Amilia's POV.
"Hoy Mia, umamin ka nga sakin, okay ka lang ba?"
Muntik na kong hindi makapag landing ng tama dahil nagulat ako ng biglang magsalita si Alice.
"Nakakagulat ka naman, muntik na kong malaglag dahil sayo" lumapit ako sa bench kung saan sya nakaupo at maiging sinusuri ako. "Ano ba yang tingin na yan? Okay lang ako" dagdag ko. Bago ko inubos ang tubig na laman ng tumbler ko at nagpunas ng pawis ko.
"Totoo ba yan? Cause you don't look okay. You lost weight, you look haggard, at isa pa pinapagod mo ang sarili mo kaka training ng kaka training" Alice.
"Of course Alice! Sa isang araw na ang competition. Alam mo naman diba how I badly want to represent our country sa mga international gymnastic competition" I said.
"I know that pero hindi ka naman ganito dati. You waste halos ilang oras dito sa training imbis na nagpapahinga ka. Alam ko naman kung gaano nakakapagod ang maging PA ni Dylan dahil anong oras na kayomg natatapos. Magpahinga ka naman. May problema ba kayo ni Dylan? Di ba kayo nagkakamabutihan?" I rolled my eyes sa mga sinasabi ni Alice. "Diba 2 buwan na ang nakakalipas nung hinalikan ka nya. Akala ko magkaayos na kayo?"
Namula ako sa mga lumalabas sa bunganga ni Alice. Wala talagang pakundangan ang babaeng to e.
"Please don't ever bring up the story again, ayoko ng isipin" sabi ko.
"Okay pero honestly wala bang improvement dyan kay Dylan mo?"
I sighed. Improvement? Nah! He got worst after that night. Di ko alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin para i prove lang sa kanya na I'm real this time, na di ko na sya iiwan pa ulit. After nung hinalikan nya ko dahil sinabi ko. I expect him to be, you know, kahit papano. Mas sweet man lang pero hindi. Mas naging mailap sya sakin. Kinakausap nya lang ako pag may kailangan syang ipagawa or what, madalas din syang late umuuwi at kung di naman sya late, madalas nasa out of town show or shoot sila nila manager. Di ko nga magets bakit di nila ako sinasama. We barely see each other kaya hindi kami makapag usap.
3 araw na din syang nasa Singapore ngayon, alam nya naman ang phone number ko pero ni isang beses di sya nagtext or tumawag.
Ugh! Dylan, what happened to you?!
"Uy! Di ka na nakasagot?!" muling untag sakin ng bestfriend ko.
"Tse, alam mo na ngang galit yun sakin diba? Tas nag e expect ka pa ng improvement! Bahala ka nga dyan babalik na ko sa pagti training" sabi ko.
"Mia naman! Alas dose na ng gabi, di na nga ako nagbantay sa bar kasi alam kong lonely ka pero please, inaantok na ko. Uwi na tayo" sabi ni Alice.
Natawa naman ako.
"Last 3 rounds tas uuwi na tayo, alam mo namang pahirapan ko ding takasan ang mga guards dun sa bahay ni Dylan" sabi ko.
"Give me patience Lord!" sabi ni Alice bago yumukyok. Humalakhak ulit ako.
Tuwing umaalis kasi si Dylan, may mga bodyguards sa bahay na binabantayan kung aalis ako. Pano ko nalaman? Kasi nung unang umalis si Dylan, aalis dapat ako para pumunta kay Alice nun kaso hindi nila ako pinayagan. Wala daw permiso ni Dylan. Kainis! Kaya ako tumatakas. Sinasabi ko sa mga guard na matutulog ako sa kwarto at wag akong iistorbohin, at doon tumatakas ako. Either mag gig or mag training just like now. Wala naman si Dylan kaya okay lang, kapag kasi nandyan sya, di talaga ako nakakalabas.
"Thank you talaga sa pagsama sakin" sabi ko kay Alice ng ihinto nya ang kotse sa may di kalayuan sa entrance ng village, mahigpit ang security sa village kaya alam kong di makakapsok ang sasakyan ni Alice.
Humikab to bago ininom ang kape na binili namin kanina, pasado alas dos na din ang oras, sigurado ako iilan na lang na guwardiya sa bahay ang tulog or kung sinuswerte ay baka tulog na silang lahat, gaya ng lagi kong inaabutan.
"Sige na, wala naman akong magagawa, wrong choice of friend kumbaga" sabi nito kaya mabilis ko syang hinampas.
"Grabe ka sakin ah!" sabi ko kaya tumawa sya.
"Sige na, sige na. Tatawag ako sayo pag nakauwi na ko"
Niyakap ko si Alice, kilala nya talaga ako, alam nya kasing mag aalala ako.
"Okay sige, ichacharge ko ang phone ko kaagad, tumawag ka agad ha? di ako makakatulog" kanina pa kasi lowbat ang phone ko, nilaro kasi ni Alice ito habang inaantay ako.
"Yes ma'am" sabi nya kaya bumaba na ko ng sasakyan nya. "Bye"
"Bye" I said, inantay ko munang mawala sa paningin ko ang sasakyan ni Alice bago ako naglakad papalapit sa gate ng subdivision. Makakapasok naman ako kasi kilala ako ng mga guard as PA ni Dylan.
Malapit na ko sa gate ng makita kong parang nagkakagulo sila, anong meron? May nanakawan ba? Hala! Dapat pala mag ingat kami, sabagay madami namang security yung mismong bahay ni Dylan.
Napakunot ang noo ko ng makita kong pamilyar sakin ang mga security doon. Napatakip ako ng bibig ng makita kong ito yung mga security sa bahay. Nagtago ako sa gilid, dahil baka makita nila ako. Ano bang ginagawa nila dito?
"Hindi nyo ba talaga sya napansin na lumabas sya?" tanong nung isang guard ni Dylan.
Sobrang kabang kaba na ko dahil alam kong ako ang hinahanap nila.
"Sir, base kasi sa CCTV kanina pa sya umalis ng alas tres ng hapon" sagot naman ng guard ng village.
Napahawak sa ulo yung guard namin sa bahay.
"Patay talaga tayo kay boss nito, bakit kasi di nyo binantayan ng maigi si Ma'am Mia. Mawawalan tayo ng trabaho lahat nyan" nagpa panic na sabi nya sa mga kasamahan nya.
"Hindi ba ang hinahanap nyo ay yung PA ni Sir Dylan?" tanong nung guard ng village
"Oo"
"PA lang naman nya yun, tsaka bakit Ma'am Mia? Para tuloy asawa ni Sir" sabi nung guard bago tumawa. "Pero kung ako si Sir Dylan, inasawa ko na yung PA nya na yun, ang ganda e!"
"Manahimik ka nga, baka mamaya makarating yan kay Sir Dylan, mawalan ka pa ng hanap buhay"
Sumimangot naman si kuyang guard. alam kasi nitong mga guard na to na misis ako ni Hitler ay este ni Dylan pala.
May balak na sana akong lumabas dahil nakakaawa naman sila, pakikiusapan ko na lang sila na itago na tumakas ako today para hindi malaman ni Dylan at di kami mapapagalitan.
Lalapit na sana ako sa guard house ng
Piff! Piff! Piff!
Mabilis na bumagsak ang katawan ko sa lapag hindi dahil sa nasagasaan ako, nagulat at nasilaw kasi ako sa sasakyan na muntik ng makasagasa sakin.
"Ma'am Mia!" sigawan ng mga guards
Mabilis namang naglapitan sakin yung mga guards sakin, inalalayan nila akong tumayo.
"Miss, I'm so sorry" napatingin ako sa lalaking lumapit sakin, naka suit and tie pa to. Inalalayan nya kong makatayo.
"O-okay lang, okay lang ako" sabi ko. pinagpagan ko ang sarili ko.
"Are you sure? Mukhang may sugat ka sa tuhod at braso mo? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" concerned na tanong sakin nung lalaki, napatingin ako sa braso ko, maliit na galos lang naman iyon.
"Kami na ang bahala kay Ms. Amilia, kapag nalaman naming may masamang epekto to sa kanya ay tiyak na makakasuhan ka" sabi nung guard ni Dylan kaya pinanlakihan ko to ng mata.
"Hahaha kuya, ano bang sinasabi mo. Okay lang ako, Mr.-
"I'm Xavier Lim, doctor ako, if you want, at since mukhang taga rito din naman kayo sa village namin, dadalhin na kita sa clinic ko sa bahay" sabi nito.
"Hindi! Okay na! Nagulat lang talaga ako, pasensya na" sabi ko. "Tara na mga kuyang guard, uuwi na kami Xavier" hinahatak ko na sila kuya paalis at buti naman sumunod itong mga to.
"Mia, wait up" napatingin naman ako ng tawagin ako ni Xavier. Napatingin ako ng may iabot syang papel sakin. "That is my card, if ever may problema dahil sa nangyari, don't hesitate to give me a call"
"Hindi na, hindi na kailangan, okay lang ako" sabi ko, nakakahiya naman dito, mukha pa namang mabait.
"I insist" nakangiti nitong sagot. "Teka, gusto nyo bang ihatid ko na kayo?"
"Ha?" gulat kong tanong.
"Mawalang galang na po sir, pero may kotse ho kaming dala, katulad po ng sabi ko kanina, kami na po ang bahala kay Ma'am Mia" masungit na naman na sagot ni kuya kay Xavier.
Tumingin sakin si Xavier
I awkwardly smiled.
"Sige, ingat na lang kayo" Xavier
"Ikaw din"
"Tara na po Ma'am Mia, kailangan na nating umuwi" sabi sakin ni kuyang guard, grabe naman to, nagmamadali, akala siguro nya tatakas ako. Inalalayan nila akong makasakay ng kotse.
Tiningnan ko ang siko ko na bahagya pang dumudugo ngayon. Nagulat talaga ako dahil sa tagal ko ng tumatakas, ngayon lang nila ako nahuli.
Nung na park na ng maayos yung kotse ay nagmamadali akong bumaba dahil pagod na din ako at isa pa bahagyang makirot ang siko ko, kailangan ko ng gamutin agad ito para gumaling agad, may competition pa naman ako.
Papasok na ko sa bahay ng mapahinto ako dahil sa malakas na sigaw.
"My instruction is so simple! I told you, useless guys! to fcking making make sure that my wife, won't go out of this house without my permission! Mahirap ba yun?!"
Boses ni Dylan yun.
Bumilis ng sobra ang t***k ng puso ko dahil sa kaba, nakkaatakot ang sigaw nya pero may part sa puso ko na parang kinikiliti, sa halos 6 na buwan naming magkasama, ngayon ko lang ulit narinig na tawagin nya kong asawa. Aaminin ko sobrang namiss ko na sya.
Lumingon ako sa tatlong guards na kasama ko ngayon, nasa likod ko lang sila at nakayuko. Ramdam ko ang kaba at takot nila. Kaya pla nila nalaman na tumakas ako dahil umuwi na si Dylan. I felt guilty, pinapagalitan sila ng dahil sa katigasan ng ulo ko
Pero hindi naman kasi tama na ikulong ako sa bahay.
"You just better make sure na walang nangyaring masama kay Mia dahil kung hindi I'll kill you all!" narinig naming sigaw ni Dylan
Mas nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan ng main door at iluwa nun si Dylan. Nagulat din sya ng makita ako pero mabilis na dumilim ang mukha nya.
"Amilia Selene" kalmado nyang sabi sakin na mas nakapagpakaba sakin. I am expecting na sisigawan din nya ako.
"D-dylan a-ano k-kasi-" hindi ko matuloy ang sinasabi ko dahil nakakautal at nakaka intimidate naman kasi talaga aya.
"S-sir D-dylan pasensya na po" nauutal na sabi ng mga guards nya. Nakita kong nasa likod din ni Dylan pa ang iba pa nyang guard.
"Dismiss" sabi nito na hindi pa din nagbabago ang itsura. Matatalim na titig ang binibigay nya sakin.
Kahit naguguluhan ay nagkanya-kanyang alis silang lahat at naiwan naman akong mag isa.
"Aalis na din ako ha? Matutulog na ko" sabi ko na lang baka mamaya kasama ako sa dismiss diba?
"Did I tell you to go?" ma awtoridad nitong sabi. Dahan-dahan akong umiling. Nagulat ako ng hatakin nya ko papasok ng bahay.
"Dylan, nasasaktan ako, ano ba?!" sigaw ko. Hawak nya ng sobrang higpit ang siko ko na kanina lang ay na injury.
"Masasaktan ka talaga sakin ngayon Mia!" sigaw nito. Nagulat ako ng lumampas kami sa kwarto ko at nagdiretso kami paakyat sa taas. "Dylan, ano ba?!"
Pumasok kami sa isang kwarto na sigurado akong kwarto nya, dahil pagpasok pa lang ay naamoy ko na agad ang pabango nya. Black and white ang disenyo ng kwarto at ni isang kalat ay wala akong makita.
Pabalagbag nya kong binitawan sa kama. Bigla akong kinabahan? Anong meron at dito nya ko dinala? Anong gagawin nya sakin? Napalunok ako.
"Nasaan ka galing?! Why did you fcking escape?!" natakot ako sa pagsigaw nya.
Ibang iba sya. I've never seen this side of him before.
"K-kinukulong mo kasi ako, hindi ako makalabas ng bahay. I can't live like that" sabi ko. Napapikit ako ng magtaas sya ng kamay. Hinarang ko din ang kamay ko sa sarili ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng mga ilang segundo na ay wala pa ding tumatamang kahit na ano sakin.
Sasaktan nya ba ko kanina lang o namamalikmata ako?
Nakita kong tumalikod si Dylan sakin.
"From now on dito ka na magka kwarto-
"Eh diba kwarto mo to? Saan ka matutulog?" hindi ko napigilang mag but in
Tiningnan nya ko ng masama.
"Here, gaya ng sabi mo kwarto ko to. We're married, is there any problem with that?"
Huminga ako ng malalim. Wala naman sigurong gagawin sakin tong si Dylan. Ano ka ba Mia?! Napaka dirty ng utak mo.
Pinilig ko yung ulo ko.
"Wala"
"As I was saying, dito ka na. Hindi ka na makakaalis ng bahay ng hindi ako kasama unless needed at may permiso ko. Titreplehin ko din ang nagbabantay sayo" Dylan.
"That is too much Dylan! Sobra naman yun! Tao din ako, I need to go outside"
"And what?! Para lumandi?!"
Natahimik ako sa sinabi nya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at lumapit ako at pinagtutulak ko sya. Hinampas hampas ko din sya hanggang sa hindi ko na napigil ang luha ko.
"Sobra ka na! Bakit ba ganyan ang tingin mo sakin! I am trying to prove myself to you! Bakit sumosobra ka na Dylan!"
Hinawakan nya ang dalawang kamay ko at tinabig iyon kaya natumba ako.
"You made me this way" pagkasabi nya nun ay mabilis syang lumabas at binalibag ang pintuan.
Umiyak lang ako ng umiyak ng dahil sa nangyari samin. Bihira na nga lang kami magkita, lagi pa kaming nagtatalo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. All I want is bumalik sya sa dati. Hindi ba pwede yun?
Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigat na bigat ang mata kong dumilat. Nakakarinig na naman ako ng sigawan. Triny kong dumilat at nakita ko sa orasan na nasa side table alas singko pa lang ng umaga. Bumabagsak talaga ang mata ko kaya pinikit ko na lang ang mata ko.
Doon na nag sink in sakin na parang biglang dumilim ang paningin ko kanina pagkatapos naming magtalo ni Dylan. Hinimatay na naman ba ko?
"Why didn't you tell me right away! You are proving to me how incapable you are in doing your job! Muntik na pala syang mabangga! Damn it!"
"Sir-
"I don't need your explanation, I need to know who's driving that freaking car! Get me all his information!"
Kahit nakapikit ako, alam kong boses ni Dylan yun. Nagagalit na naman sya, Umagang umaga. Teka? Ako ba yung dahilan na naman bat sya sumisigaw. Ramdam kong masama ang pakiramdam ko kaya tuluyan na akong nakatulog ulit.
Nagising ako dahil sa walang patid na tunog ng cellphone ni Dylan. Dinilat ko ang mata ko. I am still feeling unwell. Pero nagtataka ako dahil pakiramdam ko ay may mabigat sa katawan ko.
Halos lumundag ang puso ko ng makitang may nakayakap na braso sakin at ganun din na may naka dantay na legs sakin. Naramdaman ko din ang mainit na paghinga sa batok ko.
Nakayakap sakin si Dylan, matulog.
Hindi ko alam kung anong meron sakin pero kahit masama ang pakiramdam ko ay sobrang saya ko.
Sa tagal ko ng nabubuhay mag isa. I've never felt this safe and secure. Habang yakap ako ni Dylan para bang walang pwedeng makapanakit sakin.
Napapikit ako ng maramdaman ko ang pagkilos ni Dylan. Ring pa din ng ring ang telepono nya. Ramdam kong inabot nya ito mula sa side table.
"Hello manager" bumilis ang t***k ng puso ko. My goodness, bakit pati sa pagka husky ng boses nya ay kinikilig ako. Napakalapit nya lang sakin dahil di naman nagbago ang posisyon nya. Sinagot nya lang talaga ang telepono.
"Hello Dylan, nakaayos ka na ba? May shoot ka ng 10 AM. Paalis na din kami dito"
Dahil malapit nga sya ay naririnig ko ang sinasabi ni Manager Grace sa telepono.
"Hindi pa"
"Ano? Ano ka bang bata ka?! Maghanda ka na. Gising na ba si Mia? Pakisabi maghanda sya ng breakfast"
Tatayo na sana ako, kaso naalala ko na nagtutulug tulugan nga pala ako.
"Bakit si Mia? Mag drive thru na lang kayo or dyan na kayo kumain. There is no need to come here, cancel the shoot"
"Wait? What? Are you serious? Inaantok ka pa ba?"
"Yes and yes, napuyat ako. May sakit si Mia. We can't go. Ikaw na bahala manager" sabi ni Dylan. Nag yawn pa sya.
"You're cancelling your shoot dahil may sakit yang si Mia! That is ridiculous Dylan! Alam mo pa ba ang ginagawa mo?!"
"I don't like being lectured manager, you know that. Cancel the shoot, I'm hanging up" firm na sagot ni Dylan bago binaba ang tawag.
Pinigil ko naman ang paghinga ko ng maramdaman kong tumayo sya. Hinawakan nya ko sa noo na mas nagpabilis ng t***k ng puso ko.
"You still have fever, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo Mia. Napakatigas ng ulo mo" he said.
Naramdaman kong bumaba sya ng kama at ang sunod na narinig ko ang ang pagbukas at pagsara ng pinto.
Dahan-dahan akong dumilat. Hindi ko naiwasang mangiti. Inalagaan ako ni Dylan buong magdamag. Napatingin ako sa sugat ko sa braso. Nakita kong may mga bandage na iyon.
Mabilis ulit akong pumikit ng narinig ko ang pagpihit ng seradura.
The next thing I felt is ang malamig na bagay na ipinatong sa noo ko. Naramdaman ko ang muling paglabas ni Dylan ng kwarto.
Dahil na din siguro sa sama ng pakiramdam ay nakatulog muli ako.
Pero this time nakatulog ako ng a g saya-saya, ang sarap sa pakiramdan na alam ko na hindi pa talaga nawawala ang Kasper na minahal ko 9 years ago.
He still care
He's still there and I know deep down
He still loves me.
And I won't be giving up on my husband. Aayos ang lahat at babalik sya at magiging masaya din ang love story namin.
------------------