011

2777 Words
Kabanata 11 S U N N Y "Halika, Rain. Inom na tayo," ani Bren sa akin nang pumasok sa kwarto namin ni Alistair. Mukhang kakatapos lang niyang mag stream. Pagkatapos kong makipagkwentuhan sa dalawa kanina ay pumasok na ulit ako sa kwarto. Mahirap na baka kung ano-ano nanaman ang tanongin nila sa akin. Hindi ko alam sa dalawang iyon kung anong naisipan at ganoon kung magbato ng mga tanong. Normal bang pag-usapan pa ang mga ganoon kapribadong bagay? Hindi ko alam. Hindi naman namin napag-uusapan ni Silver ang mga ganong bagay kahit sobrang tagal na naming magkaibigan. Pero siguro dahil din babae ako at lalaki siya kaya weird talaga kung ganoon ang pag-uusapan namin. Naiisip ko pa nga lang na pag-uusapan namin ni Silver ang mga ganoong bagay ay naiilang na ako, eh. Sobrang uncomfortable no'n kasi hindi naman kami magkapareho ng kasarian. Pero kahit naman di namin pag-usapan ang mga ganoong bagay, aware naman ako na may experience na talaga siya pagdating sa gano'n. Sa landi ng lalaking iyon at sa dami niyang naging girlfriend imposibleng wala pa siyang karanasan. Ang wild pa naman ng mga nagiging girlfriend niya noon. Siguro ganoon talaga ang tipo niya sa isang babae. Iyong may pagka-wild, tulad ng naka-fling niya na sikat ding game streamer. Hindi manlang naging sila no'n pero nahalikan na niya iyon. Oo, alam ko kasi nabasa ko isang beses ang conversation nila noong babae na 'yon. Hindi ko naman sinasadyang mabasa iyon. Bigla lang kasing nag pop out sa screen noong gamit ko ang computer niya. Kaya iyon nabasa ko tuloy kung ano ang pinaggagawa nila noong babaeng iyon kapag nagkikita sila. Noon pa man naman alam ko nang malandi ang kaibigan ko kaya hindi na bago sa akin iyon. Pero ewan ko sa isang 'yon, kahit kailan never ko pang nakitang nagseryoso siya sa isang babae. "Uh, Rain?" Nawala ako sa iniisip ko nang muling magsalita si Bren. Nakalimutan ko na ang tungkol sa kanya sa sobrang layo ng nilapad ng isip ko. Ngumiti ako kay Bren. "Uh, pasensya na may naalala lang." Ngumiti din siya pabalik. May halo nga lang kapilyuhan sa ngiti niyang ito. "Babae ba 'yan?" "Huh? Hindi naman!" Agad akong tumayo para makalabas na kami at baka kung saan nanaman mauwi ang usapan na ito. "Sigurado ka? Balita ko may nagugustuhan ka pa lang babae na nag-aaral pa, ah. Siya ba ang iniisip mo kaya ka natutulala dito?" "Hindi, ah! Sino namang nagsabi sa'yo niyan?" Sino pa nga ba, Sunny? Malamang isa lang sa dalawang iyon ang nagsabi kay Bren nito. Baka si Kean kasi sila naman ang roommates. Ibang klase din magpalaganap ng tsismis ang dalawang iyon. Kanina ko lang sinabi sa kanila ang impormasyong iyon, naibahiga na agad nila sa isang ito. Ngayon mas naniniwala na akong mas mabilis magpakalap ng tsismis ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Nakarating kaagad kay Bren, eh. Nag s-stream lang 'to kanina pero alam agad kung ano ang pinag-usapan namin kanina. "Nabanggit lang ni Kean. Nagkwento ka daw kanina tungkol sa babaeng nagugustuhan mo." "Sinabi niya pa talaga sa'yo 'yon?" "Bakit? Bawal ko bang malaman 'yon? Sinisikreto mo ba?" May nanunukso pa ding ngiti sa kanyang mga labi. Hindi ako sumagot at nagsimula nang lumabas ng kwarto. Hindi na din bumalik si Alistair dito mula nang bumalik ako, kaya baka nasa living area pa din iyon kung saan ko sila iniwang tatlo kanina. O baka nasa gaming room na din kasama ang iba? "Ikaw, ah. Sweet lover ka pala, hindi mo naman sinabi." Napailing ako sa panunukso ni Bren. Loko din ang isang ito, eh. Mahilig din palang manukso. Hindi ko na lamang pinatulan ang pang-aasar niya. Walang tao sa living area kaya baka nasa labas na ang mga iyon. Malawak kasi ang bakuran nitong bahay at pwedeng-pwede magpa-party sa labas kung gugustuhin ng mga players at papayagan ni coach. Si coach Ry na din kasi ang manager namin kaya siya talaga ang nasusunod dito sa bahay. "Nasa labas na silang lahat. Nandoon na din ang mga iinumin natin. Masaya 'to," ani Bren sabay akbay sa akin at giya sa labas ng bahay. Naabutan naming nagsisimula nang magbukas ng mga alak ang iba. Medyo nagulat ako dahil naroon din si Alistair, akala ko kasi hindi siya nakikisali sa mga ganito. Pero mukhang nagkamali ako. Marunong naman pala talaga siyang makisama, snob lang talaga siya sa mga taong hindi pa niya gaanong kilala at nakakasalamuha. Naiintindihan ko naman iyon. May ganoon naman talagang mga tao tulad ng kapatid kong si Rain. Sobrang snob din ng isang iyon kaya hindi magkaroon ng girlfriend, eh. Pero gets ko naman na hindi lang talaga siya komportableng makihalubilo sa mga taong hindi pa naman niya gaanong kilala. "Nandito na pala si lover boy, eh," agad na kantiyaw ni Marcus nang matanaw kami ni Bren na palapit sa kanila. Na nasundan naman ng tawanan mula sa iba. Pati si coach nakikitawa din. Napailing na lang ako sa panunukso nila. Magkasunod kong binalingan ang dalawang salarin. Sina Kean at Dylan. Ang dalawang ito napakapasaway talaga. Nawala lang ako saglit ipinagkalat agad ang nakwento ko kanina sa kanilang dalawa. Akala yata nila totoo talaga iyon. Hindi naman, gawa-gawa ko lang naman talaga 'yon, eh. Silang dalawa naman ang dahilan kung bakit ko ginawa ang kwentong iyon. Bahala sila d'yan. Akala yata nila maapektuha ako sa panunukso nila, eh, imbento ko lang naman talaga 'yon para tigilan nila ako kanina. "Upo ka dito, lover boy," ani Marcus ulit sabay muwestra ng bakanteng upuan sa kanyang tabi. Agad naman akong lumapit doon at naupo. Sumunod naman si Bren na humila pa ng isang silya para itabi sa akin. Nasa tapat namin sina Dylan, Kean at Alistair. Si coach naman ang nasa kabilang dulo ng lamesa nakaupo. Napasulyap ako sa nasa tapat kong si Alistair. Nakahilig ito sa sandalan ng upuan at nakakrus ang mga braso. At s'yempre ayan nanaman ang malamig niyang titig sa akin. Kailan kaya magbabago ang paraan ng tingin sa akin ng lalaking ito. Hindi ko alam kung snob lang ba siya o talagang ayaw niya sa akin. Sana iyong una. Paano ko kaya kukuhanin ang loob ng isang ito kung ayaw nga akong kausapin o kahit pansinin manlang. "O, bigyan niyo ng inumin si lover boy," si Dylan sa nanunuksong paraan. "Tumigil nga kayo. Kapapasok lang ni Rain dito, baka umalis agad 'yan," ani coach Ry pero nakangiti naman at mukhang hindi galit. "Huwag kang mag-alala coach. Wala naman sa akin 'yon. Mas malakas pang mang-alaska 'yong bestfriend ko sa mga 'yan." Umakbay si Bren sa akin. "Sino iyong si Tanso?" si Kean ng nakangisi. Kumunot ang noo ko habang nagsipagtawanan naman ang iba. "Tanso? Sino 'yon." Binatukan ni Marcus si Kean. Talagang humilig pa talaga siya sa lamesa para lang batukan ito. Napabaling ako ng marahas sa kanya. "Tanga mo! Silver 'yon!" Ngumuso ako at hinampas ang kamay ni Marcus na nambatok kay Kean. Napangisi tuloy lalo ito. Si Marcus naman ang napakunot ang noong bumaling sa akin. "Para saan naman 'yon, bro?" anito sa nagtatakang mukha. Tinapunan ko siya ng naiiritang tingin. "Hindi mo naman siya kailangang batukan para maitama," naiiling na sabi ko. "Eh, biro lang naman 'yon, bro." Napakamot sa kanyang batok si Marcus. Ngumiwi ako. "Kahit pa biro lang iyon. Hindi magandang gawing biro ang pananakit-" Nagulat ako nang biglang sumabat si Alistair sa gitna ng pananalita ko. "Biruan lang sa amin iyon, kung hindi mo kayang sakyan ay pwede ka ng umalis," malamig na sabi ni Alistair bago sumimsim sa alak na nasa kanyang harapan, siya pa lang ang nagsisimulang uminom. Agad nag-init ang ulo ko sa pahayag niyang iyon. Kala mo porque crush kita hindi na ako maiinis sa'yo? Tsk! Sungit! Ibat-iba naman ang naging reaksyon ng mga kasama namin, pero hindi ko na iyon masyadong pinatuunan ng pansin. Tinignan ko na lang ng masama ang lalaking suplado. "Ali!" may pagbabantang suway ni coach sa katapat ko. Ngumuso ako at humalukipkip. "Hindi naman ikaw ang magdedesisyon sa bagay na 'yan. Hindi naman ikaw ang manager ko," tugon ko na pilit tinatapatan ang tingin niya. "Woah!" Napapalakpak si Bren sa tabi ko kaya siya naman ang binalingan ni Alistair ng malamig na tingin. "Walang masama sa sinabi ni Rain. In fact, I agree with him. Hindi niyo dapat ginagawang biro ang mga ganoong bagay." "Tapik lang naman 'yon, coach," katwiran ni Marcus. "Kahit pa. Hindi magandang tignan. Saka hindi din magandang masanay kayo sa ganoon. Paano na lang kung kaharap niyo ang mga magulang niyo? Tingin niyo matutuwa silang makita kayong nagbibiruan ng ganyan? Hindi, di ba? Kasi kahit sabihin niyong biro lang ang ginagawa niyo at hindi naman nakakasakit ng husto, hindi pa din ito magandang tignan lalo na para sa mga taong hindi pa kayo kilala ng lubusan." Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon sa sinabing iyon ni coach Ry. Siya lang talaga ang matino dito. Akala ko ganoon din itong si Alistair mukhang nagkamali pala ako. Wala din pala siyang pinagkaiba sa mga loko-lokong ito. "Coach, naman! Akala ko ba magsasaya tayo ngayong gabi, bakit inunahan mo naman agad ng sermon?" napapakamot sa batok na sabi ni Dylan. Itong isang ito talaga ang palaging may reklamo. Nang muli kong ibalik ang tingin ko kay Blake ay nakatuon pa din ang tingin nito sa akin. Sinimangutan ko siya. Ganyan nga, Sunny. Ipakita mo sa supladong lalaking 'yan na hindi ka natatakot sa kanya. Bakit naman kasi ako matatakot sa kanya? Sino ba siya? Hindi dahil gusto ko siya ay hindi na ako pwedeng mainis sa kanya, ah! Anong akala niya, hindi ako lalaban sa kanya porque bago lang ako dito at nasabi kong idol ko siya? Hmp! Hindi pwede iyon. Hindi ako papayag na aapihin niya lang ako habang nandito ako. Hindi ako nagpakahirap na pumasok dito para lang apihin niya. May pangarap ako kaya ako nandito ngayon at hindi ako papayag na dahil sa kanya ay hindi ko maabot ang pangarap na iyon. Crush ko lang naman siya, mas matimbang pa din ang pangarap ko para sa akin. Really, Sunny? Bulong ng isang bahagi ng isip ko. "Oo nga naman, father. Bukas mo na kami sermonan. Ay, coach pala," ani Kean na natatawa pa. Napailing ako. Wala talagang siniseryosong bagay ang mga lalaking ito. Hindi na sila nahiya kay coach Ry. Seriously? Paano nila 'yan nasasabi ngayon sa sarili nilang manager? Hindi ako makapaniwalang napaka-isip bata pa din ng mga lalaking ito. Inaamin kong isip bata din ako at some point pero hindi naman ganito ka immature. May mga hilig lang ako na hindi na masyadong akma sa age ko ngayon. Tulad ng pagtatampisaw sa ulan. Oo, tama, sa edad kong ito tuwang-tuwa pa din ako kapag umuulan at nakakapaligo ako dito. Ewan ko ba. Gustong-gusto ko lang talaga ang ulan. Samantalang 'yong ibang tao ayaw na ayaw ng ulan. "Siraulo talaga 'to," naiiling na sabi ni Bren sa tabi ko. Tinignan naman ng masama ni coach ang loko. "Tarantado, di ba? Ang lakas ng loob, coach!" si Marcus na natatawa na din. Nagtawanan silang lahat bukod sa akin, kay Alistair at kay coach. Wala naman kasing nakakatawa. Ewan ko ba sa mga ito. Lahat na lang sa kanila nakakatawa. Masyado silang maligaya sa mga buhay nila. Lahat pinagkakatuwaan kahit hindi naman dapat. "Uminom na nga tayo! Shot!" si Bren sabay salin ng alak sa shot glass at abot noon sa akin. "Para sa'yo ang first shot dahil ikaw ang bagong member ng team! Welcome to the team, Rain!" anito na nagpangiti sa akin. Sunod-sunod na bumati din ang iba bukod s'yempre doon sa isang may sarili yatang mundo. Pero hindi ko naiwasang mapatingin kay Alistair na kanina pa umiinom. Umusog ng konti sa akin si Bren para bumulong. "Huwag mong pansinin 'yang idol mo. Ganyan na talaga 'yan wala na tayong magagawa," bulong ni Bren sa tainga ko nang may pilyong ngiti. Natawa tuloy ako at muling napatingin kay Alistair na masama nanaman ang tingin sa akin. Hinayaan ko na. Masasanay din siguro ako sa kasupladuhan ng isang ito. Tinungga ko ang shotglass na binigay sa akin ni Bren. Medyo napangiwi ako dahil sa tapang nito. Hindi pa naman ako masyadong sanay sa mga hard drinks. Kumukot na lang ako ng chips para medyo mabawasan ang pait sa panlasa ko. "Next," nagsalin ulit si Bren ng para naman kay Marcus. "Para sa ating bagong support," ani Marcus sabay taas ng shotglass. Tumawa ako at nagpasalamat. Gumaya din ang mga sumunod at ganoon ang ginawa pwera lang s'yempre kay Alistair pero tinanggap naman niya ang tagay sa kanya ni Bren. Huling nag-shot si Bren na siyang tanggero. "May date na ba kung kailan ang official annoucement ng pagpasok ni Rain sa team?" si Bren ang nagtanong noon kay coach. "Baka bukas na or basta this week. Pero kahit wala pang official announcement magsisimula na ang training niyo this week din. Kailangan nating maghigpit sa training ngayon. Mukhang may malalakas ding bagong member ang Alpha." Ang Alpha Esports ang masasabi kong mahigpit na katunggali ng Gladiators. Hindi ko maitatangging magagaling din talaga ang mga ito. Pero s'yempre solid Gladiators ako! Loyal ako sa team na 'to kahit noon pa man na hindi pa member si Alistair nito. Tumango si Kean. "Wala pa din silang official announcement pero sa pagkakaalam ko nakuha nila ang core ng Silent." Silent Dominator, isa din sa magagaling na team sa larangan ng Esports. Pumalpak nga lang sila nitong huling laro dahil hindi maganda ang chemistry ng kanilang support at core pero magaling din talaga sila. Hindi ko maitatanggi iyon at magaling talaga ang kanilang core. Hindi lang nakasabay sa galaw niya ang kanilang support. Nanibago siguro dahil bagong member lang din iyon that time. Kabado tuloy ako. Paano kung ako pa pala ang maging dahilan ng pagkatalo ng Gladiators? Hindi pwedeng ganyan, Sunny. Kailangan positive ka lang mag-isip. Kaya mo 'to. Hindi naman kasi sapat na magaling ka lang. Dapat talaga may chemistry ang paglalaro mo sa mga kasama mo. Hindi kayo mananalo kung hindi tutugma ang galaw niyo sa galaw ng bawat isa. Kailangan talaga kilala niyo ang galaw ng mga ka-team niyo. Kailangan kabisa niyo din kung paano sila mag-isip. Dapat talaga bugbog sa training para hindi magkaproblema sa araw ng laban. "Ang akala ko ba ang target nila ay iyong tank?" tanong ni Bren na nagsasalin ng panibagong shot para sa akin. "Umalis na ng pro-scene ang tank ng silent dominator, kaya core na lang ang kinuha nila." "Ano, papalitan nila ang core nila?" Nagkibit balikat si coach. "Yan ang hindi pa natin sigurado. Sa palagay ko may kung anong binabalak ang team ng Alpha, eh. Wala pa naman silang tini-trade na member nila kaya naisip ko din 'yang tanong mo. Imposibleng bitawan nila si Alas." Si Alas ang sikat na core ng Alpha. Isa din siya sa mahuhusay na player sa Esports community. Katulad ni Alistair, marami din ang humahanga sa kanyang mga babae dahil bukod sa mamaw maglaro ay gwapo din. Hindi pa suplado tulad ni Alistair, kaso sobrang babaero. Halos lahat na yata ng babaeng game streamer pinatos ng lalaking iyon. Akala mo mauubusan ng babae kung magpalit. Teka, baka ganoon din si Alistair, hindi lang talaga siya lantaran sa public kung makipag-date. Ang sabi ni Kean... Sumulyap ako kay Alistair na ngayon ay tahimik na nakikinig sa nagsasalita. Pinagmasdan kong maigi ang kanyang mukha. Mula sa kanyang makakapal na kilay pababa sa kanyang mga matang kulay banyaga, at sa matangos na ilong hanggang sa kanyang mapupulang mga labi. Hindi ko maiwasang mas lalong humanga sa kagwapuhan niya. Para bang sa tuwing titignan ko ang lalaking ito ay para akong naeengkanto. Tao pa ba talaga ang lalaking ito? Napaka-unfair ng mundo. Mas makapal pa ang mga pilikmata at mas mapula pa ang labi niya kaysa sa akin na babae. Siguro mas maganda pa sa akin ang isang ito kapag naging babae. Hindi naman kasi ako maganda, maputi lang. Iyon ang madalas kong marinig sa mga nagiging ex ni Silver. Na hindi naman daw ako maganda at maputi lang. Kaya iyon na nga ang tumatak sa isip ko. Pero hindi ko alam kung bakit nila sinasabi 'yon para insultuhin ako. Hindi ko naman inaagaw sa kanila ang boyfriend nila. Bata pa lang kami ni Silver magkaibigan na kami kaya madalas kaming magkasama. Saka babaero lang talaga ang isang 'yon, kaya mabilis makipag-break. Halos masamid ako sa sarili kong laway nang mahuli ako ni Alistair na nakatitig sa kanya. Agad akong nag-panic sa maaring isipin niya sa akin at sa sobrang pagkataranta ko ay nainom ko tuloy ang shot na inaabot ni Bren para kay coach. Napabaling tuloy silang lahat sa akin, nagtataka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD