Chapter 10

1203 Words
Amilia's POV. "Amilia Selene Torres!" sigaw ni Alice sakin. Nagtakip ako ng unan sa mukha ko. Pansin nyo naman kung gaano kabungangera yang kaibigan ko diba? "Hindi mo to bahay! Umuwi ka dun sa bahay mo kung di ka babangon dyan ngayon mismo!" sigaw nito. Napilitan naman akong tumayo at sumimangot sa kanya. Nandito ako ngayon sa bahay nya at guess what 9pm na! Diba may usapan kami ni Dylan na pupunta ako ng 5? Well, kinain na ko ng kaba at sobrang natakot na sa papasukin ko. Hindi ako nakapunta at ngayon? Nagtatago ako sa bahay ni Alice, dahil alam kong alam ni Dylan na nandoon lang ako. "Oh ano? Gaganyan ka na lang! Hoy Amilia, naku madi disappoint sayo si tito nyan! Ito na, chance mo na to diba?" pagpapatuloy ng sermon ni Alice. "Chance? Saan ang chance doon?" bored kong sagot sa kanya. "Pakakasalan ka na nya. My goodness! Nung kinuwento mo sakin kagabi yun, hindi talaga ako dapat maniniwala, aside sa mabigat sa kalooban ko dahil love of my life ko si Dylan, hindi kasi kapani-paniwala. Pero you told me, sinaktan mo sya! Don't you think it's time for you to make up?" "Alice, hindi kasi ganun kadali yun. Hindi, ganoon katanga si Kasper para patawarin agad ako" sabi ko. Huminga ako ng malalim. "Then explain everything to him! For sure, maiintindihan ka nun!" "He won't! Kahit ako, alam ko mismo na mali yung ginawa ko. Pinairal ko yung pride ko, dapat lumapit na lang ako sa pamilya nya and hindi nagpadala sa impaktang Natalia na yun pero wala na nandito na" "Naku Mia, masisiraan ako ng bait sayo! Ano? May gig ako sa bar ko ngayon. Pano ka?" nakataas kilay na taong sakin ni Alice. "Eh di magtatrabaho. Ano pa ba? Sige na mag ayos ka na. Malamang madami ng customer don!" tumayo na ko at tinulak si Alice papasok sa banyo nya. Nakakarindi kaya ang pangse sermon nyan. Pasado alas dose na, pero gising na gising pa din ang bar ni Alice. Tambayan din kasi to ng mga popular na artista. Humikab ako, baka pumunta sa panibagong table na lilinisin ko. Hanggang 4am lang naman ang bar, malapit na kong makapagpahinga. Physically, mentally, and emotional drained na ako. "Mia, pa serve naman to" tawag sakin ni Angela, bartender namin. Lumapit ako sa counter at akmang bubuhatin ko na yung tray ng makaramdam ako ng pagkahilo. Nabagsak ko ang tray dahilan para mabasag ang basong naglalaman ng alak. Natigilan ang mga tao sa party at nagtinginan sakin pero mga ilang segundo lang ay ibinalik na nila ang tuon nila sa pagpa party. Napakapit ako sa counter dahil ramdam ko na masama na ang pakiramdam ko. Hindi din kasi ako nakatulog ng maayos buong magdamag. "What happened? Mia! Okay ka lang?" nag aalalang tanong sakin ni Alice ng makalapit sya. "Guys, pakilinis naman to" utos ni Alice sa mga co-waiter ko. "Hoy Mia!" "Ha?" wala sa sariling tanong ko. "Okay ka lang ba?" lumapit sakin si Alice. "Nilalagnat ka! Maupo ka nga muna" Inalalayan ako nila Alice na makaupo sa dulong couch. "Kaya mo bang maghintay hanggang makauwi tayo?" tanong ni Alice sakin. "Tsk, kaya ko to. Sige na, asikasuhin mo na ang customers mo. Masama lang pakiramdam ko, magpapahinga lang ako" sabi ko. Tiningnan ako ni Alice na para bang chinicheck kung nagsasabi ako ng totoo o hindi kaya hinawakan ko na yung kamay nya at pilit syang pinatayo dahil may mga VVIP syang guests. Sinandal ko yung ulo ko sa couch dahil nahihilo na talaga ako. Dapat talaga hindi ko masyadong inisip si Kasper buong gabi. Pumikit ako dahil parang gusto ng katawan kong matulog. Nagising ako ng may magsalita sa harapan ko. "Hey!" sigaw nito, nung magdilat