Chapter 16

2063 Words
Amilia's POV. Hindi pa sumisikat ang araw pero nagsimula na kong mag jogging. Buti naman at hinayaan ako ni Dylan at di na pinasamahan pa sa iba pang mga guards. Lately after ko magkasakit last 2 weeks ay hindi na sya naging ganoon kahigpit sakin. Sanay na din akong natutulog sa kwarto nya pero parang wala din sya dahil late umuwi at maaga kung umalis. "Mia!" napalingon ako sa sumigaw ng pangalan ko. Mabilis ko syang hinarap Napaka gwapo talaga nitong isang to, kaya hindi na ko nagtataka kung bakit habulin ng babae to. "Uy Xavier!" mabilis akong lumapit sa kanya, mabilis naman nya kong niyakap. Sa two weeks na nagdaan sobrang naging ka close ko si Xavier. Isa syang neurosurgeon, mayaman, at ubod ng gwapo Pero Isa syang "I told you to call me Xavy diba?" Bakla Yes you read it right, this handsome doctor in front me ay isang pusong babae Napatawa ako sa sinabi nya. "Ito naman, nag iingat lang ako. Para din sayo diba? Para di ka din mabuko" sabi ko. "Baliw, I hate you" sabi nito at nag roll eyes pa sakin. "Upo muna tayo, pagod na ko kanina pa kaya ako tumatakbo girl. Wala naman akong makitang pogi" "Puro ka pogi" I sat down sa mini bench dito sa park. "Oo nga pala, sa tagal nating friends di ko pa alam saan ka nakatira dito. Bakit ba ayaw mo pa ipa knows sakin?" "Well, hindi ko yun bahay, nakikitira lang ako so wala ding sense na ipaalam sayo" sabi ko. "Ay totoo ba? Eh akala ko unica hija ka kasi ang dami mong bodyguards nung muntikan na kitang mabangga" "Di akin yun, sa as- sa boss ko yun" sabi ko. Muntik ko ng masabing asawa. Ano bang iniisip mo Mia?! "You mean? Yaya ka?!" gulat na gulat na tanong nya sakin. "Parang ganun na nga" sabi ko na lang. "Really? You don't look like. Sa kinis at ganda mo bakla, pwede kang model. Gusto mo mag model ka na lang. May mga friends ako na may ari ng magazines" sabi nya. Tumawa na lang ako at umiling. Napaka imposible. Hindi ko na ata matatakasan pa kahit kelan si Dylan. "Maiba tayo, alam mo kahit ganyan ka magsalita. Feeling ko, hindi ka pa totally na bakla" "What?! How dare you Amilia! Isa akong dyosa na nasa katawan ng isang macho at gwapong nilalang" sagot nito sakin sabay ayos ng hair nya. "Talaga lang ha? May naging jowa ka na bang lalaki?" Tila naumid sya dahil sa tanong ko kaya natawa na lang ako. "So what? Wala pa yung right guy para sakin. Marami naman akong crushes no!" "Crush lang. Di kaya, lalaki ka talagang nagpapanggap na bakla dahil ako ang crush mo" panunukso ko dito. "Eeww! Maganda ka Mia, pero kahit lalaki ako hindi ikaw ang bet ko" Nagmamalditang sagot sakin nito. "At sino naman ang bet mo? Ah yung first love mo, na iniwan ka dahil akala poor ka at wala syang kinabukasan sayo? Diba sabi mo nag doctor din yun? Hala! 5 years na ang nakalipas! Ano kaya kung magkita kayo" "Ano namang meron kung magkikita kami? Pag nagkita kami, mashu shookt yun sakin kasi mas maganda na ako sa kanya" sabi nito at humalakhak pero feel ko na hindi yun totoo. "Hmm, kung ako siguro sya magre regret talaga ako ng bongga, pero ikaw, magpakalalaki ka na mas bagay sayo. Hindi yung naging bakla ka dahil iniwan ka lang nung girl na yun" "Tse! Hoy babaeng may pang matandang pangalan wag mo kong asarin, enough with my past! Wag na natin syang pag kwentuhan" "Ay nasasaktan, may feelings pa" natatawa kong sabi. Marahang hinila ni Xavier yung buhok ko. "Aray bakla!" Pinandilatan nya lang ako ng mata. "Oo nga pala, mamaya na pala yung competition mo, kinakabahan ka ba?" tanong nya sakin. Buti na lang talaga na delay ang competition ko sa gymnastic kaya nakapagpagaling pa ako. "Hindi naman" sagot ko. "Ang yabang, siguraduhin mo lang na ipapanalo mo yun. Pupunta ako sa victory party mo" sabi nya. "Wow, hahaha akala mo pupunta para i congratulate ako, maghahanap ka lang ng boylet dun eh" "Of course, ano pa nga ba" "Manahimik ka Xavier Steve, ihahanap na lang kita ng girl, madami akong kaibigan" "Yuck" Natawa na lang ako sa sinabi nya. Pag uwi ko sa bahay ay bumilis ang t***k ng puso ko ng makitang naka park ang kotse ni Dylan. Ibig sabihin ay umuwi na ito. Nagmamadali akong pumasok sa loob. Naabutan kong nakaupo ito sa sala. Mabilis syang lumingon ng maramdaman nya ang pagpasok ko sa bahay. "Where have you been?" tanong nito sakin. Tila na froze ako sa kinatatayuan ko. "Nag jogging lang. Buti dumating ka na, nakatulog ka ba ng maayos doon sa pinuntahan nyo" tanong ko. "Yeah, nakatulog din ako sa sasakyan" Sabi nito at binalik ang tingin sa panonood ng TV. "Ay kumain ka na ba? Gusto mo bang magluto ako?" tanong ko. "Nah, nagpa deliver na ko ng breakfast, nasa dining na. Kumain ka na lang" "Ganun ba? Sige! Salamat" sabi ko. Hahakbang na sana ako sa kusina ng may maalala ako. "Oo nga pala Dylan, aalis ako. Ngayon kasi yung competition" "I know" bored nitong sagot. "Ha?" "You've been telling me that since last week diba?" sabi nito bago ako saglit na tiningnan and then balik na naman sa TV ang mata. Awkward akong tumawa. "Ay ganun ba? Uhm, so uhm, makakapunta ka ba mamaya? Pwede ka bang pumunta mamaya? Pwede kang sumunod kapag naka idlip ka, mga 12 noon pa naman ang simula" kinakabahan kong tanong sa kanya. I am crossing my finger. Sana pumayag sya! Kahit suntok sa buwan ang chance. Feeling ko kasi mas magiging confident ako kapag nandoon sya. "Sure" nagulat ako sa sagot nya. "Totoo? Pupunta ka?" hindi ko napigilan ang ngumiti. Tumingin si Dylan at pinatay yung TV. Tumayo sya at lumapit. "Of course, it's my wife's performance, how could I miss it?" sabi nito bago ako nilampasan. At ako? Wala na nalusaw na ko? Kinain na ko ng lupa. Kahit halos sampung minuto ng nakaakyat si Dylan ay tila nagpa palpitate pa din ang puso ko. Nabasa nyo ba yung sinabi nya? Halos mamatay ako sa kilig. Daig ko pa ang teenager na first time, maligawan. Para akong lumilipad sa ulap habang kinakain ang almusal kong pancake, I am even humming as I walk around the house. Nawi weirduhan na nga sakin yung mga guard ni Dylan. 2 oras bago magsimula ang event ay nasa venue na ko. Kasama ko na ang coach ko at si Alice. "Anong meron at tila ang saya saya mo Mia?" tanong sakin ni Alice "Ako? Masaya?" tanong ko. "Ay hindi, parang mapupunit lang naman ang bibig mo sa kakangiti" mataray na sabi ni Alice. "Ewan ko sayo! Masaya lang ako kasi sabi ni Dylan pupunta daw sya! Kaya i reserve mo sya ng seat ha! Baka kasi pagka guluhan yun kapag saan lang umupo" sabi ko. "Ay sus! Kaya naman pala. By the way, si Xavier? Pupunta ba sya?" tila nagningning ang mata ni Alice sa pagbanggit palang sa pangalan nun. "Ano ka ba? Bet na bet mo talaga yun no? Sabi ko sayo bakla sya! Atsaka di sya pupunta ngayon kasi may scheduled surgery sya" "Eeh! Maniwala ka Mia, kaya ko syang gawing lalaki. Waah! Grabe napaka gwapo nya, yummy na doktor pa, ang tanga tanga ng babaeng nang iwan sa kanya. I wonder how she looks" sabi ni Alice na curious sa ex ni Xavier. "Mia!" napalingon ako sa tumawag sakin. "Ate Raffy!" tawag ko at mabilis syang niyakap. If you remember guys, sya yung ate ni Dylan na sobrang bait! Maganda, matalino, mabait, isa din syang doktor. Mabilis nya kong niyakap. "Sa tuwing nakikita kita, paganda ka ng paganda kaya di ko magets kung bakit pa hard to get ang kapatid ko sayo" sabi ni Ate Raffy. Her real name is Rafaella Kyline Pendleton. "Ikaw talaga ate, intindihin na lang natin si Dylan, matindi din yung ginawa ko. Ang saya ko nga kasi pupunta sya ngayon para manood" sabi ko di ko mapigilang kiligin kapag naalala ko yung sinabi nya kaninang umaga. "Talaga?! Buti naman, mukhang natatauhan na talaga ang kapatid ko. Hayaan nyo lang si mom, aayos din ang trato sayo nun. Nasaktan lang yun kasi diba nga gustong gusto ka nya para kay Dylan" "Guys, I hate to interrupt pero I can't help it! Ang ganda nyo pala sa personal. Nakikita po kitang napi feature sa magazine na The Doctors. Kayo po si Ms. Rafaella right?" ngiting ngiting sabi ni Alice. "Yes. Hi! You can just call me Raffy, and you are?" "Alice" sabi nito na halata na sobrang fascinated kay ate raffy. Nag shakehands sila. "Hindi nyo po kasama si Steven?" Steven is ate raffy's 4 year old son yung batang nagpakilala sakin kay Amise. Anak sya ni Ate Raffy. Anak sya sa pagka dalaga. Walang nakakaalam kung sino ang daddy ni Steven at wala na kong balak pakielaman yun. Masaya namn si Ate Raffy as single mom. "Wala, nasa lolo at lola nya alam mo naman yung mga yun sabik sa apo. Kaya Mia, galingan mo para magka baby na din kayo ni Dylan" sabi nito at nagtawanan pa talaga sila ni Alice. "Ate naman!" nahihiya kong sabi. Kami ni Dylan? Magkaka baby? Just that thought makes me ugh! "Mia, tara na mag warm up ka na" tawag sakin ni Coach. Buti na lang talaga tinawag nya ko kung anu ano ng naiisip ko. Ilang minuto na lang bago magsimula ang competition. Madami ng tao sa labas. Nakita ko na din ang mga kalaban ko na nagmula pa sa iba't ibang bansa. "Ano Alice? Dumating na ba si Dylan?" tanong ko. Marahan syang umiling. "Friend, sure ka bang pupunta sya?" "Oo naman! Pupunta yung si Dylan, di yung sumisira ng pangako nya even nung highschool pa lang kami" "Hays, sige wag mo na muna sya isipin mag focus ka na muna. Ipanalo mo to" Ngumiti na lang ako at tumango sa kanya. Susunod na ko sa magpe perform pero hindi ko pa din matanaw si Dylan sa audience. Unti unti akong binabanalot ng lungkot. Bakit? Bakit wala pa sya? Diba nangako sya? Triny kong pag ringin yung cellphone nya pero cannot be reach iyon. Ano ba kasing nangyari. "And our 8th candidate is from the Philippines, everyone welcome Amilia Selene Torres" nagulat ako ng kuhanin ni Coach ang phone ko at marahan akong itulak. Lumabas na ko. Ang daming flash ng camera, ang daming tao pero kahit anong lingon ko hindi ko sya makita. Wala sya sa pwesto kung saan masiglang nagchi cheer sakin si Ate Raffy at Alice. "Ms. Amilia, are you ready?" tanong sakin ng emcee. Kahit pa naiiyak ako dahil para akong tangang naghihintay sa wala may part pa din sa puso ko na nag aasam na darating sya. Tumango ako at pilit na ngumiti. Nagpaikot ikot, sumabit, tumalon at huling huli ay nag bow. Ilang beses akong nag exhibition sa performance ko pero sa haba ng ginawa ko. Hindi sya dumating. Kaya pagkatapos kong mag perform ay dali dali akong pumunta sa restroom di ko napigilan ang umiyak. Ano bang ini expect ko sa tulad nya? Ang gusto nya lang naman ay gantihan ako. Napigil ang pag iyak ko ng may kumatok sa cubicle na kinaroroonan ko. "Mia" boses ni ate raffy. "Okay ka na ba? Pinapatawag ka na kasi ni coach mo. Mag a announcement na daw ng winner" Mabilis kong pinunasan ang luha ko "Sige ate raffy, lalabas na ko. Susunod na lang ako" triny kong pasiglahin ang boses ko. "Sige. Pasensya ka na talaga kay Dylan" "O-okay lang ate" pinigilan kong maiyak ulit. "Sige, bilisan mo na dyan ah" Nung maramdaman kong wala ng tao ay tsaka lang ako lumabas. I looked at myself in the mirror. My make up is a messed. "Yung make up talaga naisip mo, your whole self is a mess, this is what you get for leaving him" hindi ko napigilang sabihin sa sarili ko. Naghilamos ako at binilisan ko na lang ang pag aayos ng make up ko. Ayoko namang humarap sa audience na mukhang panda. "What took you so long Mia?" nag aalang tanong ni Coach. "Pasensya na po coach" sabi ko na lang. Ina annouce na pala yung 1st runner up which is si Ms. Norway. Ang 2nd is Ms. Spain. Infairness ang gagaling naman talaga nila. "And tonight's champion, the one who'll be taking the award for the Summer Gymnastic Competition 20XX is no other than Ms. Philippines! Ms. Amilia Selene Torres! Congratulations!" masayang bati ng emcee. Agad namang nagtalunan ang mga pilipinong audience. Niyakap naman ako nila ate raffy. They are congratulating me. Inalalayan pa nila ako hanggang center stage para tanggapin ang award. Pero kahit anong saya ng tao sa paligid ko, bakit parang ang dilim dilim. Ang lungkot, parang hindi ako fulfilled. It's because during my victory, there is one person going around and around my mind.  Si Dylan. Walang Dylan na dumating sa araw na to. Wala sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD