Elara POV Naramdaman ko ang bahagyang init sa pisngi ko, kaya mabilis akong umiwas ng tingin. "Huwag kang assuming, ha?" biro ko, kunwaring seryoso. "Eh paano kung tama naman 'yung assumption ko?" tanong niya pilyo, sabay kindat. "Bahala ka," sagot ko na lang, pero hindi ko na napigilan ang pagngiti. Sa gabing iyon, hindi ko alam kung anong mas maganda—ang tanawin ng lungsod o ang pakiramdam ng pagiging malaya sa bigat ng mundo habang kasama si Caleb. "Alam mo, dito ako pumupunta kapag pagod na ako sa mundo," sabi ni Caleb, nakatanaw sa malawak na tanawin habang bahagyang nakangiti. "At sumisigaw ako." Napatingin ako sa kaniya, bahagyang nagugulat. "Sumisigaw?" tanong ko, kunwaring hindi makapaniwala. "Oo, gaya nito." Bigla siyang tumayo nang diretso, huminga nang malalim, at sumig