ang mata ko ay nagulat ako ng bigla akong hilahin patayo nito at walang sabi sabing kaladkarin ako. Napahawak ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko ay madudurog to sa sobrang hilo ko. Ramdam ko din na unti-unting nauubos ang energy ko at parang anytime ay babagsak ako. Bumalot ang lamig sa buong katawan ko ng mailabas ako ng bastos na to. "S-sino ka ba?! Bakit bigla-bigla kang nanghihila! Hindi ka ba tinuruan ng good manners and right conduct?!" hindi ko alam pero kahit masama ang pakiramdam ko ay nagagawa ko pang sigawan to. Nakatalikod kasi sya sakin. Marahas nyang binitawan ang kamay ko. Humarap sya sakin atsaka tinanggal ang hood na nasa ulo nya. I felt my heart started to pound so hard. Hindi ko alam kung dahil ba sa excitement na makita sya or dahil sa kaba na dulot ng masama nyang titig sakin. "Kasper" tawag ko dito. "How many times do I have to tell you that don't call me by that name! My name is Dylan! And you lost your chance to call me that after what happened" sigaw nya. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Pinagpapawisan na ko ng malamig. "Pasensya na" I told him at yumuko na. Nakakatakot yung Dylan na kaharap ko. Napakalayo nya nung high school kami. "It's been 9 years and you're still the same liar and user I met!" sigaw nito sakin. Nag init ang sulok ng mga mata ko. I am at the verge of crying pero pinipigilan ko ang sarili ko. "Didn't I tell you to go and see me by 5pm?! Don't tell me you forgot! Lahat na lang ba Mia, gagawin mo para lokohin ako? How long would you be disappointing me?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagbagsakan na ang luha ko. "You don't get it Dylan, hindi mo ko maintindihan- "Hindi talaga kita maintindihan! You said you are okay with the agreement of you marrying me. You even told me some lame drama speech na napulot mo kung saang teleserye and yet you dare not to show up?!" Lame drama speech? Akala ba nya nagsisinungaling ako? "Kaya hindi ako pumunta dahil alam ko naman ang mangyayari kapag nagpakasal ako sayo, alam kong pakakasalan mo lang ako para makaganti ka" "You know you deserve it" "Yes! I do know that! Pero bakit hindi ka kasi muna makinig sa explanation ko, bakit hindi na lang kasi tayo magsimula ng panibago" "I can't do that" "Then atleast, Listen to my explanation!" "I don't need your explanation! Alam ko Mia, na kaya mo ko iniwan is dahil kailangan mo ng pera pampapagamot sa dad mo. And that destroyed me even more before! You sacrificed me for money! You didn't trust me, enough! I wonder kung minahal mo ba talaga ako that time, or ginusto mo lang ako dahil sa mayaman kami" Galit na galit na ang itsura ni Dylan. Nasaktan ako sa sinabi nya. Hindi nya ba naramdaman kung gaano ko sya kamahal noong kami pa. Masyado na bang natabunan yun ng sakit na binigay ko sa kanya? "Hindi- "What? Sasabihin mo mali ako. I'm so tired of this Mia! I am not the same stupid Kasper you met 9 years ago! And remember what I told you the night you broke up with me?" "Natatandaan ko. Sabi mo, I don't deserve you, na pagbabayaran ko lahat ng pagmamahal na binigay mo" pinunasan ko ang luhang patuloy na naglalandas sa pisngi ko. "Well then, start paying" "Dylan" "You are marrying me Amilia Selene, and I don't care if I should make your life a living hell unless you pay for what you did" Sasagot na sana ako ng maramdaman kong dumilim ang paningin ko at unti-unti na kong nawalan ng balanse. At least one thing is for sure, Galit man si Dylan. He did catch me. -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD