Kabanata 12
S U N N Y
"Uh, pasensya na. N-Nauhaw kasi ako bigla." Nakurot ko ang sarili ko sa naging palusot ko.
Ano ba naman klaseng palusot iyon? Sino naman ang sasakay sa palusot na iyon pero mabuti na lang at hindi naman nila masyadong pinagtuunan iyon ng pansin.
Nagpatuloy sila sa kanilang pinag-uusapan kanina. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Maingat akong bumaling muli kay Alistair at nahuli ko itong nakatingin sa akin. Bahagyang umangat ang gilid ng kanyang labi na para bang nang-aasar na hindi mo maintindihan. Nag-iwas ako muli ng tingin sa kanya.
Ano 'yon? Inaasar niya ba ako kasi nahuli niyang nakatitig ako sa kanya kanina? Bakit, hindi na ba siya pwedeng tignan ngayon? Paano kung nadaanan ko lang siya ng tingin? Pwede naman 'yon, ah? Pero sa pagkakatitig ko sa kanya kanina hindi naman yata mukhang nadaanan ko lang siya ng tingin. Titig na titig pa talaga ako, eh. Nakakahiya talaga. Ano ba itong nangyayari sa akin! Bakit ba kasi ako tingin ng tingin sa kanya?
Baka isipin niya nababakla ako sa kanya. Nakakahiya baka kung ano na ang pinag-iisip niya sa akin ngayon. Hindi ko na tuloy magawang ibalik ang tingin ko sa kanya.
Ang tanga mo naman kasi, Sunny! Ano bang pumasok sa kokote mo at nagawa mo pa siyang pagmasdan ng ganoon. May pinag-uusapan sila tapos ikaw busy sa pagtitig sa supladong lalaki na ito. Ayan tuloy kung ano-anong kapalpakan ang nagagawa mo!
"Uhm, banyo lang ako," paalam ko kay Bren dahil siya naman ang pinakamalapit sa akin. Ayaw ko naman magpaalam sa iba dahil ayoko makaabala nanaman sa pinag-uusapan nila. Nakakahiya na masyado 'yon.
Tumango lang sa akin si Bren, kaya tumayo na ako at agad na umalis. Mabilis akong naglakad papasok ng bahay hanggang sa makarating ako sa kusina. Wala ng tao doon. Baka nagpapahinga na sila manang o baka umuwi na ang mga ito. Sa pagkaka-alam ko kasi hindi naman sila stay in dito sa bahay. Pero hindi pa din ako sigurado. Baka nagpapahinga lang ang mga iyon. Pero masyado pa yatang maaga para magpahinga. Baka nga umuwi na talaga ang mga iyon. Pero bakit pati ba naman iyon ay pinoproblema ko pa?
Lumapit na lang ako sa fridge para makainom ng tubig. Bigla akong inuhaw at pinapawisan sa kaba ko kanina. Hindi ko alam na nakakakaba pala kapag nahuli ka ng crush mo na tumitig sa kanya. Dati naman kasi kahit anong gawin kong pagsilay sa kanya ay hindi niya ako napapansin. Ni hindi niya nga manlang ako magawang sulyapan kahit sandali lang. Para akong invisible sa paningin niya. Kahit nasa harapan na niya ako noon ay hindi niya pa din ako nakikita. O sadyang ayaw niya lang akong pagtuunan ng pansin. Hindi ko alam kung alin doon. Baka pareho.
Nagsimula akong magsalin ng tubig sa baso pero hindi ko pa nakakalahati iyon ay may biglang pumasok na sa kusina. Halos mapatalon ako sa gulat nang mapagtanto ko kung sino ang biglang pumasok. Sa sobrang pagkataranta ko ay hindi ko na namalayan na napuno ko na pala ng tubig ang baso na hawak-hawak ko. Umapaw tuloy ang tubig at bahagyang nabasa ang pantalon ko.
"Ay!" mahinang bulalas ko sa pambabaeng boses. Agad ako napatakip sa bibig ko gamit ang kanang kamay, huli ko nang napagtanto na may hawak nga pala akong pitchel sa kanang kamay ko.
Bumagsak sa sahig ang babasaging pitchel at sumabog ang mga bubog nito sa marmol na sahig ng kitchen. Umawang ng husto ang mga labi ko sa gulat. Damn!
Ano nanaman bang kapalpakan itong ginawa mo, Sunny? Gusto kong batukan ang sarili ko sa kapalpakan ko nanamang nagawa sa harapan pa mismo ni Alistair.
Sa pagkataranta ko ay hindi na ako nakapag-isip pa ng maayos. Agad akong yumuko para subukang pulutin ang mga bubog na nagkalat sa sahig nang biglang may tumapik sa kamay ko.
"Are you out of your mind?" may iritasyon sa boses na sabi ni Alistair. Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya agad sa akin.
Saka ko lamang napagtanto ang kagagahang dapat na gagawin ko. Muntik pa akong masugatan sa mga bubog kung hindi lang ako napigilan ni Alistair agad. Oh damn! Ano ba itong nangyayari sa akin? Hindi na ako nakakapag-isip ng maayos kapag natataranta ako ng sobra. Ito ang ayaw na ayaw ko sa sarili ko, eh. Napapangunahan ako lagi ng kaba ko, kaya mas lalo lang akong pumapalpak.
"Ah..." Sinubukan kong magsalita pero hindi ko alam ang sasabihin ko.
Ugh! Ano ba, Sunny. Ayusin mo naman! Kanina ka pa pumapalpak sa harapan niya.
"Are you out of your mind, or you're just simply stupid?" Salubong ang kilay niyang sabi bago ako nilampasan para pumunta sa kung saan.
Aray ko naman! Iniligtas niya nga ako, nanlait naman. Ang sama talaga ng isang iyon. Magpapasalamat pa naman na sana ako sa kanya dahil sa ginawa niya tapos bigla niya akong sasabihan ng ganoon. Oo, aminado ako na hindi ako nag-iisip kanina pero hindi naman ako bobo. Hindi naman siguro ako makakapasok sa team na ito kung wala akong isip. Ang harsh niya talaga kahit kailan. Hindi ko alam kung ano bang masamang nagawa ko sa kanya para tratuhin niya ako ng ganito. Pero s'yempre hindi ako pwedeng basta na lang sumuko dahil lang sa simpleng bagay na ito.
Bumalik si Alistair na may dala-dalang walis at dustpan. Mabilis akong lumapit sa kanya para agawin ang mga iyon.
"Ako na ang bahala dito. Balik ka na doon. Salamat," sabi ko sa takot na baka may kung ano nanaman siyang sabihin sa akin na panlalait.
Ngunit mahigpit niyang hinawakan ang mga hawak na para bang ayaw ipaubaya sa akin ang mga iyon. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at sinalubong akong muli ng kanyang malamig na tingin. Nalukot ang mukha ko nang ilayo niya mula sa akin ang mga dala-dala at muli akong nilagpasan.
Lumapit siya sa kung saan may nabasag at nagsimula siyang magwalis ng mga bubog na nagkalat doon. Bumuntong hininga ako bago muling nagtangkang lumapit sa kanya pero agad niya akong sinulyapan ng masamang tingin.
"Ah... Ako na d'yan, Alistair," sabi ko pilit pa ding lumalapit sa kanya.
Suminghap siya at mas lalong tumalim ang tingin sa akin. Hindi ko iyon inalintana. Nagpatuloy ako sa paglapit sa kanya at sinubukang makipag-agawan sa hawak niyang walis at dustpan.
"What the hell are you doing? Just get out of here, will you?" he said, annoyed.
Well, kung naiinis siya sa akin, naiinis din ako sa kanya. Ano bang karapatan niyang basta na lang akong paalisin dito? Ako naman ang may gawa nito kaya bakit hindi na lang niya ipaubaya sa akin ang palilinis nito? Sabi nga niya kapalpakan ko ito kaya bakit hindi niya ako hayaang ayusin ang kapalpakang ginawa ko. Natatakot ba siya na baka makasira nanaman ako kapag iniwan niya ako dito? Eh di, papalitan ko kung iyon lang naman ang iniisip niya. Para lang sa ikapapanatag ng isip niya. Nakakainis talaga ang lalaking ito! Akala niya basta na lang akong magpapa-api sa kanya porque bago ako dito.
"Ako na ang bahala dito since ako naman ang nakabasag nito. Bumalik ka na lang doon," I said, a bit irritated.
"Why don't you just go back there? Baka kung ano nanamang kapalpakan ang gawin mo dito."
Wow! Sabi ko na nga ba iyon lang ang inaalala ng isang ito, eh! Napakasama talaga kahit kailan! Bakit sila Dylan hindi naman ganito ang trato sa akin? Bukod tangi lang talaga ang isang ito ang ganito sa akin.
Kumuyom ang mga palad ko. Gusto ko siyang sapakin sa totoo lang. Talagang inuubos ng lalaking ito ang pasensya ko. Sinusubukan kong maging mabait sa kanya kahit ang sama ng trato niya sa akin mula nang dumating ako dito. Tapos ganito pa ang gagawin niya?
"Huwag kang mag-alala kung makabasag man ako ulit, papalitan ko agad. Ito ding mga nabasag ko papalitan ko ito. Kung iyon lang naman ang inaalala mo."
His jaw clenched. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-usbong ng mas matinding iritasyon.
Hindi ako nagpatinag sa matalim niyang tingin sa akin. S'yempre hindi ako papatalo, ano! Hindi niya ako pwedeng basta na lang maliitin dito dahil lang bago ako at matagal na siya dito sa team na ito. Kaya ko ding makipagsabayan sa kanila kahit baguhan lang ako. At iyon ang patutunayan ko sa kanya.
Padarag niyang binitiwan ang mga hawak at saka umalis. Napairap ako ng tuluyang siyang makalabas ng kusina.
"Tsk! Suplado! Akala mo naman kung sino," mahinang sabi ko nang makasigurong nakalayo na siya sa akin.
Muli kong pinulot ang walis at dustpan na iniwan na lang niyang basta. Hindi manlang inabot ng maayos sa akin bago umalis. Talagang binitiwan niya lang at walang pasubaling naglakad paalis.
"What a jerk..." bulong-bulong ko habang winawalisan ang mga bubog na nagkalat sa sahig.
"Ang gwapo na sana kaya lang napakasama ng ugali. Mahirap bang iabot ng maayos sa akin ang mga ito?"
Iritadong-iritado na ako habang winawalisan ko ang mga bubog sa sahig.
Ilang sandali lang ay bigla namang dumating si Bren. Agad itong lumapit sa akin nang makita ang ginagawa ko.
"Anong nangyari d'yan?"
Bumaling ako sa kanya.
"Uh, nabitawan ko, kaya nabasag. Papalitan ko na lang bukas," agad na paliwanag ko.
Inagaw niya sa akin ang walis na hawak ko at siya na ang nagpatuloy sa ginagawa ko.
"Ayos lang 'yan. Aksidente lang naman. Ako na dito, balik ka na doon sa labas," aniya.
Ang bait talaga nitong si Bren kumpara sa lalaking suplado na iyon.
"Hindi na, ako na dito. Makakaabala pa ako sa'yo. Kaya ko naman gawin 'yan."
"Hinahanap ka ni coach doon. Sige na doon ka na. Ako nang bahala dito."
"Huh? Ah..." Napakagat ako sa labi ko. "Sigurado ka ba?"
Ngumiti si Bren bago tumango.
"Oo naman. Sige na. Ako na ang bahala saka hindi mo na din kailangan pang palitan ito. Hindi mo naman sinasadya, eh."
Sana ganito din kung mag-isip ang Alistair na iyon. Kaso hindi, eh. Kapalpakan para sa kanya itong mga nangyayari sa akin. Oo na, palpak na ako pero kailangan niya ba talagang magsalita ng ganoon? Napaka sama niyang magsalita! Hindi ko matanggap ang sinabi niya kanina na ayaw niyang ipaubaya sa akin mag-isa ang pagliligpit nito dahil baka pumalpak nanaman ako. Grabe, hindi ako makapaniwalang nasasabi niya iyon sa akin ng diretso. Hindi manlang yata siya nagdalawang isip na sabihin ang mga salitang iyon. Normal na ba sa kanyang magsalita ng ganoon. Pang-unang araw ko pa lang ito dito, ah, pero ganoon na agad ang trato niya sa akin.
"Ah, sabay na lang tayong bumalik. Nakakahiya talaga kung iiwan na lang kita basta dito," sabi ko.
"Sandali lang naman ito, sige na bumalik ka na doon. May sasabihin yata si coach sa'yo."
Kahit nag-aalilangan pa ay sinunod ko na lang ang gusto ni Bren at lumabas nang muli. Ayoko sana siyang iwan doon dahil kagagawan ko naman iyon. Naka-istorbo pa ako sa tao.
Paglabas ko ay agad akong pinaupo ni coach sa tabi niya. Wala naman siyang importanteng sinabi. Binigyan niya lang ako ng ilang paalala, at tinalakay na din niya sa akin ang mga rules dito sa bootcamp na kailangang kong sundin. Alam ko na 'yong ibang rules pero hindi naman lahat alam ko. Hindi naman kasi lahat ng rules sa bahay na ito ay nababanggit ng mga players sa live nila. Oo, madalas akong magbabad sa panonood ng mga live stream ng Gladiators dahil minsan lang naman sila mag-live. Si Bren lang ang madalas mag-live sa kanila. Siguro dahil sa girlfriend niya dati na streamer. Sabay sila lagi mag-live, eh. Ang sweet nga nila sa mga live stream nila, eh. Kaya sobrang laki ng panghihinayang ko noong nabalitaan kong hiwalay na sila. Akala ko pa naman sila na talaga hanggang dulo.
