Chapter 14

3058 Words
Amilia's POV. Nagising ako sa malalakas na kalabog sa pintuan ng kwarto ko. Mabilis akong bumangon at binuksan iyon. Sumalubong sakin ang galit at namumulang mukha ni Dylan. "Dylan? Bakit?" tanong ko. "I've been knocking your freaking door for 15 minutes already! Bakit di mo agad pinagbuksan!" inis nyang sigaw sakin. "Wala ka namang shoot ngayon diba? Kaya nga di ako nag set ng alarm. Napagod din kasi ako kagabi halos umaga na tayo nakauwi" sagot ko. "So kasalanan ko?" sarcastic nyang sabi sakin. "I didn't say that! Atsaka instead na magalit ka at magsisigaw dyan, ano bang kailangan kong gawin? May iuutos ka ba or what?" Lagi syang ganito, ilang buwan na kaming nagsasama pero daig nya pa ko pag may period kung magalit. Nakikita nya pa lang ako, sumasama na agad ang itsura nya. "Hurry up! We need to go somewhere!" inis nitong sabi sakin. "Sige na ito na magmamadali na!" sabi ko at mabilis na pumasok sa loob. Wala naman kaming schedule ngayon, nakakapagtaka naman na sobra syang nagmamadali. Hindi na ko nakapag suklay ng maayos or nakapag blower man lang dahil nagsimula na namang lumagabog sa pintuan ng kwarto ang malalakas na pagkatok ni Dylan. "Damn Mia! What's taking you so long! Nagmamadali na nga tayo diba?!" sigaw nya mula sa labas. Nag roll eyes na lang ako bago tumayo at pagbuksan sya. "Bakit kasi hindi mo sinabi saking may lakad pala tayo ngayon e di sana hindi ka nagmamadali ng ganyan" sagot ko sa kanya. Nakakainis kasi, alam nya naman siguro na hindi ako ganun kabilis kumilos tapos ugh! Dylan is confusing me. "Whatever. Tara na!" sabi nito bago nagmamadaling tumalikod. Mabilis kaming lumabas ng bahay. Nakita kong sumakay na sya sa sasakyan nya. Nag aantay ako na umalis na sya at hinahanap ko din nasaan ang van naming mga staff. Nagulat ako ng bumisina sya at bumaba ang salamin ng kotse nya. "Mia! Ano ba?! Sakay na!" sigaw nito. Mabilis akong lumapit. Malay ko ba na dito ako sasakay ngayon dahil ang tagal na nung huling mangyari yun. Ang madalas ko ng kasama ay sila na Manager. Mabilis akong sumakay sa shotgun seat. Kita ko na halos mag duktong na ang kilay ni Dylan dahil sa inis. "Saan ba kasi talaga tayo pupunta? Nasaan sila Manager? Nauna na ba sila?" tanong ko. "Tsk! Enough with your questions! You'll be doomed kapag naabutan ka" sabi nya. Ako naman ang kumunot ang noo dahil sa sinabi nya. "Teka, bakit ako? Anong ginawa ko? Atsaka sino bang tinutukoy- Di ko na natapos ang sasabihin ko ng dapat kasi ay palabas kami may biglang humarang na kotse sa harapan namin. "Sht" Dylan cursed. Nahampas nya pa ang manibela sa inis. Naguguluhan na ko. Sino ba tong nasa kotse? "Damn it! Sabi ko kasi sayo magmadali ka" inis nyang sabi. "Teka, naguguluhan ako. Sino ba yan?" tanong ko. Napako ang tingin ko ng bumukas na ang pintuan ng sasakyan at nilukob ako ng kaba ng mula dito ay lumabas ang magulang ni Kasper. Si Mommy Rose at Daddy Dawson. Nakita kong bumaba na si Dylan ng kotse kaya kahit kinakabahan ako ay hinubad ko na ang seatbelt at lumabas na din. Mukhang hindi pa nila ako napapansin dahil nakapako ang atensyon nila kay Dylan. "Kasper anak! Namiss ka ni mommy! Kamusta ka?" nakangiting bati ni mommy sa kanya. Nakita kong bumeso si Dylan sa nanay nya at yinakap nya naman si Daddy Dawson. "Okay lang ako mom" bored na sagot ni Dylan. "Ano bang pinagkakaaabalahan mo at teka aalis ka ba?" tanong ni Mommy at doon ay dumapo na ang tingin nya sakin. Bumalot ang sobrang pagkagulat nya ng makita ako. I tried to force a smile. Nagulat ako ng mabilis pa sa alas kwatrong nakalapit sya sakin at Pak! Binigyan ako ng malakas na sampal. Nagulat ako kaya napahawak ako sa pisngi ko. Aambahan nya pa sana ako ng isa pang sampal ng pigilan na sya ni Dylan. "Mom! What are you doing?!" sigaw ni Dylan kay mommy. Rumehistro ang sobrang pagkagulat sa mukha nito. Hinatak ni mommy ang kamay nya sa pagkakahawak ni Dylan. Matalim syang tumingin sakin. "Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko nyan? What the hell is this Dylan Kasper?! Bakit kasama mo na naman ang babaeng to?!" sigaw nito sabay duro sakin. Nakaramdam ako ng sakit. Emosyonal. Mas masakit pa sa ginawad nyang sampal sakin. Alam ko naman bakit nagkaka ganyan si mommy e, sinaktan ko ang anak nya. Sinira ko ang tiwala nya kaya dapat inexpect ko na, na magagalit sya. Na kamumuhian nya ko. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko. "Rose, tama na yan. Dylan, sige na ihatid mo na si Mia" nagsalita na si Tito Dawson. Mababakas ko ang awa nya sa way ng pagtingin nya sakin. "Umalis ka na Mia, bago ko pa hindi mapigilan ang sarili ko. Ang kapal ng mukha mong bumalik sa buhay ng anak ko, porket maayos na! Ano? Guguluhin mo ulit! Napaka wala mong kwentang babae!" galit na galit si tita. Pinigilan ko ang pagpatak ng luha ko. Alam kong galit si mommy sakin pero di ko ipapakitang mahina ako. "Mommy, bigyan nyo naman ako ng chance mag explain" sabi ko. "I don't need your explanation! Dylan! Ano ba?! Alisin mo na sya sa harap ko! At wag na wag mo ng kikitain pa kailan yan!" "Mom! Tumigil na kayo! That's impossible! Mia is not going anywhere. Dito lang sya!" nagsalita na si Dylan. Mararamdaman mong pinipigilan nyang pagtaasan ng boses ang mommy nya. "Hindi! Kung hindi mo sya kayang paalisin, ako ang magpapaalis sa pesteng babaeng to!" sabi ni mommy bago nya ko hinawakan sa braso. Naramdaman ko ang mahaba nyang kuko na bumaon sa braso ko. Muntik na kong mapasigaw sa sakit na idinulot nun. Marahas na hinatak ni Dylan ang braso ko sa pagkakahawak ng mommy nya. "Stop it! Mom! Hindi aalis si Mia! I married her mom! Kasal kami, kaya hindi sya pwedeng umalis sa bahay na to!" tuluyan ng lumabas ang ma awtoridad na boses ni Dylan. Napahawak naman sa dibdib si mommy, akala ko ay tutumba sya pero nakita ko ang maagap na pag alalay ni daddy sa asawa nito. "This is impossible Dylan! Ano na naman ba tong pinasok mo?" "Matanda na ko ma, sa bahay na tayo mag usap. Please" Huminga ng malalim si mommy at nagpaalalay na kay Dylan papasok ng bahay. Hinayaan ko na muna sila. Siguro kailangan nilang magkasarilinan. Naiwan ako at si daddy. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil kinakabahan ako na baka galit din sya. Nagulat ako ng i tap nya ang balikat ko. "Masaya akong bumalik ka sa buhay ng anak ko, Mia" Daddy Dawson. Nag angat ako ng tingin. Nangilid na ang luha ko. "Dad" tawag ko dito. Nag open arms naman sya kaya mabilis ko syang niyakap. Masaya ako na kahit papano ay may isang tao sa pamilya ni Dylan na atleast tanggap ako. Humiwalay ako at ngumiti sa kanya. "Thank you dad" sabi ko na pinupunasan ang mga taksil na luha na naglandas sa pisngi ko. "Hindi ako naniniwala na intensyon mong iwan ang anak ko Mia, I know your dad. We're very close. Malaki ang kumpiyansa kong napalaki ka nya ng maayos" Tinap nya ulit ang ulo ko. "By just seeing you, nabuhay ang pag asa sa puso kong babalik na ang dating Kasper" sabi ni papa bago ako lagpasan at pumasok na din sa loob. Sa likod ako dumaan at sa kusina muna ako nag stay dahil alam kong nag uusap sila. Nakita kong nagkasugat ako dahil sa marahas na paghawak sakin ni mommy. Nagsimula na lang akong magluto ng pananghalian dahil magtatanghalian na din, for sure nagugutom na sila. Nag bake na din ako para may kakainin mamayang meryenda. Kakapasok ko lang ng mga cupcake sa oven ng pumasok si Mommy sa kusina. Aaminin ko na nakaramdam ako ng sobrang kaba, natatakot ako na pwede nya kong saktan dahil wala naman sila Dylan para pigilan sya at mas natatakot sa mga salitang lalabas sa bibig nya. Mabait si Mommy Rose, sa mga panahon na kami pa ni Dylan daig pa sa isang anak ang turing nya sakin kaya alam ko ng iniwan ko si Dylan, sobra ang naging galit nya. Hindi ko lang iniwan si Dylan. Binali ko pa ang pangako ko sa mommy nya. Tumikhim sya. Marahil ay napansin nyang wala akong balak magsalita. "Wag kang mag alala Mia, hindi na kita sasaktan. Nabigla lang ako. I apologize for hurting you physically, but I won't apologize for every single word I said" Mommy. "Mommy, I know na nagalit kayo sakin dahil iniwan ko si Dylan pero I have my reasons- "And those reason will never be valid Mia! Kapag gusto may paraan and you chose to destroy my son. Kaya ganyan yang si Kasper! Napakalaki ng pinagbago nya dahil sayo!" ramdam ko ang matinding sama ng loob sa sinasabi nya. Ina sya, maaaring kung sakin din to ginawa ay magagalit ng husto si mama at papa. "Kasalanan ko po, kaya nga nandito ako para ayusin ang lahat. Para, maitama ko lahat ng pagkakamali ko" "Then you're a fool Mia! Wala ka ng maaayos! Kaya ako na ang nagsasabi sayo, umalis ka na! Lubayan mo na ang anak ko! Let her be with someone who deserves him!" sigaw sakin ni mommy. My heart was shattered into pieces, just because of what I did. Ibang iba na ang tingin nya sakin. "No mommy! Hindi ko iiwan si Dylan" matigas kong sabi. Di ko alam saan ako humugot ng lakad ng loob. "Well then, if you insist, wala akong magagawa. Choice mo yan, alam ko naman na kaya ka pinakasalan ng anak ko is to get even. I know you're fully aware of that" she said and looked at me straight in the eyes. "And I assure you Mia, that as your mother in law, I am going to make sure that you are going to regret every single day na nasa tabi ka ng anak ko. I will make your life a living hell" Lumunok ako. Nakakatakot si mommy. Ibang iba na sya, like how Dylan is. Ganoon ba talaga kalala ang nagawa kong kasalanan. Hanggang mag dinner ay nag stay sila mommy at daddy. There is really uneasiness and kahit nahihirapan ako ay naitawid ko naman ang araw na yun. Tahimik lang si Dylan at tila walang pakielam kahit harap-harapan na ang mga masasakit na salitang binibitawan sakin ni mommy. Gusto kong umiyak pero tinatagan ko ang loob ko. Para sa amin to ni Dylan. Kakayanin ko basta mag work out lang ang relasyon namin.  Mahimbing na kong natutulog ng makarinig ako ng tila may nabasag sa baba. Agad agad kong sinuot ang robe ko dahil naka night gown lang ako. Nagdahan-dahan ako sa pagbaba dahil akala ko ay napasok kami ng magnanakaw. Pero nanlaki ang mata ko ng makita si Dylan na nakaupo sa mini bar dito at umiinom. Nagulat ako ng ihagis nya ang baso kaya nabasag na naman ito. "Dylan!" sigaw ko, agad naman syang tumingin sakin pero mabilis na inalis yun na animo'y di nya ko nakita. "Go back to sleep, wag mo kong pakielaman" walang gana nitong sagot. "Dylan naman, ano bang problema?" "Pwede ba Mia, umakyat ka na lang!" nagulat ako sa sigaw nya. Hindi ko sya pinakinggan. I made my way, at luckily hindi ako nabubog dahil hindi ako nakapag tsinelas. Nakatiklop ang puting polo ni Dylan hanggang siko. Mukhang kakagaling lang nito sa opisina. Sa wakas nakalapit ako sa kanya. I tried na kuhanin ang baso nya pero mabilis nyang iniwas yun.  "Go away Mia, wag mo sabi akong pakielaman!" sigaw nya sakin. "Bata ka ba Dylan?! Bakit di mo kasi sabihin anong problema!" hindi ko napigilan ang sarili ko at napasigaw na din ako. "Gusto mong malaman ang problema?! Fine! I'll tell you! Lahat naman kasi pinapakielaman mo!" sigaw nya. "Then tell me!" sigaw ko pabalik sa kanya. "It's you! Maybe mom's right. It is really a mistake to marry you! Maling mali na pinapasok pa ulit kita sa buhay ko. Since you got back, lahat na lang nagulo. I even put my fcking career at stake because of this foolishness. Hindi dapat ako nagpadalos dalos sa desisyon ko. Dapat pinag isipan ko muna to" you can hear the great frustration in his voice. Parang may bumara sa lalamunan ko. Mabilis na bumagsak ang luha ko pero mabilis ko din itong pinunasan, bago pa man nya makita. "L-lasing ka lang. Magpahinga ka na" sabi ko. "No! I'm not Mia! Tama, pinag iisipan ko. I should really let you go, matagal ng nangyari yun" "Dylan naman" bumibigat ang pakiramdam ko. "Go, umalis ka na hanggat hindi pa nagbabago ang isip ko" sabi nya. Ininom nya ang alak sa baso nya. "No, I am not going anywhere!" nagbagsakan na ang luha ko. "Ito na yung chance ko para i prove sayo na hindi ko talaga intensyong saktan ka!" "Enough Mia! You!" nagulat ako sa pagsigaw nya at pagduro nya sakin. Napa atras ako at mabuti na lang napigilan ko ang sarili ko sa pagsigaw dahil naaapakan ko na pala ang mga bubog "You made me like this, so don't act innocent! Ayoko ng makarinig nyang explanation mo dahil wala ng mababago! Lahat ng lumalabas sa bibig mo puro kasinungalingan lang!" Rumagasa na ng tuluyan ang luha ko. Hindi ako makagalaw, masakit ang paa ko pero mas masakit ang puso ko. Hindi ko matanggap na nanggaling ang mga salitang to kay Dylan. "You should go. Go where I can't find you before I destroy you" he said. He's not looking at me. "Hindi mo kasi ako pinakikinggan! Pinapairal mo ang pagiging close minded mo! Yes nasaktan kita, pero masakit din yun para sakin Dylan! You drag me in this marriage and then pag ayaw mo na, itatapon mo na lang ako!" iyak na ko ng iyak. Wala na kong pake kung mukha akong mahina or what. "Ouch!" hindi ko na napigilan ang mapa aray dahil mas bumabaon ang bubog sa paa ko. I looked at my feet, nakita kong marami ng dugo sa paa ko. Nakita ko ang mabilis na paglingon ni Dylan at kasunod nun ay ang pagtingin nya sa paa ko. Mabilis syang tumayo at binuhat ako. Halos lumundag ang puso ko dahil napakalapit ko sa kanya "Mia, damn it! Are you crazy?!" inis nyang sigaw sakin. Mabilis syang naglakad, paakyat ng kwarto ko. Natataranta syang kumilos at humanap ng ipangtatakip sa dumudugo kong paa. Habang naghahanap sya ay nakita kong may tinatawagan at kinausap sya. Nilagay nya ang tuwalya sa paa ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng tuwa kahit masakit ang paa ko, dahil sa concern na nakikita ko sa mukha ni Dylan. "Hindi mo ba alam na bubog yun at masusugatan ka kapag inapakan! Are you not thinking Mia!" inis na inis na naman sya. Nanatili lang akong nakayuko. Lumipas ang kinse minutos ay may narinig akong kumatok sa pintuan. Mabilis na binuksan ni Dylan iyon at mula doon ay pumasok ang isang lalaking naka polo din. Halos malaglag ang panga ko dahil napaka gwapo nito pero mas gwapo si Dylan ha! "Good you're here Perseus! Ayan gamutin mo na sya! Make sure na magiging okay sya, hindi ko sya madadala sa ospital that's why I called you" Dylan said. Ngumisi lang yung lalaki. "You better pay me good, pasalamat ka, malapit lang ako at alam ko ang set up nyo" sabi nito. Nilapag na nito ang gamit nya. At umupo sa kama kung nasaan ako. Napaurong naman ako dahil nakangiti sya sakin pero there is coldness in his eyes. "Mia, he's Perseus, kaibigan ko sya. He's a doctor, gagamutin nya ang paa mo" Dylan. "Ah" sagot ko na lang. "Hi Amilia, Perseus" sabi nito at nakipag shake hands sakin. I smiled. "Okay, patingin na ko ng paa mo" Halos mag iisang oras din inalis ni Perseus ang mga bubog sa paa ko at nilinis ang sugat ko. Binendahan nya yun and advised me na pagalingin muna yun bago ako makalakad ng maayos. Makakatayo naman daw ako pero mahihirapan lang talaga sa paglalakad. Nao awkward nga ako dahil naka robe lang ako and yeah although gwapo si Perseus ay lalaki pa din sya. Natapos nya ng iligpit ang gamit nya. "Okay na Mia, pagalingin mo na lang yang sugat mo at inumin ang gamot na nireseta ko, to avoid infection" sabi nito. "Pagka gumaling na ang paa mo, you can put some cream para di magka scar. Sayang pa naman, you have a good body. Makinis ka pa naman, every man will die to date you-" "Fck off Perseus, wag mong pagtripan si Mia" Masungit na sabi ni Dylan. "What? I am just saying the truth- "She's my wife, so nobody can have her except me" diretsong sagot ni Dylan. Halos mapugto ang paghinga ko dahil sa sinabi nya. Hindi ko maiwasang kiligin. Tumayo na si Perseus. "Whatever you say Mr. Possesssive" sinamaan sya ng tingin ni Dylan. "I'm just kidding tol haha" "Ganyan ba talaga pag broken hearted. Gusto mo bang i update kita about kay Sabrina" Dylan "I don't wanna talk about her, sige na uuwi na ko! Bwisit ka talaga Dylan" sabi nito bago sinuntok si Dylan sa braso. "Bye Mia!" paalam nito sakin. Sabrina? Are they talking about Sabrina Salcedo? Yung sikat na artista? May connection ba sya kay Perseus? "Mia" naputol ang pag iisip ko ng magsalita si Dylan. "A-ano yun?" tanong ko. "About what I am talking about earlier, before anything get worst, let's call it quits" Dylan. "Dylan! Ano ba! Sinabi ko naman sayo diba?! Di kita iiwan ng ganun ganun na lang. I wanna make it up to you, gusto kong maayos tayo" "You know that's impossible Mia!" Napalunok ako sa sinabi nya. Hindi na ba nya talaga ako mahal? "H-hindi mo na ba talaga ako mahal?" kinakabahan man ay nagawa kong itanong yan. "Ayaw mo na ba talaga akong makasama" He looked at me in the eyes. I can see madness there. Galit sya. "You know the answer to your question Amilia Selene!" sigaw nya. "Tama na, magpahinga ka na" akmang tatalikod na sya. Nang pilit kong tinayo ang sarili ko. Masakit sa paa pero kaya ko naman. "Ano ka ba?!" sigaw nito. "I am not giving you up again Dylan" sabi ko. He sighed. "Kiss me Dylan" Alam ko, kahibangan na ito at masyado ko ng binababa ang p********e ko pero I want to know kung wala na ba talaga at para ipakita rin sa kanya na I am not giving him up. "Matulog ka na" "I told you- Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mabilisan nyang sinarado ang distansya namin at mabilis na inangkin nya ang mga labi ko. Hindi ko alam kung ilang segundo tumagal ang halik na yun. Pero ramdam ko na isa yung Halik ng paniningil. Lumapit sa tenga ko si Dylan. "I told you to runaway pero gusto mo pa yatang makipaglaro sakin Amilia, then better be prepared. Walang sisihan, hindi ka na basta bastang makakatakas" sabi nya. Bago mabilis na lumabas. Naramdaman ko na namang nagbagsakan ang luha ko. Tama bang nag stay pa ko dito at ipinaglaban sya? I don't feel good about this
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD