Elara POV "Hindi nakakapagtaka na taga-serve lang kayo sa restaurant na ito," sabi ko nang diretsahan, may ngiting puno ng pang-uuyam. "Kasi kulang kayo sa diskarte." Halos mabingi ako sa biglang pagbagsak ng katahimikan. Pero hindi nagtagal, lumaban yung babaeng staff na unang nagsalita. "At least hindi kami kabit," sagot niya nang mariin, nakataas ang kilay habang naglalakas-loob na tumingin nang diretso sa akin. Napangiti ako, pero halata sa ekspresyon ko na wala akong balak umatras. "Kabit?" ulit ko, dahan-dahang naglakad pabalik sa harap nila. "Kabit agad? Aba, ang bilis niyo namang maghusga. Eh kung kayo kaya, ilang taon na dito, wala pa ring napapala?" Tumingin ako nang madiin sa kanya. "Baka naman kaya mas madali kayong manira ng iba kasi wala kayong sarili niyong ambisyon?" N