Habang pinapakinggan ko ang sinasabi ni coach Ry ay hindi ko naiwasang mapasulyap sa direksyon ni Alistair. Tahiimik lang ito sa pwesto niya habang nakikinig sa usapan no'ng tatlo. Ngumuso ako at muling ibinalik ang buong atensyon kay coach Ryan na siyang katabi ko.
Napansin niya yatang napatingin ako kay Alistair kaya napunta dito ang sinasabi niya.
"Sigurado ka bang ayos lang sa'yo na si Alistair ang kasama mo sa kwarto?" tanong nito na agad kong tinanguan.
Wala naman akong magagawa kung ayaw sa akin ni Alistair sa ngayon. Karapatan naman niyang ayawan ang isang tao kung gusto niya at wala akong magagawa doon. Kung ayaw niya sa akin sa ngayon, eh di, hahayaan ko siya. For sure naman magbabago din ang isip niya balang-araw.
"Oo naman, coach." Bahagya akong ngumiti para ipakitang sincere ako sa naging sagot ko.
Tumango si coach Ry.
"Huwag kang mag-alala, ganyan lang talaga ang isang 'yan pero mabait naman 'yan. Saka makakasundo mo din 'yan. Kung si Dylan nga na loko nakasundo niyan, ikaw pa kaya. Hayaan mo, ngayon lang 'yan. Pagbigyan mo na. Sapakin mo na lang kapag sobra na." Tumawa si coach sa sariling sinabi, kaya natawa na din tuloy ako. Ibang klase din 'tong si coach, eh, tinuturuan pa akong makipagbasag-ulo.
Mabait daw? Sa bagay niligtas niya ako kanina. Kung hindi niya ako pinigilan kanina sa pagdampot ng mga bubog baka sugat-sugat na ang mga kamay ko ngayon. Kahit papaano ay may kabutihan din palang natitira sa lalaking iyon. Akala ko puro pagsusungit lang ang alam niyang gawin. Pero sa tingin ko lahat naman ng tao may kabutihang itinatago sa loob. Wala naman sigurong tao ang puro kasamaan lang ang alam. Naniniwala akong lahat ng tao ay may itinatagong kabutihan.
"Saka kung may kailangan ka, huwag kang mahihiyang magsabi sa akin o kaya sa mga kasama mo. Pati na din kina manang. Tulungan tayo dito. Kaya huwag ka sanang maiilang magsabi kapag may problema ka o kaya may kailangan ka. Lalo na sa akin s'yempre."
Ngumiti ako.
"Salamat, coach. Huwag kayong mag-alala, makaka-asa kayong susundin ko lahat ng sinabi niyo. Matagal ko na talagang pangarap ang makapasok sa team na ito kaya hindi ko sasayangin ang oportunidad na ito. Maraming salamat, coach. Alam ko na isa talaga kayo sa pumili sa aking makapasok dito. Kung hindi dahil sa inyo hindi matutupad ang isa sa mga pangarap ko lang noon. Kaya maraming salamat talaga, coach Ry. Hindi ko alam kung paano ko kayo mapapasalamatan ng sobra. Napakalaking bagay talaga sa aking makapasok sa team na ito, coach. Sa tingin ko hindi sapat ang salamat lang para pasalamatan kayo sa pagbibigay sa akin ng chance na matupad ang pangarap ko. Huwag kayong mag-alala, hindi ko kayo bibiguin. Patutunayan kong hindi kayo nagkamaling pinili niyo akong mapabilang sa team na ito. Makaka-asa kang gagawin ko ang lahat para mapatunayan sa inyo na deserving akong mapabilang sa team na ito. Maraming salamat po talaga, coach." Kulang na lang yakapin ko na si coach sa sobrang saya ko. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na parte na ako ng team na ito, na dati ay pinapangarap ko lang.
Ang sarap-sarap lang sa pakiramdam. Para pa din akong nananaginip lang.
"Hindi mo ako kailangang pasalamatan. Pinili kita kasi nakita ko ang potential mo. Magaling ka at sa tingin ko kaya mong sabayan ang laro ng team ko. At sana nga hindi ako nagkamali sa bagay na iyon. Tandaan mo, Rain, hindi sapat ang magaling lang. Dapat marunong kang sumabay sa mga kasama mo, dahil kung hindi... alam mo naman na siguro ang kahahantungan noon. Panglimahan ang laro, hindi pang-isahan lang. Hindi lang ang sarili mo lagi ang iisipin mo. Think about your teammates too. Lalo na at support ka pa naman. Siguro naman alam mo na 'yan at hindi ko na kailangan pang ipaliwanag ng husto sa'yo ang tungkol sa bagay na 'yan," ani coach sa mas seryosong tono.
Agad akong tumango ng sunod-sunod.
"Yes, coach! Salamat po ulit! Pagbubutihan ko po talaga!"