Chapter 17

2823 Words
Amilia's POV. "Cheers!" malakas na sigaw ni Alice bago tinaas ang basong naglalaman ng alak. "Cheers!" sabay sabay naming sabi, bago ininom ang alak. "Congratulations ulit sa kaibigan kong lagi akong pinapakaba habang nagpapaikot ikot at sabit sabit sya sa ere" sabi ni Alice. Kaya nagtawanan kaming lahat. "Mia, kailan ka ba magri retire, feeling ko sayo ako magkakasakit sa puso eh" "Who knows malay mo last olympics ko na pala to" sabi ko. Tumawa lang sila. Nasa bar kami ngayon ni Alice para sa victory party ko dahil masyado silang kumpiyansang mananalo ako kaya naka ready na to. Marami rami ding bisita, maingay ang bar at tila ang lahat ay nagkakasiyahan pero no matter how I smiled ay ramdam na ramdam ko ang lungkot at para bang any moment ay magbabagsakan ang luha ko. Nilabas ko ang phone ko. May signal naman sa bar ni Alice pero ni isang tawag o text ay wala akong natanggap kay Dylan to explain why he wasn't able to come. Nag sink in lahat sakin yung katotohanan. Ibang Dylan Kasper na pala ang kasama ko ngayon, hindi na sya katulad nung Kasper na mabait, hindi sumisira sa pangako at mapagmahal na naging boyfriend ko. Masyado na syang kinain ng galit nya. "Tara na guys! Sayaw na!" maligalig na sabi ni Alice. Mga halos kalahating oras na ang lumilipas, may kanya kanya ng buhay ang mga bisita ko. Kahit papano ay natutuwa naman ako na nag e enjoy sila. Nakita kong papalapit si Ate Raffy sakin kaya nginitian ko sya. "Ang galing galing mo Mia kanina! Sobrang proud na proud ako sayo" sabi ni Ate Raffy habang yakap yakap ako. "Thank you ate, thank you sa pagsuporta" sabi ko. She tapped my head, and slighy smiled at me. "You are my sister, you've always been. Isa pa sobrang paborito ka kaya ni Steven kahit sinusungitan ka nun. Pasensya na lang talaga kay Kasper di ko alam kung may saltik na ba sa ulo yung kapatid ko na yun" sabi nya kaya sabay kaming natawa. "Raffy! Gusto kong makita si Steven, ang cute nya kahit sa magazine picture lang, napaka poging bata but di mo sya kamukha, siguro mana sya sa daddy nya, may pagka singkit kasi sya" sabi ni Alice, ramdam ko sa tono nya na medyo lasing na ito. "Alice ano ka ba!" saway ko dito. Napadiretso naman ng tayo si Ate Raffy. "Pasensya ka na ate, lasing na kasi tong si Alice. Hayaan mo na" sabi ko at nahihiyang nginitian si ate. "Hayaan mo na Mia, wala naman si Steven dito, isa pa hindi naman sya ang unang nagsabi na di ko kamukha yung anak ko. In fact, kamukha talaga sya ng daddy nya" sabi ni ate raffy, hindi ko alam pero nabakas ko ang pagka hurt sa mukha nya. Ininom nya ang alak sa baso nya. "So what happened? Iniwan kayo nung guy nung malaman nya na nabuntis ka nya?" walang habas na tanong ni Alice, gusto ko na syang bantukan. "Alicia!" "What?! I'm just interested, as if naman ikukwento ko sa iba!" lasing na sabi ni Alice. "But that is personal!" sagot ko. "No it's okay Mia, I left him, hindi nya ko iniwan, iniwan ko sya" malungkot na sabi ni ate. Nanlaki naman yung mata ko. "O to the M to the G" gulat din na sabi ni Alice. "Kaya naiintindihan kita Mia, nung iniwan mo si Kasper, just like me, mahal ko yung dad ni Steven pero may rason kung bakit kailangang iwan ko sya. Mom and Dad was so against him, and to be honest di ko makita ang future ko sa kanya, lalo na nung nabuntis ako kaya iniwan ko sya" sabi ni ate raffy. She tried to smile, I can see how fake it is. "Naku pasensya ka na talaga ate dito kay Alice, matanong kasi talaga to" sabi ko na lang. "It's okay, I find her funny and cute, maswerte ang boyfriend nya" sabi nito. "Totoo Raffy, malapit na ko magka boyfriend and it's no other than Xavy my love" sabi pa ni Alice na nagniningning ang mata. "Xavy? Pangalan ba ng lalaki yun, parang pang bakla" sabi ni ate raffy. "You got it right, bakla ang bebe ko pero gagawin ko yung lalaki kung makikita mo lang kung gaano sya kagwapo, hays" Alice. "Alicia! Lahat kinuwento mo na" sabi ko. Sinamaan ko to ng tingin pero ipinagsawalang bahala nya lang yun. Baliw talaga to. "Congratulations Mia! You did it girl! I'm so proud of you!" malakas na sabi ni Xavier bago ako bineso. "Xavier my love!" sigaw ni Alice. Nakatalikod si Xavier kay Ate Raffy kaya hinarap ko sya para ipakilala sila sa isa't isa. Napansin ko ang pagtuwid ng tayo ni Ate Raffy, even Xavier's body stiffened dahil nakahawak pa ko sa braso nito. "Xavier my love, this is Raffy, friend namin, yung magandang doctor sa magazine, ang ganda nya sa personal no? Pero mommy na yan! Gwapo kaya ni Steven" Alice. "Steven?" nabanaag ko ang pagka shock sa mukha ni Xavier. Naguguluhan naman ako sa mga reaksyon nila. "A-anong g-ginagawa mo dito Steve?" Ate Raffy. "Kilala mo sya ate?" naguguluhan kong tanong. Kinakabahang tumango si ate. "We meet again Rafa, and I am so interested with who is Steven" seryosong sabi ni Xavier, walang pagka bakla sa boses nya kahit konti. Nakakatakot konti na lang mapapantayan nya na ang kasungitan ni Dylan. Nagulat ako ng biglang hawakan at akmang hihilahin ni Xavier si Ate Raffy, kaya mabilis ko syang hinawakan. "Teka, san mo dadalhin si ate. Ano ka ba Xavier? Ano bang nangyayari?" naguguluhan kong tanong. "Mia, sya yun" triny pakalmahin ni Xavier yung boses nya. "What? I don't get you" sabi ko. "Sya yung babaeng sinasabi kong nang iwan sakin" dagdag nito, napa jaw drop ako. "And it looks like she have my kid" tumingin ito kay Ate Raffy na nakatingin din sa kanya. "Totoo ba ate?" tanong ko. "Oo Mia, sige na. Ako ng bahala. You want a talk Steve? Then let's go" sinamaan ng tingin ni ate raffy si Xavier. And me? Kahit lumabas na sila ay ina absorb ko pa ang nangyari. So si ate yung ex ni Xavier kaya sya naging bakla, pero feeling ko di talaga bakla yun. Tapos sya pa yung daddy ni Steven? Waah! Bat ngayon ko lang pansin na magkahawig sila. "Parang teleserye yun. OMG. I cannot take this. Iinom muna ako" sabi ni Alice bago ako iniwan. "Kuya isa ngang hard drink" sabi ko sa bartender. Kumuha naman ito ng alak at isinerve sakin. Feeling ko kailangan ko talagang malasing kasi aside sa mga revelations today ay ayokong pag uwi ko is magiging emotional ako sa harapan ni Dylan dahil hindi nya ko sinipot.  Sinunod sunod ko ang pag inom ng alak, pero kahit medyo may pagka tipsy na ko ay alam kong kaya ko pa ang sarili ko. I looked around, Alice was dancing like it would be her last day. Lahat ng tao ay nag e enjoy at akala mo ay hindi pa alas dose ng madaling araw. Lumakad ako papunta sa restroom dahil naiihi ako pero napahinto ako ng makita ko si Dylan. Hindi lang sya, kundi kasama nya yung co-model nya na si Francine, and I almost lost my balance ng makita kong magdikit ang mga labi nila, they are kissing torridly at sa harapan ko pa.  I gathered myself kahit gusto ko ng sugurin yung babae at mag iiyak na parang batang inagawan ng candy. What so serious about this situation? You just caught your husband kissing another woman. Ayos lang naman yun diba? Tumikhim ako kaya nagbitaw sila, akala ko magugulat si Dylan pero he just smirked at me. "Oh, I'm sorry, we didn't see you there, magre restroom ka ba? Sabi ko kasi sayo baby doon na lang natin sa condo gawin to" sabi ni Francine at lumambitin pa kay Dylan. "Sorry" sabi ni Dylan, binulong nya pa iyon kaya humalinghing pa itong malanding babaeng to dahil marahil ay nakiliti sya. "Okay na ba? Makakadaan na ba ko?" I tried to sound strong dahil alam kong sinasadya nya to. "Oh sure, teka! Diba PA mo sya baby, okay lang pala na makita nya tayo" Francine. "Yes baby, no worries, she's just my PA, tara na" sabi ni Dylan bago hinila yung babae nya at nilagpasan ako na parang wala lang ako dito. Gustong gusto ko nang umiyak pero nakakasawa at nakakapagod din diba? Alam na alam nya kung paano nya ko sasaktan. Maglalandian na lang talaga sa bar pa ni Alice, napaka talino nya talaga! Bwisit sya! Sinipa ko yung pader kaya napahiyaw ako dahil nakalimutan kong naka flatshoes lang pala ako. "Ang tanga tanga mo talaga Mia!" sabi ko sa sarili ko. Paika ika akong bumalik kung nasaan ang mga bisita ko. "Oh nandito pa pala si Mia!" sabi ni Alice ng makita nya ko. Umupo ako sa table nila. "Anyare sayo bakit parang paika ika ka?" "Wala, katangahan lang to. Tara na, inom na" sabi ko. I shot straightly yung alak sa shot glass. Uminom ka lang Mia, para pag uwi mo, matutulog ka na lang and all this pain will be gone forever.  "Hoy Mia, okay ka lang ba? Hoy babae!" napaangat ako ng tingin sa tumawag sakin. Umiikot na ang paningin ko dahil nakakailan na din ako. "Mia!" tawag nito ulit. "Naririnig kita Xavier, ang lakas ng boses mo" sabi ko at ininom ulit ang alak. "Nasaan si Ate Raffy?" "Naihatid ko na sya sa bahay nila, bukas ulit pupunta ako to meet Steven" sabi nya. He sat down beside me. "Okay ka lang ba? Lasing ka na ata" Umiling ako. "Hindi ako lasing, nasasaktan lang" humagikgik ako. "Masakit ang ulo ko pero mas masakit ang puso ko" "Hoy anong drama mo? Nasa wisyo ka pa ba?" Xavier. "Akala mo ikaw lang ang may revelation, ako din" sabi ko. Ininom ko ulit yung alak. "Ano ba yun? Tell me na girl" "Si Dylan, kilala mo sya, I'm sure" "Oo naman, aside from sikat na artista sya, I personally know him dahil bunsong kapatid sya ni Rafa" "I hate him, I hate him so much" nagbagsakan na ang luha sa mga mata ko. "I hate my husband so much" "What?! You mean, asawa mo sya? Assumera ka ata bes!" pang aasar ni Xavier kaya tinitigan ko sya. "Hala! You're crying, so totoo nga!" Nilagay ko sa mata ko ang mga palad ko, hoping na tumigil ang pag agos ng luha ko. Akala ko talaga kaya ko. "I told myself na kaya ko, kaya kong tiisin kasi mahal ko naman sya, pero ang sakit Xavy, super sakit" I said in between my sobs. "Ano ba yan? Wag ka ng mag cry" sabi nito at inakbayan ako. He hugged me, alam nyo kahit may pagka ganyan si Xavier, pero kahit papano, masaya ako dahil may kadamay ako lalo na't missing in action si Alice. "Tara na, uuwi na kita" sabi ni Xavier. Mabilis akong umiling. Ayoko syang makita, I felt suffocated. "Ayokong umuwi, ayoko muna. Ayoko muna syang makita kahit ngayong gabi na" "Hays, kaloka ka. Then do you want to stay sa clinic ko muna" "Anywhere, basta wala sya" Habang bumibiyahe kami pauwi lulan ng sasakyan ni Xavier ay nagkukwento lang sya tungkol sa napag usapan nila ni Ate Raffy, anak nya pala talaga si Steven and wala pang real status sa kanila dahil ang alam ni Rafa, gay sya. "Umidlip ka muna, sobrang mukha kang bangag girl" sabi nya sakin. Tumango na lang ako sinandal ang ulo ko bintana, marahil sa pagod ay nakatulog talaga ako. Nagising ako ng makarinig ako ng kalabog na parang may humahampas sa bintana ng kotse. Nanlaki ang mata ko ng maraming tao ang nakapaligid sa sasakyan at nasa tapat ng kotse namin is ang kotse ni Dylan. Umarangkada ang matinding kaba. Kinalabog na naman ng isa pang guard ni Dylan ang kotse ni Xavier. Nasa tapat kami ng bahay ni Xavier, anong ginagawa nila dito? "Dito ka lang Mia, wag kang bababa" mahinahong sabi ni Xavier. "Teka-" di ko na nasabi ang sasabihin ko dahil bumaba na sya. Bumaba na din mula sa kotse si Dylan. He looks so furious. Mabilis syang lumapit kay Xavier at sinapak ito, mabilis namang gumanti si Xavier pero parang wala lang ang sapak nito kaya sinapak ulit sya ni Dylan kaya bumagsak ito. Mabilis akong bumaba ng sasakyan "Dylan! Tama na yan!" sigaw ko. Tiningnan nya naman ako ng masama, nagulat ako ng hawakan ako ng mga guards nya. "Teka, bitawan nyo nga ako! Ano ba!" Tumayo na si Xavier at pinagpagan ang nadumihan nyang suit. "What the hell is wrong with you Dylan!" sigaw ni Xavier, halata mo na ang inis sa mukha nito. Dumodoble na ang kaba sa puso ko. "Pagkatapos kay ate, you want Mia? You want my wife!" sigaw ni Dylan at sinapak ulit si Xavier. "Dylan ano ka ba!" sigaw ko, nagpupumiglas na ko. "Shut up Mia! I'll deal with you later!" sigaw ni nya kaya napatahimik ako. Hindi ko alam kung ilang sapak ang binitawan sa isa't isa pero huminto lang si Dylan ng bumagsak ulit si Xavier at may dugo sa labi. "Don't ever come near her again! Sinasabi ko sayo Lim!" Dylan shouted. But Xavier just smirked. "You changed a lot, isa pa hindi ikaw ang magdedesisyon nun, kundi si Mia, we are just friends at mali ang iniisip mo" "I don't give a damn, she's my possession and I get to decide what I want for her" Dylan. Napatingin ako kay Dylan. Possession? Para lang akong isang bagay na binili nya. His words hit me, what am I expecting? "Isn't it a little too selfish Dylan? Wag mo sanang pagsisihan ang mga ginagawa mo sa kanya" Xavier then looked at me, tumayo sya at nilagpasan si Dylan. "Mia, mas marami akong friends na deserve ka, just call me" dagdag nito at tumawa bago nagmamadaling pumasok sa bahay nya. Gusto ko mang matawa sa pang iinis ni Xavier ay hindi ko magawa, dahil sa mga sinasabi, ginagawa at trato sakin ni Dylan. Just like earlier, him with his co-model. Nagulat ako ng hilahin ako ni Dylan at walang pag ingat na pinapasok ako sa sasakyan. Sobra ang kaba ko dahil hindi nya ko tinitingnan pero ramdam ko ang tensyon. Limang minutong pagmamaneho lang at kinakaladkad na naman nya ko pagpasok. "Dylan, masakit" sabi ko habang pilit na ipinipiglas ang kamay ko sa mahigpit nyang pagkakahawak sakin. "I don't care you slut!" sigaw nya. Pabalibag nyang binuksan ang pinto at pabalibag din nya kong binitawan kaya bumagsak ako sa lapag at natamaan ko pa ang mamahalin na jar kaya nabasag ito. "Sir! Tama na po!" may isa sa mga guard ni Dylan ang akmang pipigil sa kanya pero itinaas ni Dylan ang kamay nya. Nagsisimula ng mamuo ang mumunting luha sa mata ko. "You have no rights to interfere! Do you want to lose your job?!" sigaw ni Dylan. Mabilis naman na umiling yung guard. "Good! Lumugar ka!" Napatingin ako sa braso kong dumudugo na marahil dahil sa nabasag. Nagulat ako ng hilahin ulit ako ni Dylan. "Aray! Ano ba!" sigaw ko sa kanya. Paakyat na kami sa taas at nung binuksan nya ang kwarto ay pabalibag nya na naman akong binitawan. Sobra sobra na ang takot na nararamdaman ko, para bang mapapatay nya na ko. "Hindi ka ba talaga marunong makuntento! I married you, and yet you're still the same flirty b***h I met in highchool!" sigaw nya. Hindi na ko nakapagpigil kaya nagbagsakan na ang luha ko. Yumuko na lang ako, I can't afford to be this weak. "Tama na Dylan" pinapahinahon ko ang boses ko. "Don't tell me to stop dahil sinasabi ko lang ang totoo! You never changed Mia! Manlokoko ka pa din!" Mabilis kong pinunasan ang luha ko at hinarap sya. "I never changed? And you? You change a lot! Hindi na kita kilala Dylan! Alam kong nasaktan kita pero sobra na to! Ginagawa mo kong parang tanga! Masaya ka ba nasasaktan mo ko, yung ginawa mo kanina halos ikamatay ko yung sakit" "Liar! Bakit ka sumama kay Xavier? Why? Bayaran ka na din bang babae?" he insulted me once again. Pinigilan ko ang luha ko at ngumiti ng pilit sa kanya. "Mas okay pa yata yun kesa yung pinili kong makasama ka" Pak Isang malakas na sampal ang inabot ko sa kanya. Napahawak ako sa mainit ko pang pisngi. Tuluyan ng nagbagsakan ang luha ko. Nagulat ako ng hawakan ni Dylan ang buhok ko. "Ouch! Tama na Dylan" sabi ko. Hawak nya pa din ang buhok ko at iniharap nya ko sa kanya. "You listen carefully Mia, you will never get away from me as long as your breathing. You're mine, remember?" sabi nya at binitawan ako. Bumagsak na naman ako sa sahig pero this time, mabilis akong lumayo sa kanya at sumiksik sa may gilid ng kama. Grabe yung takot na bumalot sakin. Nagawa akong saktan ng sobra ni Dylan. Ibang iba na sya. Ano ba itong pinasok ko? Narinig ko ang pagsarado ng pinto, lumabas na pala sya. Dahan-dahan akong tumayo at humarap sa vanity mirror. I cannot even recognize myself. I cried so hard dahil pakiramdam ko ay sasabog ako sa sama ng loob at sakit nararamdaman ko. Mali ba na bumalik ako sa buhay nya? Hindi ko na ba maayos ang lahat?  Wala na ba talaga kaming pag asa? I still love him but I don't think he still needs me. He said I cannot get away from him as long as I'm breathing then if being breathless will set me free and will make him happy and satisfied then so be it. I'm Amilia Selene Torres Pendleton and I am ending my own life
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD