Elara's POV Kinabukasan, maaliwalas ang umaga. Ang liwanag ng araw ay sumisilip sa bintana habang tahimik kaming kumakain ng almusal—o dapat kong sabihing, tahimik lang dapat pero hindi dahil sa isang tao rito na halatang may iniisip. Si Kirk. Nakaipit ang isang siko niya sa mesa, hawak ang tinidor pero hindi masyadong kumakain. Panay ang sulyap niya sa akin, at sa tuwing mahuhuli ko siyang nakatitig, may makahulugang ngiti siyang binibitawan. Napailing ako. Alam ko na kung ano ang iniisip niya. Samantalang si Chynna naman, walang kamuwang-muwang na nagkukwento tungkol sa kung paano niya gustong ayusin ang kanyang bag para sa unang araw ng klase. "Mommy, Daddy, dapat po ba may ribbon ako sa hair ko? Kasi po sabi ni Tita Camille, mas cute daw ang mga batang may ribbon!" masigla niyang

