Amilia's POV.
"Don't you think na it's your responsibility to make sure that she is okay?"
"Hindi naman sa ganon Dylan, masyadong maraming tao sa bar, isa pa ayaw pa naman umuwi ni Mia. Hindi ko naman akalain na aabot sa puntong hihimatayin sya"
Hindi ko pa ganap na maidilat ang mata ko, para bang ang bigat bigat nun pero naririnig ko ang boses ni Alice at ni Kasper para bang nagtatalo sila.
"That's my point! Nothing bad should happen to her until we get married! I will be the one who'll make her suffer not anyone else, you understand?" Dylan
"Sobra naman yun Dylan! Tao pa rin si Mia, alam mo namang hindi ka nya gustong iwan talaga noon. Isa pa, bata pa kayo non" Alice.
"I don't care. She is never going to that bar again. Your name is Alice right? You better pray na pumayag yung kaibigan mo sa mga gusto ko, kung hindi madadamay ka din" Dylan.
Sa wakas nadilat ko ang mata ko. Sobrang natatakot ako sa tono ng boses ni Dylan, ibang iba na sya.
Sumalubong sakin ang puting kwarto na ubod ng linis. What to expect may pagka OC naman talaga si Dylan ever since.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan kaya bumiglang pikit ako. Ramdam ko ang bawat hakbang na papalapit sakin. Napakatahimik ng kwarto kaya natatakot ako na marinig nya ang malakas na kabog ng dibdib ko.
Without opening my eyes, alam na alam kong si Kasper ang pumasok sa kwarto kung nasaan ako. Naramdaman kong umupo sya sa kama, kaya halos mapigil ko ang paghinga.
"Hey, gumising ka. I know you're awake. I caught you" bored nyang sabi.
Nahuli nya ko?
Dahan dahan akong dumilat. I tried to smile kahit pa nakakunot ang noo nya.
Triny kong bumangon. Itinukod ko ang siko ko. I was about to sit down pero dahil nga sobrang nanghihina ako ay nawalan ulit ako ng balanse.
Nagulat ako ng mabilis akong saluhin ni Kasper at nadukdok yung ilong ko sa fully built nyang katawan.
My god, no wonder ang dami ng patay na patay sa kanya.
"Mia, stand up. Ang bigat mo kaya" utos nya sakin kaya kahit nag e enjoy pa ko este ay nanghihina pala.
Tinulungan nya kong umupo. Sumandal ako sa headboard ng kama.
"Kwarto mo to?" tanong nya.
"Why?" tumingin sya sakin and mga kapatid, ang gwapo nya na talaga. "Why are you asking?"
"Wala, curious lang. Ang linis kasi sobra" sagot ko.
"Well, this is not my room. Okay? I answered your question already. By the way, I have your friend Alice, waiting for you" sagot nito sakin.
"Talaga?" pagkukunyari ko kahit naman narinig ko na ang boses ni Alice. "Pwede ba syang makausap?"
"Sure, I'm sure your friend, have a lot to say to you, isa pa, she needs your help Mia" pagkasabi nun ni Kasper ay nakaramdam ako ng kaba. Tumayo sya ng kama at walang sabi-sabing lumabas ng kwarto.
What does he mean?
Maya-maya ay bumukas ulit ang pinto but this time si Alice na ang pumasok.
"Wala ka bang tulog? Bakit ganyan ang mata mo?" tanong ko dito.
Alice, sat down quietly beside me.
"You're creeping me out Alicia, bakit ang tahimik mo?!" nag aalala kong tanong.
Nagulat ako ng itapat nya ang kamay nya sa noo ko.
"May sinat ka pa" yun ang una nyang sinabi sakin. "Mia" nagulat ako ng hawakan nya ang dalawang kamay ko.
"Teka bakit ka ba umiiyak?" mas lalo akong nag alala ng magbagsakan ang luha ni Alice. Hindi iyaking tao si Alice, napaka tapang nya kaya for sure, seryoso ito.
Pinunasan nya ang mga luha nya at tumingin ng diretso sa mata ko.
"I need your help Mia, tulungan mo ko. Mawawala ang bar ko at makukulong pa ko"
"What?!" hindi masyadong ma absorb ng utak ko yung sinasabi nya. "Bakit naman mawawala ang bar sayo at makukulong ka? At bakit sa akin ka humihingi ng tulong?
"Kagabi kasi may nangyaring random inspection sa bar pagka alis nyo. May nahuli silang nagti take ng drugs sa bar, akala nila nagsu supply ako, which is not true! Mia, ikukulong ako at kung hindi man habang buhay ng masasarado ang bar ko" Alice
"Alice, wag ka ng umiyak" sabi ko. Niyakap ko sya at pinakalma. Nung makita kong tumigil na sya sa paghikbi ay bumitaw na ko sa pagkakayakap.
"Mia, tulungan mo ko. Only Dylan could help me, he called me last night to inform na nawalan ka ng malay. Nalaman nya din yung nangyari sa bar and he offered to fix everything in one condition. Yun ay kung magpapakasal ka sa kanya" Alice.
I knew it, hindi ko talaga mauutakan si Dylan.
Niyakap ko si Alice.
"Mia, actually habang nagpapahinga ka, nag aalangan ako dahil napaka selfish ko kung ganoon. Pero kung ayaw mo talaga syang pakasalan. Ayos lang. Maiintindihan ko" dagdag pa ni Alice. Bumitaw sya at tiningnan ako.
"Ano ka ba Alice? Wag kang mag alala. Magpapakasal naman talaga ako, I just need some time to think, isa pa hindi lang naman bar mo ang nakataya dito, pati bahay ko. Kaya wag mo ng isipin yun" sabi ko.
"Mia, salamat"
"Ang cringy, hindi ako sanay na ganyan ka" sabi ko.
"Ako din. Pero, on a serious note Mia, hindi magiging madali ang lahat with Dylan"
"I know, deserve ko naman talaga ito, I don't know why pero tinamaan na naman ako ng pagka duwag ko yesterday. What am I thinking?" sabi ko.
"Ayos ka lang ba sa ganoong set up? Alam mong hindi magiging madali ang lahat lalo na pagka Mrs. Pendleton ka na"
"I know, pero hindi ko pa alam kung ano talagang plano ni Dylan but whatever it is, I should bear it until the end. Panahon naman para bumawi ako sa kanya, sa tingin ko naman kapag naramdaman nyang sincere ako, maayos ang lahat at malay natin baka mag work out ang marriage na to, after all first girlfriend and boyfriend namin ang isa't isa"
"Tama, fighting lang Mia, nandito lang ako para sayo kahit nakakainggit dahil soon Mrs. Amilia Selene Pendleton ka na, wife of the very well known Dylan Kasper Pendleton" pinagsaklop pa ni Alice ang dalawang kamay nya na akala mo ay amaze na amaze sa pangyayari.
"Baliw ka talaga" sabi ko.
We heard 3 knocks and then pumasok si Dylan.
"I need to cut whatever conversation you have, pero limitado ang oras ko at para maayos ang problema sa bar mo Alice. I need your decision Mia"
I looked at Alice, she gave me a sweet smile, I smiled back and then binaling ko ang tingin ko kay Kasper.
"I already made the decision Dylan. Sinabi ko namang papakasalan kita diba? I just needed the time to absorb everything, alam ko naman how powerful you are. So let's get married"
"Good then, Alice let's go, I will help you settle whatever chaos you have. And you, magpahinga ka. I'll be back and we have to go somewhere" sabi nito.
Tumango na lang ako, hindi na kong nag abalang magtanong, baka magpi prepare kami for the wedding.
Alice gave a peck on my cheek and bid goodbye before going out the door.
"Don't ever think of escaping. I told you, you can't get away from me" Dylan.
"I know Dylan, okay. Masusunod lahat ng gusto mo" walang gana kong sagot sa kanya.
May sasabihin pa sana sya kaso tumalikod na lang sya. Dahan dahan na lang akong humiga sa kama.
Hindi ko alam na nakatulog pala ako. Nagising na lang ako sa mahinang tapik sakin. Sumalubong sakin ang isang babaeng sa tingin ko ay nasa edad 30+ na.
"Hoy, gising na" sabi nito sakin.
Thank goodness, I am feeling a lot better than earlier. Nagawa kong makaupo.
"Sino po kayo?" tanong ko.
"I'm Grace, ngayong kilala mo na ko. Pwede bang tumayo ka na dyan dahil kailangan mo pang mag ayos" rude nitong utos sakin.
Gusto ko man syang patulan ay pinigilan ko ang sarili ko. Kahit papano naman, marunong akong gumalang sa mas matanda sakin.
"Here" paghagis nito sakin ng paperbag. "Mag ayos ka na dahil isiningit lang ito sa schedule ni Dylan. Pwede pakibilisan!"
Tumayo na lang ako at kahit hindi ko alam kung nasaan ang banyo dito ay hahanapin ko talaga wag lang akong mag stay ng another 5 minutes kasama ang babaeng to dahil baka masagot ko sya.
"I don't know what stupidity hit Dylan to do this!" narinig kong bulong nya. Inignore ko na lang sya at buti na lang yung pintong nabuksan ko ay banyo. Pumasok na agad ako doon at inayos ang sarili ko.
Laman ng paperbag ay isang white dress at white stiletto. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pinasuot sakin pero maganda at sukat naman sakin, kaya okay na.
Pag labas ko ay nakataas ang kilay na sumalubong sakin ni Ms. Grace.
"Poor taste! Hindi ko alam, nababaliw na talaga si Dylan" patuloy pa nitong pagsasalita.
"Teka, ano po bang sinasabi nyo? Hindi ko po kasi maintindihan kung bakit naiinis kayo" hindi ko na napigilang magsalita.
"Ang dami mong tanong, sumunod ka na lang sakin. Para sa amin, ginto ang oras, unlike you na mahirap, you have all the time for leisure!"
Sasagot na sana ako kaso tumalikod sya kaya wala akong nagawa kundi sundan sya. Bumaba kami sa ground floor, 2 floor lang pala ang bahay ni Kasper at napakaganda nito.
Pag labas namin ay nakita kong may naka park na Jaguar na kotse. Nagbaba yung salamin nun at bumungad si Kasper. Naka polo ito.
"Get in" utos nito. Nagtataka ako kung sino sa amin. Ako ba or si Ms. Grace?
"Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig si Dylan?!" pagtataray naman ni Ms. Minchin este Grace pala.
Wala akong nagawa kung hindi umikot at sumakay sa shotgun seat.
Pagpasok pa lang ng kotse, grabe! Amoy Kasper na!
"Thank you manager, I owe you one" malambing na sabi ni Kasper kay Ms. Grace. So, manager nya pala. TEKA! Bakit ang bait nya dito?
"Naku Dylan, pwede ka pang mag back out! Itigil mo na to, that woman will do you no good!"
Nakaramdam ako ng panliliit dahil sa sinabi ni Ms. Grace sakin. Yes! Mahirap at sinaktan ko si Kasper pero sobra naman yatang pantatapak na sa pagkatao ko ang sinasabi nya.
"Manager" yun lang ang sinabi ni Dylan bago nya sinarado ang bintana ng kotse at nag drive na.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta, nawalan ako ng gana magsalita.
Iba na si Kasper.
Iba na ang mga taong kasama nya.
Iba na rin ang mundo nya.
Would I ever fit here?
"We're here. Mauna ka ng bumaba, pumasok ka straight sa building na yan and then go to the 16th floor" utos nya sakin.
"Ako lang? Pero bakit?"
"Are you crazy?! Baka may makakita satin. Go!" asar nitong sabi sakin. Nakita kong nagsuot na sya ng shades at cap.
Bumaba na ako ng sasakyan nya gaya ng utos nya, pumasok ako sa mataas na building na ito and rode the elevator alone.
Pagdating ko sa 16th floor ay isang office lang ang nandito.
"Amilia?" nagulat ako ng may lumabas na lalaki sa kung saan. Nasa mid 40's na siguro sya.
"Ako nga po" sagot ko.
"Follow me hija, I am Judge Del Mundo" pagpapakilala nya. He offered a shakehand which I accepted.
Sumunod ako sa kanya. Pinaupo nya ako sa tapat ng isang table, and may mga nilapag syang papeles.
"I need your signature, in all the papers na may mark. Pinapa pirmahan ni Dylan yan lahat"
"Okay" walang gana kong sagot. Nasaan na ba si Dylan? Akala ko pa naman magpi prepare kami para sa kasal namin.
Tiningnan ko yung mga papel, pero dahil medyo masakit pa ang ulo ko pakiramdam ko ay hindi ko maintindihan ang mga nakasulat doon kaya pinirmahan ko na lang lahat.
Marami-rami din akong pinirmahan at mga ilang sandali lang ay pumasok na si Dylan. He's with someone na lalaki din. Tinanggal nya ang sumbrero at salamin nya.
May pinapirmahan din doon sa lalaking kasama ni Dylan. Na confused ako sobra.
"Sir, napirmahan ko na po lahat" sabi nung lalaki.
"Okay, you can go now. Thanks" pagkasabi nun ni Dylan ay lumabas na agad yung lalaki. "Okay na ba lahat?" tanong ni Dylan. Lumapit sya sa mga papel na kanina ay pinipirmahan ko. "Napirmahan ko naman na lahat dito diba?"
"Yes Dylan, ako ng bahala sa lahat"
"Great" Dylan responded and handed him back the papers.
"Amilia, pwedeng tumayo ka hija?" tanong sakin ni Judge.
Tumayo naman agad ako.
"By the power vested upon me, I, Judge Del Mundo. Pronounce you Amilia Selene Torres and Dylan Kasper Pendleton as husband and wife. Effective as of April 05, ****"
"What?!" hindi ko napigilang itanong.
"Are you being stupid? Kasal na tayo" bored na sagot ni Dylan.
"Mauuna na ko sa inyo Dylan, aasikasuhin ko pa ang lahat" pagpapalaam ni Judge.
Pagkalabas nya ay hinarap ko agad si Dylan.
"Wait, ganun lang yon? Is that what you call wedding?" naiinis kong tanong dito.
"Yes, and for someone like you Mia, it is more than enough. Nagsisimula pa lang lahat. Don't tell me, susuko ka na?" tanong nya.
Napalunok ako. He's trying me!
"I won't!" malakas na loob kong sagot ko.
"Isa pa Mia, walang nakakaalam na pinakasalan kita. Iilang tao lang ang may alam, so you better keep your mouth shut" Dylan.
"That is absurd! Bakit mo pa ko pinakasalan?!" I really sound like a wife now.
"So that you won't get away that easily! Naiintindihan mo ba Mia? Not because we're married now, you'll have the right to interfere in my decision, especially in my life. No! Ako ang masusunod at ang tanging gagawin mo lang is to listen and follow. You are indebted to me, and until you have paid off all of your sins, you are going to suffer"
Pakiramdam ko ay maiiyak ako. Huminga ako ng malalim bago dahan-dahang tumango.
"Simula sa araw na to, you'll be my secretary, personal assistand, maid, whatever I want. So kailangan kong pumunta sa opisina. Tara na" pagkasabi nya nun ay tumalikod na sya.
I felt like I wanna cry pero pinigil ko ang sarili ko.
Nag uumpisa pa lang Mia,
Umpisa pa lang. Wag mo syang susukuan! You are born fighter.
Pagpasok namin sa sasakyan ay inabot nya sakin ang mga papel.
"This are my schedules and the things you need to do. You should call me Sir Dylan kapag nasa office or may photoshoot. Wag kang makikielam ng anything personal sakin kung ayaw mong malagot" sabi nito. He looked at me.
"What?" tanong ko.
"Wala kang sasabihin?" tanong nya.
"Meron ba dapat? I told you, you're the boss. Sabi mo nga diba, susunod lang ako. I get your point Dylan, if this is your way on how you can hurt me, go ahead"
"Don't act as if you're really hurt, drop the mask Mia, I know you better" galit nyang sabi.
"Nasasaktan ako Kasper" yun lang ang nasabi ko. Nagulat ako ng hawakan ako ng marahas ni Kasper sa panga. "Ano ba?!"
"I told you didn't I? Sabi ko wag mo kong tatawagin sa pangalang yun. Ulitin mo pa at talagang masasaktan ka sakin" sabi nya at marahas akong binitawan.
Sobrang natakot ako. I touched my jaw, nasaktan ako. I can even see na namumula yung part na hinawakan nya which is close to my mouth.
"Naiintidihan mo ba ko Mia?!" galit nyang tanong.
Napaigtad ako sa gulat.
"Oo, I'm sorry" yun na lang ang sinabi ko at tumingin sa mga papeles na nasa legs ko.
Nag drive na sya.
Wow! What a wedding! Mula bata ako pinangarap ko ng makasal sa simbahan and now, ayoko na lang isipin.
Pinark nya ang kotse nya sa main branch ng Pendleton Bank. Ang main hours na pwedeng pumunta ang mga tao dito sa pagkakaalam ko ay 8am to 12noon lang. Pagkatapos nun bawal na, dahil puro empleyado na lang ang nandito.
Lumabas agad si Dylan ng kotse at pumasok sa loob ng PB. Nagmamadali naman akong sumunod sa kanya pero dahil nga sa mga papel na to, na pilit na nahuhulog ay naiwan nya na ko.
Hindi ako hinarang nung guard pagpasok kaya nagtuloy tuloy ako sa lobby. Hindi ko na makita si Dylan kaya mas binilisan ko ang paglalakad.
Pero kamalasan talaga is dumulas ako at alam kong babagsak na ko sa lapag pero I felt an arm catch me.
Pag dilat ko ng mata is
"Jace!" tawag ko dito. He smiled at me.
"Glad, I caught you" sabi nito. Inalalayan nya kong tumayo. Pinulot nya din ang mga papel. Lalakad na sana ako ng maramdaman ko ang pananakit ng paa ko.
"Ouch" I said.
"Na sprain ata ang paa mo, naka heels ka pa kasi" sabi ni Jace. Tumayo na sya at inalalayan nya ko. Medyo na awkward ako ng maramdaman ko yung braso nya sa bewang ko.
Alam ko namang walang meaning yun pero my goodness hindi ako sanay.
"By the way, ano palang ginagawa mo dito? Tapos na ang client hours" Jace. Inaaalalayan nya ko and papalapit na kami sa couch dito
Malapit na kami ng when someone pulled me away from Jace with full force. Pagkahatak nya ay tumama ang katawan ko sa katawan nya pero parang balewala lang yun dito.
I looked at to see
Dylan
And he just gave me a terrifying look.
"Sir Dylan, good evening po" bati ni Jace. His giving a confused look, wondering siguro kung bakit ako hinila ng boss nya.
Mabilis akong humiwalay. Diba sabi nya bawal malaman ng iba na kasal kami?
"Sir, sorry. Na sprained ako kaya tinulungan ako ni Jace" sabi ko na lang.
"Pasensya na po talaga sir, inalalayan ko lang si Mia, I know you don't tolerate PDA here, alam kong forbidden po yun pero wala po kaming ginagawa" Jace.
What? Forbidden ang PDA dito?
Ganun ba ka bitter tong si Kasper?
"Jace?" tiningnan ako ni Dylan. "Did you just call him Jace? You know each other?"
I bit my lip at tumango.
"Yes sir, actually kahit second time pa lang namin magkita ulit, para bang close na close kami. Kaya nga sabi ko dito kay Mia, dito na sya magtrabaho para lagi kaming magkasama, diba-"
"Stop!" ma awtoridad na utos ni Dylan kay Jace. "Do you like her?"
Grabe ang kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay walang magandang patutunguhan ang pag uusap nila. Buti na lang tapos na ang client hours. Lahat naman ng empleyado ay nasa kanya kanya nilang opisina so wala pang nakakakita samin.
"Ano ka ba Dylan, imposible yun"
"Shut up Amilia Selene!" sigaw nito sakin.
"To be honest sir, oo gustong-gusto ko si Mia, unang beses pa lang, she already captured my heart, pasensya na Mia, magko confess na agad ako-
*Booogsssh*
"Dylan!"
Nagulat ako ng biglang sapakin ni Dylan si Jace.
"You! You have no rights to like her, and don't ever lay your hands off my wife again! Do you understand? You can't like her, she's married. I owned her" galit na sabi ni Dylan.
Jaw dropped.
Kahit si Jace ay nagulat.
Walang sabi sabi akong hinila ni Dylan.
"Uuwi na tayo and you'll be punished for this!" galit nitong sabi.
Ano na naman bang ginawa ko?
He's really mad.
Dead end ko na ba to?