Amilia's POV.
"Waaaah ang ganda!" namamanghang sabi ni Alice, same reaction I had ng una ko din itong makita. This is Dylan's surprise to me, my very own walk in closet. "Para ka na ding artista" kinikilig nya pang sabi kaya napatawa ako. "At lahat branded! Magkano kaya to? Pwede ko bang ibenta yung mga di mo naman gagamitin?"
Binatukan ko sya.
"Gusto mong kainin ka ng buhay ni Dylan? Alam mo naman yun" sabi ko.
"Yeah, sungit nun sobra! Pero buti na lang mabait na sya sayo, so kelan nyo balak magka baby?" taklesang tanong ng babaeng to, hindi na ko nagsalita at sinamaan na lang sya ng tingin. Nag peace sign naman sya sakin.
Muli ay tiningnan ko ang kabuuan ng walk in closet ko, feeling ko kahit isang buong taon ay hindi ko pa mauulit yung susuotin kong damit ngayon sa dami nito. Mukha tuloy itong department store.
Wala pa si Dylan dahil may inaasikaso pa ito sa PB ngayon kaya naman halos buong araw na akong ginagambala ni Alice, pero ayos lang namiss ko din naman sya.
"Mia! Grabe namiss ko yung luto mo, iwan mo na kaya si Dylan? Uwi ka na ulit sa bahay mo" sabi ni Alice, kakatapos lang namin kumain ng hapunan at nasa salas kami ngayon at ang babae kung makahiga sa couch akala mo sa kanya, feel at home kumbaga.
"No. Hindi ko iiwanan ang honey ko" sabi ko habang umiiling iling pa.
"Wow, maka honey, alam ba yan ni Dylan the monster, este the yummy, ay the handsome na lang pala" sabi nya.
"Tsk, you really know how to ruin the mood" sabi ko at inirapan sya.
Malakas lang ang loob ko na tawagin syang honey kapag wala na sya, nahihiya pa din ako kahit pa gusto ko sya kailangan as much as possible wag nyang mahahalata iyon.
"What? I'm just saying the truth, ano ka ba Mia? Sabihin mo na kasi sa kanya yang feelings mo, wag ka ng maarte" pang iinis pa nito bago kumuha ng dried mango at maarteng kinain iyon.
"Eh kung ipakaladkad kaya kita dyan kay Victor pauwi?" pang iinis ko.
"Joke lang, ikaw naman friend" sabi nya.
"Victor pakihatid at paki secure na makakauwi ng ligtas yang babaeng lukaret na yan" sabi ko.
"Hoy, maganda lang ako pero hindi ako takas ng mental?" pag depensa ni Alice.
Tumawa na lang ako.
"Ingat ka, magpahinga ka na agad, wag ka na munang dumaan ng bar mo" sabi ko.
"Yeah, thank you! Uwi na ko. Take me home Victor" maarte nitong sabi kaya napangisi na lang ang head bodyguard namin.
Sumakay na si Alice sa sasakyan.
"Ingat sa pagmamaneho, wag mo na lang intindihin ang mga banat ng lukring kong kaibigan" sabi ko.
"Yes Ma'am Mia, pero ayos lang po ba na maiwan kayo mag isa, baka mapagalitan kasi kami ni boss" nag aalangang sabi ni Victor.
I smiled.
"Wag ka ng mag alala, may nga naiwan na para magbantay sakin, ako ng bahala kay Dylan. Kilala din naman nya si Alice" sabi ko.
Tumango na lang sya at sumakay na ng kotse. Pumasok na ko sa loob at bahay at nagdiretso sa kusina, aayusin ko na ang ihahain para makakain ng maayos si Dylan pagkauwi nya.
Kinuha ko ang phone ko at nagsimulang magtipa ng mensahe para sa kanya, asking what time sya darating pero lumipas ang halos 15 minutes ay wala syang reply. Busy siguro.
Kakatapos ko lang ayusin ang pagkain at aakyat sana para makapag palit ng damit ng marinig kong may mag park ng kotse.
"Nandyan na si Dylan" hindi ko napigilang masambit. Papalapit na ko sa front door ng bumukas iyon at iluwa si
Mommy Rose
Ang mommy ni Dylan. I tried to compose myself dahil nagulat ako sa pagdating nya.
"M-mommy, g-good evening po" bati ko sa kanya. Instead na magsalita sya ay tumingin sya sa likod nya kung saan nakatayo at naghihintay ang mga guards namin.
"Why are you following me? Outsider ba ko? Go! Leave us alone!" mataray na sabi nito sa mga tauhan ni Dylan.
Instead of following her, tumingin lang sakin ang mga ito.
"Bingi ba kayo?!" bakas na talaga ang pagka inis sa boses ni mommy na nakapagpadagdag sa kaba ko.
"I-iwan nyo na muna kami, ako ng bahala" sabi ko sa mga ito, yumuko naman sila at isa isang lumabas, bumaling ako kay mommy at ngumiti. "Pasensya na po, kumain na po ba kayo? Napadalaw po kayo?"
She smirked.
"Ang kapal talaga ng pagmumukha mo hindi ka talaga natitinig at dumikit ka na parang linta sa unico hijo ko!" I felt pain at pakiramdam ko ay maiiyak ako dahil hindi naman ganito si mommy dati sakin.
Nalulungkot ako na dahil sa ginawa ko naging ganito sya. Ina lang din sya at nasaktan sya nung makita ang paghihirap ni Kasper nung iniwan ko ito.
"Mommy, alam ko po na hindi ko maja justify yung pang iiwan ko kay Kasper pero bumalik ako" sagot ko.
"Bumalik ka?! Sana hindi na! Sisirain mo lang ang buhay ng anak ko! Hindi mo na ko maloloko pa ulit!"
"Hindi po, bumalik ako kasi mahal ko pa sya! Hindi ko gustong iwan sya, kaya sana po bigyan nyo ko ng chance. Mommy, sorry, alam ko na pinagkatiwalaan nyo ko at nabali iyon pero please pakinggan nyo naman ako"
"No! Hindi ko na hahayaang masira pa ang buhay ng anak ko! Umalis ka na! Magkano ba ang kailangan mo? Pera lang naman ang habol mo sa kanya!"
"Mommy-
"Magkano ba ang pagkatao mo Mia?!" sigaw nya sakin. Galit na galit sya at ramdam ko ang sobrang pagkapahiya at sakit sa mga binitawan nyang salita kaya nagbagsakan na ang luha ko. "Don't cry, hindi mo ko mapepeke, magkano ba ang kailangan mo ng mawala ka na sa landas ng anak ko?!"
inilabas nya ang cheke at ballpen nya.
"Tama na po, umuwi na po kayo" yun na lang ang sinabi ko, triny kong huminahon kahit pa pakiramdam ko ay tinatapakan na ang pagkatao ko. Tumalikod na ko pero nagulat ako ng hilahin nya ang buhok ko kaya napabalik ako, marahas nya kong binitawan kaya napaupo ako sa sahig.
"Malandi kang babae, alam kong ipagpapalit mo lang ulit ang anak ko, so I'm gonna deal with you now! Ito ang pera, lumayas ka na" sigaw nya.
Nakayuko ako at patuloy sa pag iyak naramdam ko ang pagtama ng cheke sa katawan ko.
Pinunasan ko ang luha ko at tumingin ng diretso sa kanya.
"Mommy, asawa po ako ni Dylan. Hindi ko po sya basta-bastang bibitawan ng walang sapat na dahilan, ramdam kong mahal nya pa din ako"
Napahawak sya sa sentido nya.
"Akala mo talaga totoo ang lahat? Hindi ka na mahal ng anak ko! Matagal ka na nyang nakalimutan!"
Tumayo na ko.
"Hindi po ganun ang nararamdaman ko" sabi ko.
"Sinusubukan mo talaga ako!" galit nyang sabi. Nagitla ako ng hatakin nya ko ng marahas sa braso at pwersang inilabas sa bahay at walang sabing itulak sa sahig. Lalapit sana ang mga guards "Subukan nyong lumapit at ako mismo ang sisisante sa inyong lahat ora mismo!" galit na sabi ni mommy.
Ayaw ko mang magbagsakan ang luha ko pero naisip ko si papa at mama, ni minsan ay hindi ko naranasan na pagbuhatan nila ako ng kamay or mapahiya ng ganito.
"Umalis ka na Mia!" sigaw nya. "Get out of Dylan's life please lang wag mo ng guluhin pa sya"
I gathered my strength at tumayo. Tiningnan ko ang mga tauhan namin they all looked worried pero tumango lang ako, ayoko ng mandamay pa ng tao.
"Subukan nyo lang makielam" sabi ni mommy.
"Hindi nyo na po sila kailangang idamay, aalis na po ako" sabi ko. Pinunasan ko ang luha ko kahit pa patuloy ito ng pag agos at nagsimula ng maglakad palabas ng bahay mismo ni Dylan.
Ilang minuto na siguro akong naglalakad pero yung mga luha ko patuloy pa din sa pagdaloy.
Alam ko namang nasaktan ko si Dylan pero hindi ko ba pwedeng itama iyon? Nasaktan din naman ako.
Nasilaw ako ng may humintong sasakyan sa harapan ko at nakakasilaw talaga ang headlights nito. Ipinangsanggala ko sa mata ko ang kamay ko. Mukha siguro akong baliw ngayon na nag gagala sa village.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang mabilis na yabag na papalapit sa akin.
"Mia" nagulat ako ng hatakin nya ko at mabilis na yakapin.
Mas lalo akong naiyak dahil sa yakap nya.
"Dylan" tawag ko sa kanya. "Dylan!" hagulgol ko.
"Sorry, I'm late. I'm here now" sabi nya. I felt his hand combed my hair.
Kakaunting salita pero parang nagpagaan ng loob ko sobra.
Bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at hinawakan ako sa kamay.
He guided me in his car, tila wala pa ko sa sarili ko at nabalik lang yun nung huminto ang sasakyan nya sa bahay nya.
Nakaramdam ako ng kaba dahil alam kong nandyan pa si mommy.
"Tara na" sabi nya sakin pero mabilis akong umiling. He held my hand tightly. "Nandito na ko, wag ka ng matakot" and then he smiled at me kaya kahit ayoko ay napatango ako.
Nauna syang bumaba at umikot para pagbuksan ako, pagbaba ko ay laking pasalamat ko dahil hinawakan muli ni Dylan ang kamay ko kahit papano ay naibsan ang kaba ko.
Pagpasok pa lang namin ay nandoon pa din si mommy sa tapat ng front door.
"Kasper what's this?!" galit nitong sabi. "Bakit mo pa inuwi yang babaeng yan dito?! Wala ka ba talagang kahihiyan Mia!"
Napakapit ako kay Dylan ng maigi.
"Mom, why did you do that? Bakit mo pinaalis si Mia?" naramdaman kong humihigpit ang kapit sakin ni Dylan as if parang pinipigil nya ang sarili nya.
"Of course I'm your mom! I'm just doing what's right! Dapat hindi mo na yan pinabalik sa buhay mo! Hindi mo kailangan si Mia! Alam mo naman ang naging dulot nya sayo and for sure pag bumalik si-
"That's enough mom! You don't get to decide who I want in my life or not nor the right to humiliate Mia like this, I'm still married to her. Bali-baliktarin man natin ang mundo, asawa ko pa din sya!" tumaas na ang tono ni Dylan kaya napatingin ako.
Ang bilis ng t***k ng puso ko, magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nakakaramdam ng bahagyang tuwa dahil pinagtatanggol nya ko pero nalulungkot pa din ako dahil alam kong ayaw talaga ni Dylan ang nakikipagtalo sa mommy nya, mabait syang anak.
"Gumising ka Dylan, nauto ka na naman nyang babaeng yan!"
"It's my decision! Umuwi ka na mom, and don't ever do this to Mia, nirerespeto ko kayo but this is my life and I chose Mia to be in it and I don't regret it" I bit my lip. Halu-halo ang emosyon ko.
Huminga ng malalim si mommy.
"Don't tell me that I didn't warn you" sabi nito bago kami nilagpasan at mabilis na sumakay sa kotse nya. Ilang segundo pa ay umalis na iyon.
Nabigla ako ng hilahin ako ni Dylan. Ano bang meron sa mag-nanay na ito bat ang hilig manghila?
Pumasok kami sa loob ng bahay at pagsarado ng front door ay bumitaw ako. Napatingin sakin si Dylan.
I started sobbing dahil ang bigat ng pakiramdam ko.
"Dylan, sorry! Alam ko nahihirapan ka sa sitwasyon mo. Alam ko how much you care for your parents, and yung ginawa mo kanina alam kong mabigat sa loob mo iyon pero napilitan ka ng dahil sakin. Sorry talaga, pero sa tingin ko baka tama ang mommy mo, hindi na dapat ako bumalik sa buhay mo, dapat siguro hindi na kita ginulo pa"
"What are you saying?" nakakunot na ito ngayon.
Pinunasan ko ang mga luha na parang waterfalls kung magbagsakan.
"I don't deserve you, tama siguro si mommy"
"Mia" tawag nya sakin at mabilis na lumapit sakin
at
mabilis na dumampi ang labi nya sa labi ko. I felt my heart skipped a beat.
Totoo ba to hinahalikan nya ko.
Napapikit ako. His soft lips is pressing into mine and halos lahat ng parte ng katawan ko ay nagwawala na ngayon.
I lost track kung gano katagal kaming naghahalikan just like how I lost my sanity because of the Dylan's kiss.
When the kiss ended. Malakas pa ang t***k ng puso ko ng may ibulong sya.
"Let's say you don't really deserve me but what I want you to focus is me, wanting you in my life. I need you Mia" sabi nya bago tumalikod at umakyat sa taas.
Feeling ko aatakahin ako sa bilis ng t***k ng puso ko
Totoo ba to?
----------------