Elara POV "Grabe naman yung pinagdaanan mo mommy, sa ganda mong yan at successful ay hindi ko aakalain na dumaan ka sa mga hirap sa buhay" komento ng anak ko Napangiti naman ako. Makalipas ang sampung taon, nagkaroon an ako ng anak, si Caleb man ang first love ko, nakilala ko naman ang greatest love ko na babago sa akin Tumingin ako sa anak kong nakaupo sa tabi ko, ang munting himala na dumating sa buhay ko. Hinaplos ko ang kanyang buhok habang nakangiti. "Oo anak, hindi naging madali. Pero minsan, ang mga sakit at pagsubok ang nagtuturo sa atin kung paano tunay na magmahal." Nagpakawala siya ng malambing na tawa bago sumandal sa balikat ko. "Pero mommy, sino po ba ang greatest love mo? Si daddy po ba? Ayieeeew" Napatingin ako sa kawalan, saglit na bumalik ang mga alaala ng nakaraan—

