nahalata niya bang nagsisinungaling lang ako at walang katotohanan ang mga pinagsasabi ko. Oo nga pala. Matalino ang isang ito kaya mabilis makahalata, pero mukhang wala naman siyang balak makisali sa usapan namin. "O, bakit hindi na naulit?" Napalunok ako. Ayaw talagang tumigil ng dalawang ito sa ganitong usapan. Ganito ba talaga palagi ang topic ng mga lalaki kapag nagkukwentuha sila? "Hindi mo yata ginalingan." "Baka naman hindi mo pinatapos." "Babae muna dapat ang pinapatapos mo, bro, bago tayo. Huwag kang selfish." Tumawa si Dylan. Damn it! Pakiramdam ko pwede nang magluto ng itlog sa mukha ko dahil kanina pa ito nag-iinit. Halata pa naman kapag namumula ako. Mabuti at hindi iyon napapansin ng dalawa. Bakit kasi ayaw nilang tantanan ang topic na ito. "Loko! S'yempre first time niya 'yon." Muli akong inakbayan ni Kean. "Hayaan mo. Hanapan kita ng babae sa makalawa. Sumama ka lang sa amin. Huwag ka doon kay Bren magsasama at wala kang mapapala doon. Hindi pa 'yon maka-move on sa ex niya, kaya hindi makahanap ng bagong babae." Napangiwi ako. Sino ba kasing may sabing naghahanap ako ng babae. Sabing wala pa sa isip ko 'yong mga ganyan, eh. "Ah, wala naman akong balak maghanap ng babae. Wala pa talaga muna sa isip ko 'yan." Napangisi si Dylan. "Bakit, takot ka sa commitment, ano? Huwag kang mag-alala, maraming babae d'yan ang game sa hook up lang. Iba na ang panahon ngayon, Rain." "Uh… Hindi nga talaga ako interisado." Nagkatinginan ang dalawa. "Bakit? May nagugustuhan ka na ba?" kunot noong tanong ni Kean. Kinagat ko ang labi ko at tumango. "Oo, tama. May nagugustuhan na kasi ako kaya hindi ako interesado sa ibang babae," pagsisinungaling ko at muling napakagat sa aking ibabang labi. Napakadami ko ng kasalanan. Kanina pa ako nagsisinungaling sa dalawang ito. "Eh, bakit hindi mo na lang ligawan 'yong nagugustuhan mo para magka-girlfriend ka na?" Ang kulit ng dalawang ito. Sabing ayaw ko pa ngang mag girlfriend. Tanong pa din ng tanong. "Uh, wala akong time, eh. Saka…" Huminto ako para mag-isip ng idudugtong na palusot. "Nag-aaral pa 'yon. Wala pa siyang oras mag boyfriend. Saka na lang siguro kapag nakapagtapos na s'ya ng pag-aaral. Hindi din kasi basta-basta nag-bo-boyfriend iyon. Pag-aaral lang talaga ang nasa isip niya sa ngayon. Iyon nga ang isa kong nagustuhan sa kanya bukod sa pagiging mabait niya at masunurin sa magulang. Isa pa hindi naman ako nagmamadali, makakapaghintay pa naman ako." In fairness, ang bilis kong makaisip ng palusot. Siguro naman hihinto na ang dalawang ito sa pangungulit sa akin na humanap ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD