Elara POV Nakatayo ako sa harap ng engrandeng venue ng kasal, isang malaking simbahan na napapalibutan ng mga puting bulaklak. Napakaraming tao—mga bisita na masaya at nagkukuwentuhan, lahat ay mukhang sabik na masaksihan ang pagsisimula ng seremonya. Huminga ako nang malalim bago pumasok. Wala na akong magagawa, inimbitahan ako mismo ni Mr. Montemayor. Hindi ko alam kung bakit, pero narito na ako. Naglakad ako papasok, marahan at may halong kaba. Ang itim na dress na suot ko ay hapit sa katawan ko, na parang isang paalala na hindi ako kabilang sa selebrasyong ito. Ang buhok ko’y nakapusod sa isang maluwag na bun, may ilang hiblang nahulog sa gilid ng mukha ko, at ang makeup ko ay simple pero elegante—isang contrast sa kasiyahan ng paligid. Pagpasok ko, natanaw ko agad ang altar. At n

